Bea P.O.V.
Kanina pa ako di mapakali. Pabalik balik na yung lakad ko, while yung mga team mates ko naman nag fa facilitate sa gusto kong mangyari this evening.
Magtatapat na ako kay Jho. I can't be just her friend. I want more special para naman wala ng lalapit sa kanya lalong lalo na mga lalaki.
Nakakapanginig laman, kung maka tingin sa Jhona ko, alam na!
Bahala na talaga si Batman neto.
Eh kung papayagan ako ni Jho, ako na siguro pinakamasayang tao, pero kung hindi... pero alam kong meron eh. Di naman kasi siya tumututol pag nagiging sweet na ako sa kanya.
May time pa nga na magkatabi na yung bed namin pag natutulog kami. Kasi may nangyari na di inaasahan nung gabing yun.
May ipis na nakapasok at nag fe feeling butterfly kaya ayun, di makatulog si Jhoanna, kaya tinabihan ko. Simula that time, di ko na inihiwalay yung kama ko. At saka, ang sarap kaya sa pakiramdam na yakap yakap ka ng taong mahal mo.
"Bea! Pwede ba kumalma ka nga." Reklamo sa akin ni Maddie. "Ako nahihilo sayo eh."
"Pano Maddie, kung di siya sasama nila Jia?"
"Edi dadating yun dito na kinakaladkad na nila Jia at Ate Ella, saka i-picture out mo nalang na wala ng magawa si Ate Aly."
Pagkatapos kasi ng training, nagsi uwian pa kami sa dorm tapos kinunsaba ko yung mga teammates ko habang si Jho naliligo, ang tagal matapos nun.
I told them what I really feel towards Jhoana, at ang daming irap ang natanggap ko.
Yung totoo? Nag training din ba sila nun?
Akala din kasi nila nagsabi na ako kay Jho, akala din nila na kami na kasi yung mga kilos namin para ng mag jowa.
Like Hello? Almost 7months pa nga lang nung away-bati pa status namin.
Kaya naman dali dali din silang nag prepare, since ako matagal ko na talagang pinaghandaan to.
Pagkatapos maligo ni Jho nagpaalam na ako na may klase pero yung totoo aasikasuhin ko yung venue. I also told her that pagbalik ko, mag didinner kami.
Kaya ngayon, halos tinadtad na ako ng text at tawag galing sa kanya.
Sila Jia, Ate Ella, at Ate Ly ang magsusundo kay Jho. May tiwala ako sa tatlong yun na mapapayag nila Jho na sumama.
Ilang saglit lang, nag text na si Jia na on the way na daw sila.
Ho! Nagtatatalon pa ako para mawala na yung kaba. Kasi ilang minuto nalang, bibitayin na ako. Joke!
"Ano ng update?" tanong ni Maddie.
"On the way na daw sila." Sagot ko naman.
At dinig na dinig ko pa yung pagkataranta nila.
"Oh, on the way na daw. Akin na yung placard."
"Yung music, magready na"
"Teka, yung lights."
"I-ready na rin ang foods for dinner."
"Wag baliktarin ang placard."
"Kulang ng letter... asan na yung C?"
"Andito oh..."
"Ready na?"
Hay? Ang gulo nila, para silang bubuyog. Ilang saglit lang, sumenyas na si Maddie na nandito na daw sila.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven