Jho P.O.V.
"What?" Malumay pero may diin kong tanong kay Bea na kausap ko ngayon sa cellphone ko.
"I said, I can't pick you." sagot naman niya sa kabilang linya.
"At bakit?" I just want to make sure kung ano ba rason niya. Baka kasi kung ano ang mangyari sa kanya tapos wala ako sa tabi niya, mahirap na.
"May pupuntahan lang ako, love." malambing na sabi ni Bea sa akin.
If I know, nagpapacute lang to para payagan ko na. Alam naman kasi niyang dapat sa kung saan man siya pupunta nandun ako para mabantayan ko din. Promise ko kasi yan nila Tita at Tito saka kay Kuya Loel na ako ang magbabantay kay Bea.
"Pero --"
"I'll be okay. I promise. At saka may tinawagan na ako na susundo sayo."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Sino naman kaya yun? Simula kasi nung magkabalikan kami ni Bea siya na ang naghahatid-sundo sa akin sa office. Kadalasan nga dun na ako sa bahay nila matutulog masiguro ko lang na mabantayan ko siya.
"Ay wag na. Nakakahiya, mag co-commute nalang ako." since hindi ko na dala yung kotse ko.
"Nah... she'll be there in a moment." sabi niya.
Bago pa ako makapag react sa sinabi niyang she ay may huminto ng kotse sa harapan ko.
"K-Kaye?" gulat na sabi ko nung binaba na niya ang window ng sasakyan niya.
Di ko maiwasang tumitig sa kanya kasi parang iba yung aura ni Kaye ngayon. She's... ah basta.
"Love?" tawag pansin naman sa akin ni Bea sa telepono at dun lang ako natauhan. Kanina pa pala ako nakatingin kay Kaye na naghihintay sa loob. "Andiyan na ba siya?"
"H-Ha?.. ahh, Oo. Si Kaye ba?" panigurado kong tanong.
"Yes. Siya sundo mo muna ngayon ha. Sege na Love, bye.. I love you."
"I love you too." saka ini-off na niya ang tawag.
Tapos ay lumapit na ako sa sasakyan ni Kaye at pumasok na.
"Hi." tipid na bati ni Kaye sa akin.
"Hello...wala ka bang lakad ngayon at napapayag ka ni Bea?"
"Hmm.. wala naman." at nag-umpisa na siyang mag drive. "Ikaw? May lakad ka ba?"
"Pauwi na." sagot ko naman.
Napapansin ko talaga ngayon na close na sila ni Bea at masaya naman ako dun. Hindi na din ako naiilang pag magtatagpo kami ni Kaye sa hallway o di kaya pag kasama ko siya sa mga events na pupuntahan namin kasama sila Jia at Ms. Ads.
"Okay lang ba sayo kung kain muna tayo?" Tawag pansin naman niya sa akin habang naka stop pa ang traffic light.
"Hmm.. okay." sagot ko din since gutom na ako.
Naninibago ako ngayon kay Kaye. Parang ang saya ng aura niya, panay pa ngiti niya kahit nakatuon naman yung mata niya sa daan. She's just... she's happy.
"Ang saya mo ngayon?" puna ko sa kanya ng di ko na mapigilan.
"Wala lang." parang kinikilig pa niyang sabi sa akin.
"Hmm.. ano? May pinopormahan ka na no?" tukso ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya.
"Jho! Ano ba.. nag dadrive ako o." natatawa niyang sabi tapos iilag ilag pa siya.
"So, ano nga? Ba't nangingiti ka diyan? Ha?"
"Masaya lang siguro? Pwede na ba yun?" saka lumingon siya sa akin na nakangiti. Makikita ko talaga sa mata niya yung saya niya. Pati nga ako nahahawaan din.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfic"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven