Jho P.O.V.
Medyo okay na pakiramdam ko ngayon unlike talaga kahapon. Laking pasasalamat ko kay Kaye kasi hindi niya ako iniwan.
Siya nag alaga sa akin.
Napapayag ko lang yun na umalis nung dumating na si Jia kinagabihan.
Kailangan pa kasi niyang mag impake kasi ngayon ang alis nila papuntang Singapore.
Sayang hindi ako makakasama. Hindi ko siya makikitang mag perform. Wala ako sa tabi niya.
Eh ano naman ngayon Jho?
Moral Support!
Pinilit ko nalang talagang tumayo ngayon kahit medyo pumipitik pa tong sentido ko. Di ko nga rin alam bakit ako nagkasakit. Siguro dahil sa pagod nung nag water activity kami.
Naabutan ko si Jia na naghahanda na kasi dapat 10am andun na sila sa airport.
"Oh Bes, okay ka na ba?"
Tumango lang ako sa kanya.
"Ngapala, nag iwan na ako ng makakain mo diyan, saka nag grocery na rin ako kahapon pagkahatid ko kay Kaye. May pinabibigay din siya diyan, di na kasi kita naabutang gising kagabi."
Hinatid kasi ni Jia si Kaye kagabi tapos inaantok na rin ako kaya di ko nga namalayan ang pagdating niya.
"Okay." sabi ko sa kanya.
Balak ko sanang sumama sa kanya ngayon. Gusto kong makita si Kaye.
Miss mo na agad?
Hindi! I mean.. slight? Ewan ko sayo, gusto ko lang magpasalamat sa kanya. Dun sa pag aalaga niya kahapon sa akin.
"Magtataxi nalang siguro ako. Sege na Bes, alis na ako." natauhan ako ng bumeso si Jia sa akin.
"Hatid nalang kita Bes." sana payagan ako.
"Ha? Hindi na no, baka mapano ka pa, saka di ka pa okay o."
"Sege na please." Pagpupumilit ko pa.
"At bakit naman? hmmm... gusto mong makita si Kaye no?"
"No. I mean, hahatid nga kita eh. Ikaw na nga tong minamagandahang loob, inaasar mo pa ako."
Kainis naman to si Jia.
"Sege na kasi Jia." pagpupumilit ko pa din. "At saka, okay na ako o."
"Sabihin mo muna kasi sa akin ba't gusto mong pumunta?" pang-aasar naman niya.
"Ihahatid nga kita. Mahirap ba yung intindihan? At saka, gusto kong magpasalamat na rin kay Kaye sa pag aalaga niya sa akin kahapon."
"Ayuuun, umamin din. Ano Bes? tumitibok na ba yan? Ha?"
"Anong??.. ewan ko sayo. Tara na nga." Hinablot ko nalang baka kung saan pang usapan kami mapunta.
Buti nalang hindi gaanong mabigat ang traffic papuntang airport.
Tinulungan ko nalang si Jia na bitbitin tong gamit niya. Hablotan pa kaming dalawa kasi ayaw nga niyang ipadala sa akin pero nagpupumilit pa ako.
Kumaway sa amin si Ms. Ads ng makita niya kami sa di kalayuan.
"Ba't andito ka?" agad na bungad sa akin ni Kaye.
Naka shades siya tapos nakasukbit ang neck pillow. Ngumiti lang ako sa kanya.
Parang gumagaan na ang araw kong makita siya.
"Gusto ka atang makita." singit ni Jia sa amin. Hahampasin ko sana pero ang bilis niyang makalayo. Nakita kong napangiti si Kaye dun.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven