Bea POV
Mag aapat na araw na akong pabalik-balik sa condo ni Jho.
Minsan sinasarhan na niya ako ng pintuan, minsan din nagmamadali siyang umaalis papuntang opisina niya o di kaya mag go grocery. Lagi lang akong nakabuntot sa kanya.
Aaminin ko, nasasaktan ako sa mga ginagawa ni Jho. Pero ano pa bang magagawa ko? Ako ang unang nanakit.
Hindi lang isang beses akong tinatanggihan ni Jho pag ina aaya ko siyang mag lunch, o mag dinner. Ang dami niyang reasons, hindi ko naman mapilit kasi baka lalong lumayo.
Kinabukasan nung araw na binantayan ko siya, pumasok ako sa kwarto ni Jho habang tuloy pa sya. Maaga din kasi akong lumabas saka umalis, pinagalitan na ako ni mommy.
Malaya ko siyang pinagmamasdan that time. Malaya ko ding nahalikan ang noo niya at napangiti ulit ako ng makita ko yung team picture namin dun sa frame.
Mapapahingang malalim nalang talaga ako sa dapat kong gagawin.
Mahal ko si Jho at nung iniwan ko siya ay hindi ko din naman gusto pero hindi ko din alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya lahat.
Para na nga akong tangang nag aabang lagi sa lobby ng opisina nila. Dala dala ko pa ang favorite flower niya.
Madalang lang kasi siyang lumalabas sa office at laging sinasabi ng secretary nila na busy siya at ayaw magpa disturbo. Minsan iniiwan ko nalang yung flower sa center table.
Kahit nga hingin ko number niya,tatalikuran lang ako. Di ko din mahingi sa mga kaopisina niya, ayaw nilang ibigay.
Hay. Ano ba tong sitwasyon na pinasok ko.
Mapapasabunot ka nalang ng buhok.
"They are still mad at you." Sabi ni Maddie sa akin. I invited her for a lunch since ayaw talaga akong paunlakan ni Jho.
Im asking her about nila Ate Ella, Ate Ly, Jia at sa ibang team mates namin.
May karapatan din naman silang magalit no?
"Bei, bakit ka kasi umalis at ang nakakaloka, hindi ka man lang nagpa alam, or nagsabi kung ano gagawin mo at san ka pupunta."
I just shrug my shoulder at pinaglalaruan lang ng tinidor ang natitirang brocolli sa plato ko.
"It doesnt matter, Maddie. Its been 3years... wala na siguro akong mukhang ihaharap sa kanila o rason na sasabihin sa kanila."
"Napaka judgemental mo naman! Nakakainis ka pag ganyan ka. Sarap mong i-ngod-ngod diyan. Hindi mo ba napapansin na explaination lang ang kulang mo sa kanila! Kahit nga ako inis pa din sayo! Buti nga pumayag pa akong samahan ka ngayon dito." Pagtataray ni Maddie. Natawa lang ako sa kasungitan niya.
"Hindi ka nakakatawa Bea, kung alam mo lang."
"Galit ka na niyan?"
"Ewan ko sayo."
"Fine. I left to US kasi my tita needs us. Yun, yung rason ko."
Biglang natigilan si Maddie sa iniinom niyang juice saka tumingin ng masama sa akin.
"Alam mo, buti nalang ako lang talagang mag isa dito at hindi yan narinig ng buong team, kundi bogbog ang aabutin mo."
"Ang sadista mo talaga, Maddie."
"Totoo naman eh! Yun lang? Yun yung reasons mo kaya ka umalis?"
"Kailangan pa ba ng iba pang rason? Actually, she's sick and she needed our help. Thats it." Dugtong ko pang explain kay Maddie.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven