Chapter 16: Suspicious

0 0 0
                                    

Nanatili ako ng ilang sandali sa bahay ni Tristan. Wala sya ngayon dahil nag paalam syang may bibilhin lang sandali sa labas. Sinabi ko kung pwede ba kong sumama pero ayaw nyang pumayag. Manatili lang daw ako dito hangga't hindi pa sya nakaka uwi.

Dahil wala akong magawa ay naisipan kong maglibut muna sa buong bahay. Marami akong napuntahan na puro magaganda. Ang ganda talaga ng pag kaka desenyo ng bahay na ito.

Habang naglalakad ay may napuntahan akong kwarto sa itaas. Maraming kwarto dito kaya hindi ko alam kung nasaan ang sa kanya.

Hindi naman sa magnanakaw ay pinasok ko pa rin ang loob nito. Kung kanina hindi ako siguradong sa kanya ang kwartong to ngayon ay sigurado na ko.

Nakita ko kasi ang supot na dala nya kanina na naririto sa kama. Hindi ko na lang yun pinansin dahil ayaw kong mangaelam ng gamit dito at baka pag kamalan pa kong magnanakaw kapag may nawala dito patay!

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag hawakan at tingnan ang loob ng supot pero na cucurious talaga ako. Nanginginig ang mga kamay kong binubuksan ang supot.

Hindi ko alam kung kinakabahan lang ba kong mangaelam dito or dahil may kakaiba sa loob ng supot na ito.

Hahawakan ko na sana ang supot ng bigla akong makarinig ng pag bukas ng pinto. Hala! Baka andyan na sya.

Bumaba kagad ako para hindi nya mapansing galing ako sa taas. Dumiretso ako sa kusina at kunwaring naghahalungkat ng pagkain. Sana hindi nya ko mahalata.

Nakarinig na ko ng mga foot steps at sa tingin ko ay papunta ito sa kinaroroonan ko. Agad kong inayos ang sarili ko at nagpatuloy sa ginagawa kong pag kukunwari.

"Anong ginagawa mo dito? Gutom ka na no!" Tumango ako bilang sagot sa kanya. Nagugutom naman talaga ako ee.

"Uhm yes! Naghahanap lang ako ng pwedeng kainin" mukha naman syang nakumbinsi sa palusot ko.

"Ah okay! Don't worry nakabili na ko ng makakain mo. Umupo ka na lang dyan" kaya pala sya umalis ay dahil bibili lang sya ng makakain ko. Aayyyiiee! Ang lakas talaga magpakilig ng lalaking to sa kin.

Ginawa ko na lang ang sinabi nya. Umupo ako sa tapat nya habang sya naman ay hinahain ang kakainin namin. Wow! Mukang masarap yung binili nya ah! Nakakatakam.

Nahuli ko syang napangisi habang tinitigan ako. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

"Anong ningingisi ngisi mo dyan? May dumi ba sa mukha ko?" Yumuko sya at umiling.

"Wala halata kasing gutom ka na eh! Takam na takam. Buti na lang malapit na tong matapos baka kasi lamunin mo to ng may plastic eh" sabay tawa. Loko ka anong kala mo sa kin? Masiba? Inirapan ko na lang sya.

"Baliw! Hindi naman ako matakaw no! Gutom lang talaga ako" pagsusungit at pag papalusot ko.

"O Ayan! Tapos na. Kain na!" Walang anu ano at kumuha kagad ako ng kanin at ulam.

Nagpipigil naman sya ng tawa dahil sa reaksyon ko. Bakit ba? Gutom ako eh! Sinamaan ko sya ng tingin at agad naman nyang tinikom ang kanyang bibig.

Napansin ko namang hindi sya kumakain kaya't tumigil ako sa aking pagkain at tinitigan sya.

"Ano? Bakit ka huminto?" Tanong nyang nakakaloko.

"Bakit hindi ka kumakain?" Ngumisi naman sya sa tanong ko. Anong nakakatawa?

"Para lang naman talaga sayo yan eh!" Uminit yata ang pisngi ko dun. Kumuha ako ng isang basong tubig at agad na ininom para hindi nya mapansing namumula na ko. Ngumiti naman sya akin. My god! Tristan, you're the one who always driving me crazy!!

"Your blushing" pang aasar nya pa sa kin. Binaba ko ang baso ng tubig at muling kumain. Yumuko na lang ako para hindi nya na makita ang pamumula ko.

"By the way, umuwi ka na pagkatapos mong kumain hmm" tumango na lang ako.

***

Nang natapos na ko sa pagkain ko ay nagligpit muna ko ng pinag kainan. Tinulungan ko muna syang maghugas ng aming pinggan bago ako tuluyang umalis.

Lalabas na sana ako ng gate nila ng hawakan nya ko sa braso at hinila palapit sa kanya. Ngayon ay nakasandal na ko sa dibdib nya habang nakayakap.

Luh! Ano na naman ba tong pakulo ni Tristan? Kinikilig na nga ko kanina dinagdagan pa ngayon.

Nanatili lamang kami sa ganong position. Walang kumukurap at mukhang walang gustong bumitaw. Gosh!! Umiinit na ang pisngi ko!

"Uh...eh...T-Tristan," nauutal na ko my god!! Anong gagawin ko?

"I miss you so much," bulong nya malapit sa tenga ko. I miss him din naman pero hindi naman pwedeng Manatili lang kami sa ganitong position no!

Kala ko wala syang balak bumitaw at sa tingin ko ay ilang minuto na kami sa ganoong position. Ngumiti ako at nagpa alam na sa kanya na aalis.

***

Nakauwi na ko at nakahiga sa kama. Grabe! Nagyari ba talaga yun? Kinikilig ako shet! Hindi pa ko nakuntento at umikot ikot pa ako pagulong sa kama.

Nahinto ako ng masagi sa isip ko yung supot na dala nya kanina. Ano kayang laman nun? Sabi nya damit daw galing sa kaibigan.

Wala pa kong kilala na mga kaibigan nya except kina Kris. Then parang hindi sya yung tipong tatanggap lang ng damit galing sa ibang tao kahit kaibigan nya pa kasi ang popormal lagi ng suot nya.

Or else baka may tinatago sya na kung ano at nakalagay yun sa supot na hawak nya. Nakakapagtaka naman! Yes! Sinabi nya kung ano ang nasa loob ng supot pero hindi nya yun sa kin pinakita.

Hindi kaya talagang may tinatago sya? I need to figure it out! Kailangan kong malaman kung ano ang tinatago nya or talagang may tinatago sya ay kailangan kong malaman but how?

Hindi naman ako pwedeng mag stalk sa kanya lalo pa't wala pang kami. Remember, hindi ko pa rin sya sinasagot.

May balak na kong sagutin sya but this is not a the right time. Naghahanap pa ko ng tsempo sa balak kong yun.

Marami pa kong gustong malaman about him, about his life, favorites, hobbies and so on. Ganun naman talaga di ba pag nagmamahal? Mas maigi ng marami kang alam sa pagkatao ng magiging boyfriend or girlfriend mo. Yeah! I know that this is my first time pero ayoko ko namang masaktan sa unang pagkakataon no! I am not ready anymore! Maigi ng alam ko ang personality nya bago ako pumasok sa isang relasyon.

______________________________________________________________________________

Wow! This is so amazing! Parang sila na hindi pa pala pero mukhang malapit na. Aayyyyiiieee!!! I'm so excited.

Thank you for staying!! :-) :-)

-Rodgenie

My Savior Where stories live. Discover now