Jho P.O.V.
Nung maka recover ako sa anxiety attack, nag sink in lahat sa akin ang nangyari.
Hinatid ko si Jia. Masama pakiramdam ko. Nakita ko si Kaye. She kissed me on my forehead. Ang ngiti at tawa niya. Nabunggo ako ng lalaki. Hinahanap ko ang susi. Nabunggo ko...
Si Bea.
Bea.
Agad ko siyang tinulak sa kanyang yakap.
"Wag kang lalapit." Sabay pahid sa luha ko.
"Are you now okay? Namumutla ka."
"Okay lang ako Bea." At naglakad na palayo . "Okay na okay na ako." Pero sinusundan pa din niya ako.
"Ano ba! Wag mo na nga akong sundan." Mabilis ang lakad ko papuntang kotse.
"I guess your not feeling well tapos your driving pa."
"Sabi kong kaya ko na sarili ko."
"Nah.. i doubt it."
Asan ko ba pinark yung kotse ko. Tinaas-baba ko na ang clicker ng kotse para makita ko.
"Why your here? Who's with you kanina?"
"Diba dapat ako nagtanong sayo ng ganyan? Bakit ka andito?"
"Umuwi ako."
At hinarap ko na siya.
"Bakit pa?"
"To be with you Jho."
"Ha? Hindi nakakatawa joke mo." At tumalikod na ako papuntang kotse ko.
Pero dun ko na rin na realize na si Bea na pala tong kasama ko. Makulit pa sa makulit at kung ano ang gusto, yun ang masusunod.
Pagpasok ko ng sasakyan sumabay din siyang pumasok.
"Lumabas ka nga." Pagtataboy ko sa kanya.
"No. You can't drive!"
"Oh talaga?" sabay paandar ng kotse. "I can! Watch me!" gigil kong sabi sa kanya.
Huh! Anong kala niya sakin? Marupok? Hindi kaya? Mahina? Siguro dati, oo. Pagdating sa kanya tiklop na ako, gusto ko lagi ko siyang kasama kasi para akong narerecharge pero DATI yun. Iba na ngayon.
Gaya ng sabi ni Laida Magtalas, version 2.0. Better me. Stronger, wiser and bolder.
"Hey, slow down!" reklamo ni Bea.
"Slow down mo mukha mo. Sasakay sakay ka diyan tapos magrereklamo ka!"
"Baka mabangga tayo, hoy!"
"Paki alam ko! Lumabas ka na nga dito."
"No! Alam kong may lagnat ka ngayon. Ba't ka ba kasi nasa airport, dapat nag rerest ka na."
"Wala ka ng paki alam dun." Pero narinig ko nalang na may biglang nag siren sa likuran. Tiningnan ko sa side mirror.
Naku, patay, lagot! May police.
"Ihinto mo yung sasakyan Jho."
"Alam ko! Wag ka na ngang magsalita." At pinark ko sa gilid ang sasakyan.
Pero etong si Bea, nagpupumilit na siya ang uupo sa driver sit.
"Bilis na. Ako na diyan."
"Ano ba? Bakit ba." Reklamo ko kasi nakaupo na siya mismo sa lap ko.
"Aalis ka diyan o gusto mong mabungaran tayo ng police officer na ganito ang ayos?"
"Arghhh... nakaka inis ka talaga kahit kailan." Nakakagigil na!
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven