Chapter 41

2.2K 54 6
                                    

Bea POV

Laking gulat ko nung paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Jho na kayakap si Mommy.

Para akong na statuwa sa kinatatayuan ko ngayon. Kinakabahang tinitingnan ang dalawa.

No! Hindi niya dapat malaman.

Magpapalipas lang sana ako ng ilang araw para naman ma subside pa tong pagkahilo ko dahil sa radiation na ina undergo ko pagtapos ay susuyuin ko na naman si Jho.

Naisip ko kasi, kung si Kaye man siguro ang maaring mapili niya. Magiging mabuting kaibigan naman ako sa kanya at wala akong balak sirain kung meron man silang relasyon.

Pero kung wala pa ding pinipili si Jho, e di itutuloy ko ang laban ko.

"J-Jho? Wh-What are you do-doing here?" gulat kong bulalas at nakita kong nag angat siya ng tingin.

Para tuloy akong nagsisi nung makita ko siya kasi napuno ng luha ang mga mata niya.

Kumawala naman siya sa pagkakayakap ni Mommy saka mataman akong tinititigan.

Di ko  makayanan ang tingin niya kaya dun ako kay mommy tumingin na parang nagtatanong kung bakit andito si Jho.

"I think, I should leave you two, para naman makapag usap kayo." Sambit ni Mommy tapos ay yumuko siya at umalis na rin.

Ang likot ng mga mata ko pero si Jho hindi ko mabasa ang emotion niya kahit umiiyak pa din siya at nananatiling nakatingin sa akin.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero natatakot ako, natatakot ako sa mga tingin niya, natatakot ako sa sasabihin at itatanong niya ngayon. Natatakot akong malaman niya ang totoo sa akin.

Ayokong iwanan si Jho and thats the painful thing na gagawin ko sa aking sarili kung magkataon man.

I remember that day when I decided to stay away from her just for a little moment.

Flashback:

Napasapo ako sa nakita kong resulta na ginawa sa ikatlong pagkakataon.

Andito kami ngayon sa sala, si Kuya na nakatayo, si Mommy na nakaupo sa sala at nakayakap kay Dad, ako na kaharap lang sa inuupuan nila Mom at Dad. At saka yung Doctor na nag tetest sa akin na nakatayo din na katabi kay Kuya.

"This can't be happening!" at binalik ko lamesa ang papel. "Im physically fit Doc! Pano ako magkakaroon ng ganyan?"

"Bea, you need to relax" alo sa akin ni Kuya. Kasi si Mom iyak na ng iyak nalang at inaalo siya ni Dad.

"Anong dapat kong i relax Kuya sa nabasa ko ngayong resulta?"

"Ms. De Leon, maagapan pa din naman natin ang pagkalat ng cancer cells if we do the procedure as soon as possible but sa ngayon, wala pang ganung apparatus ang Pilipinas thats why I will recommend you na sa US mag medication." Explain naman sa akin ni Doctor Rodriguez.

"Ayokong umalis!" agad kong sabi.

"B-Bea!" sabi ni Mom at napatingin ako dun, alam kong nahirapan din siyang tanggapin na ang anak niya may cancer. "This is the only way!"

Tumingin ako kay Mom at Dad with a pleading eyes.

"I just can't leave here, i cant leave the team... i cant leave Jho. Ayoko siyang iwan."

"If hindi natin to magagawa sa lalong madaling panahon bibilis ang pagkalat ng mga cancer cells and less percent to survive."

Napapikit tuloy ako sa sinabi sa amin ng doctor.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon