I look to you.
After all my strength is gone,
In you I can be strongAnd when melodies are gone,In you I hear a song. I look to you.
Third Person POV
Mayapang nakaupo.
Tinatanaw ang malayong naggagandahang kapaligiran.
Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam na malaya siya. Malayo sa mundong nakagisnan niya noon.
Ilang oras? Araw? Buwan na ba siya dun? Hindi niya alam pero masaya siya. Kontento na siya. Kahit pabalik balik siyang nakatanaw.
Uupo. Tatayo. Lilingon. Magmamasid.
Sa iba't ibang bahagi ng naggagandahang lugar.
Minsan sa dagat. Sa ilog. Sa bukid at mismo dito sa lugar na na masaya at tahimik siyang naka-upo.
Napalingon siya sa bandang kanan ng parang may naramdaman siyang nakamasid sa kanya at di nga siya nagkamali.
Isang magandang dilag.
Hindi.
Isang diyosang naglalakad palapit sa kanya na nakangiti, masaya, malayo sa mukhang nakita niya noon.
"B-Bea?" ang lumabas na pangalan sa bibig ni Kaye. Napatayo pa siya at yumakap agad ng makalapit na si Bea dito.
Tila parang may hinahanap. Palinga-linga pa siya habang nakakunot ang noo.
"W-where's Jho?" tanong niya dito.
"She'll be okay." ang tanging sagot ni Bea saka ito pumunta sa inupuan ni Kaye kanina.
Walang magawang sumunod naman ang huli dito at tumabi ng upo.
"I've been looking for you. Dito ka lang pala kita makikita."
Napatingin si Kaye kay Bea na may pagtataka.
"Hindi ko na nga alam kung nasan ako eh o ilang araw na ba ako nandito. Pero di naman siya nakakabagot. Hindi ko nga alam kung natutulog ba ako o nagugutom o na-iihi." takang tanong niya kay Bea baka sakaling may maisagot sa kanya.
"Teka anong oras na ba?" pahabol pang tanong ni Kaye sa katabi.
Natawa sa kanya si Bea.
"What?" pasimangot pang sabi ni Kaye dahil sa tinawanan lang siya ni Bea.
"Ano bang naalala mo the last time?" mangingiting tanong ni Bea sa kanya.
Naupo ng maayos si Kaye. Pilit niyang inalala ang huli niyang natatandaan bago siya napunta sa lugar na to.
"Kaye! Breathe!" boses ng lalaki ang naririnig ni Kaye.
"Maraming tao? Tapos... parang may kung anong bagay na tinusok dito" turo niya sa kanyang kamay. "Para akong nakukuryente tapos pinilit kong buksan ang mata ko pero di ko magawa."
Lumingon siya sa katabi pero nataman lang pala itong nakikinig sa kanya.
"Kaye!" Isang malumanay na boses ang kanyang nadidinig ngayon.
"Saka eto... nadidinig mo ba yun?" inilibot pa niya ang kanyang paningin na naghahanap kung saan ba galing ang boses na yun. "May mga boses akong nadidinig eh."
"Kilala mo ba ang mga boses na yun?" casual na tanong sa kanya ni Bea.
"Boses mo? Kay Jho.... Kamille.. kay Mama." bumuntong hininga siya ng maalala niya yung parang may umiiyak at tinatawag ang pangalan niya. "Naguguluhan ako Bea.. ano ba talagang nangyayari?"
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven