Kaye P.O.V.
Sobrang aga akong binulabog ni Kamille sa kwarto. Di ko mapigilan ang excitement niya.
Nagluto na daw siya at ready na siyang umalis. Ano bang nakain ng kapatid ko? Tinutopak na naman sa mga idols niya.
Ni hindi ko na nga natapos ng maayos ang breakfast ko.
Kahit ganyan yan, mahal ko kapatid ko dahil malaki ang utang na loob ko kanya.
Naghihikab pa ako nung on our way na kami sa Star Music.
"Matagal pa ba sila ate?" tanong ni Kamille habang hinihintay namin sila sa lobby.
"Marunong ka bang tumingin sa relo mo? Tingnan mo oh, 7:30am pa! 9am pa duty time nun." Reklamo ko naman sa kanya.
Kasi naman eh!
"Sorry na nga, excited lang."
"Bahala ka nga diyan, matutulog ako dito." Dinantay ko yung dalawa kong paa sa center table at pumikit muna ako.
Mga ilang sandali lang, ginising na naman ako ni Kamille.
"Ate, gising, 8:30 na oh. To naman, tinutulugan ang trabaho, for your information po ate, dito ka nagtatrabaho, sabi mo pa nga may meeting pa kayo mamaya. Hmp" sabay irap niya sa akin.
Inayos ko nalang sarili ko at tumingin sa relo. 8:30 na pala. Paglingon ko, nakita ko sila Jia at Jho sa may hallway, papalapit sila sa amin.
"Hi Jia, Hi Jho." Bati ko ng makalapit na sila.
"Hello." bati ni Jho sabay ngiti. Tumingin naman siya sa kapatid ko kaya pinakilala ko na.
Sa sobrang hyper ni Kamille, ako na ang nahiya kina Jia at Jho.
"Pasensiya na kayo sa kanya ha." Hinging umanhin ko.
"Okay lang." sagot ni Jho sa akin.
Sa tingin ko parang sanay na rin sila. Kahit si Jia nga na makulit kahapon nalalampasan sa kakulitan ng kapatid ko.
Unang umalis si Jia kasi tinawag siya ng kasama sa department nila kaya kaming tatlo nalang ang naiwan. May kung ano-ano pang sinasabi si Kamille pero nakatuon lang yung tingin ko kay Jho.
Napapangiti nalang ako pag tinutugunan niya si Kamille pero nakita kong biglang nag iba yung mood niya nung marinig niya ang pangalang Bea.
Di ko maiwasang matanong sarili kung sino ba siya? Siguro dati niyang team-mates. Ningitian ko nalang siya nung tumingin ang mga mata niya sa akin.
Pagkatapos ng autograph signing nila, pina alis ko na agad si Kamille, baka maisipan pa nitong dito nalang muna mag stay sa building. Ayoko! sunud-sunuran pa ako sa kanya dito.
"Pasensiya ka na talaga kay Kamille Jho ha.. makulit talaga yun eh." Panimula kong sabi ng maka-alis na si Kamille, papunta na kami sa office niya.
"Okay lang Kaye. Nakakamiss tuloy maglaro ng volleyball." ngiting sabi niya sa akin.
"Pwede naman tayong maglaro ah." Suhestiyon ko sa kanya. Actually, marunong naman akong maglaro ng volleyball pero binabawalan na ako, madali lang kasi akong mapagod.
"Pag may time, pero sa ngayon, magtrabaho muna tayo ha." sabay ngiti niya sa akin.
"Sure, pwede ba kitang samahan?"At kahit ako nagulat sa sinabi ko. Babawiin ko na sana kaso bigla siyang nagsalita.
"Sigurado ka?"
Napangiti ako sa kaloob-looban ko kasi akala ko tatanggi siya.
"Oo naman, pero wait, bili lang ako ng coffee. Hindi na kasi ako nakapagkape kanina ang aga namin dito."
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven