Kaye P.O.V.
"You have to take this seriously, Kaye." ang sabi ni Doc sa akin.
Nakaupo lang ako dito sa sofa niya while he is in his desk looking at my papers. Sobrang sama ng binalita niya sa akin ngayon that I can't even react. I can't even look at him.
Dun ko lang tinoon yung tingin ko sa pader. Ba't ba naman kasi humantong pa to sa ganito.
"When was the last time you na inatake ka?" tanong niya sa akin as he writes something on the paper.
"About almost two months?" sagot ko na hindi naman sigurado. Kailan ba yung nagbakasyon kami ni Jho?
Naalala ko that time. Akal ko katapusan ko, akala ko mamamatay na ako. I can't move, i had even a hard time to breath. Muntikan na akong ma cardiac at that time but thankfully someone wakes me up on that bad dream. And it was Jho.
"Okay." sagot niya saka nagsulat ulit.
Ako naman parang wala sa mundo sa mga oras na to. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o hihiga, basta naguguluhan na ako.
"You need to calm down." rinig kong sabi ni Doc Loel sa akin.
Huminga nalang ako ng malalim sa sinabi niya. Tama, dapat kong pakalmahin ang sarili ko. I should not overthink things lalo na yung mga bagay na makakasama sa akin.
"I have to go, Doc." then i wear my mask and cap. "May guesting pa kasi ako." saka sinuot ko na din yung sling bag ko.
"Kaye... we have to do this, as soon as possible or else..." then I looked at him, smiling.
"No worries, Doc. Matagal ko namang tanggap yan. Else, I will be spending each minute with a happy pills." saka natawa, atleast, pinapagaan ko ang atmosphere. Bilib din ako sa doctor ko, siya pa tong namoroblema sa kalagayan. "Mayron ka ba niyan?" dugtong ko.
"Ewan ko sayo, Kaye. Sege na, you can go. Basta bawal --"
"Yes, Dad!" biro ko sa kanya. Saka lumabas na din. Dire-diretso na akong umalis ni hindi ko magawang lumingon o mamasid sa mga tao sa paligid.
Napagpasyahan kong bisitahin si Kamille sa skwelahan niya. May training daw kasi sila ngayon, gusto ko sanang manood.
Tinanggal ko nalang yung mask ko pero naka cap pa din ako nung pumasok ako sa gym nila. Nakita kong nag e-stretching yung iba, tapos yung iba naman nag e-scrimmage, then yung iba nakaupo lang sa bench habang pinapanood yung iba nilang team-mates.
Agad din naman akong nakita ni Kamille saka nag excuse muna siya sa mga kasama niya at sa coach niya.
"Anong ginagawa mo dito, Ate?" tanong niya nung makalapit na siya sa akin.
"Gusto ko lang makitang maglaro kapatid ko... bawal ba?"
Napa roll eyes naman siya sa sinabi ko. Umupo naman ako sa upuan ng bleacher na nandun and I make myself comfortable. Si Kamille naman ay nanatiling nakatayo lang at isinandal niya yung katawan niya sa railings as she looking at her teammates.
"Gusto kong umuwi ng Davao" umpisa ko sa kanya. At nahagip pa ng mata ko ang pagbaling niya sa akin na nakakunot ang noo.
"Na mi-miss ko lang si Mama." totoo naman, matagal ko ng hindi nakasama si Mama. Madalang nalang kasi akong makakauwi dun at minsanan lang din makakapunta si Mama dito sa Manila kasi may mga negosyo din siyang inaasikaso sa Davao.
"I don't think that's a good idea, Ate. Si Mama nalang kaya ang pumunta dito." suhestiyon naman niya saka umupo na siya sa tabi ko.
"Pwede din. Pero sana hindi siya busy."
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven