Kaye P.O.V.
Kinabukasan, naramdaman ko nalang na medyo namamanhid yung kamay ko, saka parang may mabigat na nakadagan.
Medyo humihilik pa.
Teka, asan ba ako?
Pinilit kong ibuka ang mga mata ko pero laking gulat ko nalang na halos one inch nalang pala ang ang mukha ko kay Jho na himbing pa ring natutulog.
I can't help but to stare again at her feature.
Damn, mas lalo akong humanga sa kanya.
Pilit inalala ang nangyari kagabi?
Nasa veranda kami tapos we just talked. Then I sang a song to her again. At uminom din pala kami kaya medyo masakit ang ulo ko.
Naramdaman ko ding gumalaw siya kaya naman tiningnan ko ang gawi niya.
Gising na pala siya.
"Hi, goodmorning" ngiting bati ko kay Jho.
"Goodmorning" tapos agad siyang tumayo and pumunta agad ng banyo.
Anyari dun?
Bumangon na rin ako. Nag iinat ng katawan kasi parang one position lang nagawa ko simula kagabi.
I check my phone to see kung may signal ba at may nag tetext. Ngayon din ang balik namin sa Manila.
Nag text nga si Ms. Ads. Nagtatanong anong oras kami makabalik kasi may meeting daw. Ilang saglit lang may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko, nagulat nalang ako na si Jia na pala ang nasa pinto.
"Pack up na tayo, Kaye. Pinapabalik kasi agad tayo ni Bossing. I guess nag text na rin si Kristine sayo?" pasilip-silip pa siya sa loob. "Si Jho?"
Sakto namang kakalabas lang sa banyo.
"Bes."
"Pasok ka muna Jia." yaya ko sa kanya as I open the door wide. Tiningnan ko din sa labas kung asan si Kamille.
"Nasa kotse na si Kamille, pina una ko. Siya nalang daw magda-drive." sabi ni Jia.
"Anong meron?" tanong ni Jho.
"Pack up na tayo, tapos na masasayang araw natin, mukhang may agarang meeting magaganap mamaya."
"Para saan daw?"
"Nag text si Ms. Ads, she also asked me kung anong oras tayo makaka-uwi."
Kahit naguguluhan man ako nag handa nalang kami pauwi. Baka siguro may good news sila sa amin, or bad news. Ewan ko, ayoko ding alamin.
Napapansin ko ding medyo matamlay si Jho, lagi siyang sumisinghot.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya nung papunta na kami sa sasakyan.
"Okay lang, medyo masakit lang yung ulo ko, pero okay lang."
"Bes, sa likod nalang kayo ni Kaye." sabi ni Jia ng papasok na sa unahang upuan ng sasakyan.
Pinagbuksan ko pa si Jho saka ko nilagay yung ibang gamit namin sa likod ng sasakyan.
Sana nga lang walang traffic ngayon. Para maka abot kami sa meeting.
Nang bumyahe na kami, napapasin kong hinahawakan ni Jho ang kanyang sentido saka pinipisil iyon.
"Here. You can lay down on me." Hinawakan ko ang ulo niya saka ko pinahiga sa aking balikat. Di naman siya nagreklamo sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven