Chapter 9: Intramurals (part 2)

0 0 0
                                    

Maya maya na ang umpisa ng game but I'm still nervous! Hindi pa rin sya mawala sa isip ko. I don't know what to do? Para bang isang bangungot ang nagyayari ngayon tsk.

Biglang lumakas ang ingay sa buong gym ng naglabasan lahat ng player ng iba't Ibang kuponan na mag lalaban Laban.

Nahagilap ng mga mata ko ang mga titig ni Tristan sa akin. I saw the sadness in his eyes at parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang mga yun.

Hindi ko gustong nakikita yan mula sa kanya gayong ang Tristan na kilala ko ay laging seryoso. Sya rin ang taong minsan ay nagpasaya sa akin.

Sa tinagal tagal ng pagsasama namin ay ngayon ko lang napag alaman na may something na pala sa pagtingin ko para sa kanya pero ang hindi ko alam ay kung ganun rin ba ang sa kanya.

Mabuti na sigurong itago ko na lang to na yung akin akin lang hanggat hindi ko batid ang tunay nyang nararamdaman. Pano nga ba?

Nag umpisa na ang laro at mukhang nataasan sila ng mga kalaban. Nawawala sa control si Tristan kaya hindi nya magawang maka score.

"Ano ba yan kala ko magaling sya"

"Oo nga! Kala ko rin ee"

"Pero ang gwapo nya pa rin!"

"Yeah! You're right!"

"Pero baka naman may pinagdadaanan lang sya"

"Ano naman yun ee wala pa kong nababalitaan na may girlfriend yan ah"

"Hmm! Baka naman nililigawan tapos binasted sya"

Marami pa kong narinig subalit di ko na lang yun pinansin at binaling ang atensyon sa laro.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero bigla na lang akong tumayo mula sa kinauupuan ko.

"GO! GO! Tristan! Galingan mo!" Magmukha na kong tanga sa kakacheer dito basta maipakita ko lang ang suporta ko.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi ko na lang yun pinansin. Aaminin ko nahihiya ako sa mga pinag gagawa ko ngayon pero bahala na, I think kailangan nya ng support.

Hindi ko alam kung naririnig nya ba ko pero nung nagtama ang mga mata namin ay bigla na lang syang napangiti.

Maya maya pa ay sunod sunod ang shoot na nagagawa nya kaya naman mas lamang na sila ngayon sa kalaban. Napangiti na lang ako saka bumalik sa kina uupuan ko.

Sa sakit ng lalamunan ko sa kakasigaw ay napapikit na lang ako kaya't hindi ko napansin kung sino ang nakatayo ngayon sa harap ko.

Narinig ko ang tilian at sigawan na bumabalot sa buong gym kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko na nasa harapan ko ngayon si Tristan.

"T-Tristan! A-nong gi-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nilagay nya ang kanyang daliri mula sa aking mga labi.

Lalong lumakas at umingay sa loob ng lalo lang silang nagtilian. Sa tingin ko ay dahil to sa iniisip nila tungkol sa aming dalawa.

Uminit ang pisngi ko ng lumapit sya sa akin and I can feel his breath. Lumapit sya lalo ng marating nya ang aking tenga saka bumulong.

"Thank you!" He whispered. Tumingin ako sa kanya ng diresto na para bang nagtatanong ng anong ibig nyang sabihin.

Ngumiti lamang sya at nagulat ako ng hawakan nya ang palapulsuhan ko at hilain papunta sa kinaroroonan ng team mates nya.

Inikot ko ang tingin sa buong gym ng biglang tumahimik. Maya maya pa ay para na silang aso sa kakaungol at kakatili dahil sa nakita.

Nahihiya tuloy ako ng marealize na hawak pala ni Tristan ang kamay ko kaya sila nagtitilian. Agad ko naman itong tinanggal at napatingin sya sa akin.

Imbes na bitawan ay lalo lamang nyang hinigpitan at inilapit nya ko patungo sa kanya. Fuck it Tristan! Ano bang binabalak mo?.

Pinandilatan ko sya ng mata pero hindi pa rin sya natitinag and he smirk. Loko ka Tristan! Gusto mo ba kong pag usapan ng mga tao pag nalaman nilang wala naman tayong relasyon huh!

"Hi guys! Ito nga pala si Kim, Kim ka team mates ko" ngumiti lamang ako sa kanila. Pssh! Nahihiya na talaga ako.

"Seriously Tris. Sya yung lagi mong kinukwento diba? Ang ganda pala talaga!" Sabi ng isa sa mga kateam mates nya. Palagay ko mukha na kong kamatis sa pula dito. My god! Kinukwento pala nya ko sa kanila.

Hinila ko ang kamay nya para maagaw ang kanyang atensyon. Humarap sya sa akin at nagtatanong kung ano ang kailangan ko. Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Tristan! Nahihiya na ko! Ang daming mata ang nakatitig sa kin oh!" Nginuso ko ang buong palagit but he chuckles and I pout.

"Don't worry okay?" Hay! Naloloka na talaga ako dito.

Naglakad kami papunta sa upuan ko kanina at saka nya ko pinaupo. Tinignan ko ang mga kamay naming ngayon ay magkahawak pa rin. Agad nyang binitawan ang mga ito at ngumiti.

"Iiwan muna kita dito, may laro pa kami ee" tumango ako saka sya umalis at bumalik sa ka team mates nya.

Saka lang din ako nakahinga ng maayos ng malayo na sya. Nangyari ba talaga yun? Oh! Ang lakas ng tama ni Tristan sa kin.

"Bhe! Baka sya yung secret girlfriend ni fafa Tristan!"

"Oo nga but ang cheap! Ee mas maganda pa tayo dyan sis ee"

"Alright! Tama ka dyan sis! Malay mo ginayuma nya si Fafa Tristan"

"Tompak! Baka nga ginayuma nya sis! Delikado pala tong girlalo na 'to ee"

"Tsk."

Kahit kailan assumera ang mga bakla ee mukha nga silang pang lampaso sa sahig ee kagigil. Correction! Hindi ako nang gagayuma no! Pake nyo ba kung sadyang maganda lang ako hmm?.

Mas maniniwala pa ang mga tao kung sasabihin kong kayo ang naggayuma sa kanya no! Ang papanget nyo kaya pwe!
Duh! Ano ba Kim? Wag na wag mong papatulan ang mga baklang yan! Jusko! Gulo ang aabutin mo pag tinuloy mo pa yan!.

I try to calm down and focus to the game. Nakakalamang pa rin sila sa kalaban edi good! Nahuhuli ko rin minsan ang pag sulyap nya sa akin.

______________________________________________________________________________

Duh!!! Ang galing!! God! Isang lalaking pa fall at isang babaeng pa heart to get!! Bagay silang pagsamahin!

Ano na ang mangyayari sa sunod? Magiging sila ba or what?

I forgot to tell na magiging karibal pala ni Tristan si Kris pagdating kay Kim!! Whuaaaa!! I'm so excited!!

Ipagpatuloy nyo pa rin po! Thank you!!

My Savior Where stories live. Discover now