Natitimangan ako sa taong to, nagmamadali masyado eh ang aga pa naman! Pupunta ako sa mall na naka pangbahay? Ugh!!
"Sira ka ba? Papapuntahin mo ko sa mall na naka ganito lang?" Tumango tango pa sya. Sira ulo nga!!
Nagdrive lang sya ng Nagdrive at wala ng nagsalita pa sa amin. Tumingin ako sa bintana at sinilip ang nasa labas ng huminto sya sa isang ukay ukay. Wait! Ukay ukay? Duh! Bakit dito kami nagpunta? Kala ko ba mall?
"Anong gagawin natin dito?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay lumabas na sya ng sasakyan. Nakakabwisit naman!
Una wala akong kaalam alam kung saan talaga ang tungo namin tapos ngayon ano namang ginagawa namin sa tapat ng ukay ukay? Kaloka!
Sumunod na rin ako sa kanya paglabas ng sasakyan. Pagkababa ko ay saka nya ko hinarap.
"Kanina ka pa nagmamaktol diba? O ayan mamili ka na ng susuotin mo" natawa ako dun. Mukha syang maporma pero di ko alam na mahilig din pala sya sa isang ukay ukay.
Sinunod ko ang sinabi nya. Namili ako ng damit na susuotin ko habang sya ay naghihintay sa labas at dahil hindi naman ako maarte sa pag pili ay kinuha ko na lang yung damit na up shoulder tapos pantalon na maong.
Pumunta ako sa kinatatayuan nya at tinaas ko ang mga nakuha ko para ipakita sa kanya. Kumunot noo lang sya.
"Okay ba to?" Pinagmasdan nyang maigi ang mga damit at ngumuso.
"Ang cheap!" Hala! Bakla ba to? Lakas makacheap ah at saka shunga ba sya? Halos lahat ng damit dito sa ukay ukay hindi babagay sa taste nya. Katawa.
"Shunga! Halos lahat naman dito yan ang sasabihin mo! May pa cheap cheap ka pa eh ikaw ang nagdala sa kin dito"
"Sige bahala ka! Kahit ano na lang suotin mo basta makaalis na tayo sa lugar na to."
"Bakit ka nagmamadali? Dalhin dalhin mo ko dito tapos magrereklamo ka! Sorry ka nalang dahil ako sanay dito kaso ang problema, ikaw hindi" tinawanan ko lang sya. Ayon sa itsura nya ay naiirita na sya kaya tinikom ko muna ang bibig ko at naglakad papunta sa bihisan.
Matapos kong magbihis ay binayaran nya na ang mga damit na sinuot ko at saka bumalik sa sasakyan nya. Huminga sya ng malalim bago binuga ng malakas. Hula ko nag pupumigil sya sa paghinga kanina dahil sa amoy. Nakakatawa sya!
"Baho ah!" Biro ko sa kanya. Sinamaan nya ko ng tingin kaya ako Nanahimik. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makapunta kami sa mall.
Nagtaka ako kung bakit kami huminto sa tapat ng National Bookstore. Hinarap ko sya ng nakakunot ang noo.
"Anong gagawin natin dito?"
"Go" natatangi nyang nasagot.
"Ha?"
"Go! Ano bang ginagawa pag pumupunta sa National Bookstore?"
"Namimili ng gamit or books"
"Alam mo naman pala ang sagot nagtatanong ka pa so Go!" Okay, pahiya ako dun.
Pero anong bibilhin ko dito eh kakasabi ko lang sa kanya kanina na wala pa kong pera para bumili ng books na gusto ko?
"Sabi ko kanina wala akong-----"
"Ako nagdala sayo dito kaya understood na libre ko at saka sabi mo kanina gusto mo ng libro diba kaya Go"
Nakakahiya man pero sinunod ko pa rin sya. Nakangiti ako habang naghahanap ng iba't ibang books dahil naalala ko ang sinabi nya kanina pati ang inasal nya dun sa ukay ukay.
Marami akong mapili pero hindi ko makuha dahil nahihiya na ako at baka sabihin nya pang napaka abusado ko.
Nagulat ako ng may kumuha ng mga librong binalik ko kanina at ng tignan ko ay si Tristan lang pala.
"Anong gagawin mo dyan?"
"Ano bang ginagawa kapag kumukuha ng libro?" Pilosopo talaga ang taong to. Ang hilig mang balik ng tanong, kainis, tanong ko sagot ko.
"Malamang babasahin pero hindi ko alam na nagbabasa ka pala" sagot ko sa kanya na may halong pagtataray.
"Hindi naman ako ang magbabasa"
"Sino?"
"Sino bang kasama ko ang namimili ng libro?"
Isa pa talagang balik ng tanong ng taong to masasapak ko na sya sh*t!
"Ako! Alam mo Tristan nakakainis ka na ah! Ano to? Tanong ko sagot ko"
Tinawanan nya lang ako at ginulo ang buhok ko.
"Iniirita mo ba talaga ako? Wala na kong suklay suklay ginulo mo pa"
"Manahimik ka na nga ang ingay mo alam mong nasa mall tayo eh! Okay sorry na! Kinuha ko to para bilhin para sayo kasi mukhang gusto mo eh"
"Nahihiya kasi ako"
"Bakit ka naman mahihiya? Libre ko nga di ba edi bilhin mo lahat ng gusto mo"
"Kahit itong buong libro na nasa National Bookstore?" Tumango sya at ngumiti.
"Baliw"
Nawala kagad ang inis ko dahil sa sinabi nya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
Matapos ang pamimili ay pumunta kami sa food court. Nakaramdam kasi kami ng gutom eh. Sya rin ang nagbitbit ng mga pinamili kong libro.
Nahihiya na talaga ako. Sya nag libre sa kin tapos sya rin magbubuhat ng pinamili ko.
Matapos kumain ay nag lakad lakad muna kami dahil maaga pa naman. Lagi nya rin akong tinatanong ng 'gusto mo' sa tuwing nakakakita kami ng mga pagkain at ang lagi ko namang sagot ay 'busog na ko'.
"Kamusta?"
"Kamusta ang alin?"
"Ang date natin ngayong araw. Masaya ba?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. What? Date? Kanina pa kami dito pero ni hindi ko man lang napansin o naisip na date pala yun. Ano to lokohan?
"Seryoso ka na date to?" Tumango sya at kumindat. Uminit ang pisngi ko Ugh!!
"Ganun na ba ngayon ang tingin mo? Pag magkasama ang babae at lalaki date na!" Ngumiti lang sya.
"Sa totoo lang hindi, pero ikaw kasama ko eh" duh! Gaano na ba ko kapula dito? Nakakahiya.
"Baliw ka ba? Sa pag kakaalam ko kasi mag shota lang ang nag dididate or mag asawa at kung iniisip mo na date to bilang magkaibigan, hindi date tawag dun kundi outing. Use your common sense pwede? Hindi naman tayo mag jowa"
"Haba ng sinabi eh dun din naman ang punta natin" bulong nya pero rinig ko naman. Sinamaan ko sya ng tingin at saka sya nanahimik at sumipol sipol.
"Ewan ko sayo uwi na nga tayo"
Umuwi na kami matapos yun at nagpasalamat din ako sa kanya bago sya umalis.
Dumiretso ako sa kama at dahil sa hindi ko mapigilan ang kilig ko ay nag tititili na lang ako at gumulong gulong sa malambot kong kama.
Yeah...kung date ang tingin nya dun eh di date basta kinikilig ako.
______________________________________________________________________________
YOU ARE READING
My Savior
RandomMy name is Ericka Kimberly Dela merced Abellana, I am 17 years old becoming 18 next year. Studying at PU ( Perpetual University) taking a course of Bachelor of Business and Management Administration and living at The Golden state Subdivision. This...