Chapter 18.5

2.1K 38 0
                                    

Jho P.O.V

It's game day today and at the same time opening din ng UAAP.

Kinakabahan ako. Ang daming tao.

Iba kasi ang crowd nung high school ako. Nag cocompete din naman kami sa Shakey V-league pero mas maraming tao talaga ang nanonood sa UAAP.

Kanina nung papunta pa lang kami sa dug out, ang daming kumakaway sa amin. Hindi ko na kilala, siguro mga schoolmates?

Dati kasi, hindi naman ganun ka appreciated yung volleyball.. pero iba talaga pag part ka ng varsity team sa college.

Pero itong nasa unahan yung kapre, naka ngiti lagi. Ang daming tumatawag, ang nakakaloka pa, kadalasan mga babae. Ang lakas pa ng tilian.

Kainis ha!

O? Ba't ka naiinis? Walang ginagawa sayo yung tao.

Eh panay pa cute kasi. Akala mo naman magaganda sila, ni wala pa nga sa kalingkingan ko yung mga height. At saka di sila papatulan ni Bea.

Namemersonal ka na Jhoana ha.

Hmpf!

Nag head set nalang ako papuntang dug out, saka ginamit ko yung hood ng jacket ko. Yokong makita pagpapacute ng kapre nato.

Nagseselos ka ba?

Ano? Ako? Nagseselos? Duhhh... kahit lumapit pa siya sa mga niyan. Di ako mag seselos. Kahit iuntog ko pa mga fes nila. Kainis.

"Jho, labas na ng dug out, kanina ka pa tinatawag." Ang kalabit sa akin ni Trey.

"Ay, sorry." Agad kong tinanggal yung head set ko saka patakbo akong pumunta sa labas ng arena.

"May balak ka pa atang mag linis ulit ng dorm, muntik ka ng mahuli sa call time dito." Agad na sabi sa akin ni Jia nung nasa court na ako para mag stetching.

Hinanap ko sa paningin ko si Bea pero laking gulat ko nalang na katabi ko pala siya. Seryoso lang siyang nag-e-stretching.

"Di ko narinig nung umalis kayo."

"Eh ang lakas naman kasi ng music mo. Nahiya na nga yung sound system ng arena sayo."

Ang oa naman!

Di ko nalang pinansin si Jia saka nag focus nalang ako sa pag e-stretching.

Pagkatapos namin. Umupo na kami sa pwesto namin para magmeditate. Pagkatapos ay nanood nalang muna ng scrimmage sa ibang team.

Nakita ko pang may inabot si Maddie kay Bea na pagkain tapos nag make face pa siya na nandidiri.

"Ew!"

Napairap tuloy ako sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin.

Ako pa ang sabihan niya ng maarte, eh siya nga tong grabe kung maka ew, yuck, gross, kadiri, nasusuka ako ang lagi kong naririnig nung naglinis kami ng dorm.

**Flashback:

"Bye Bea, Bye Jho." Paalam sa amin ni ate ly, umalis ang buong team at kami lang ni Bea ang naiwan.

"Wait Ate Ly, come back!" napasimangot pa siya saka nilibot ang tingin sa sala.

Akala naman niya ang dumi dumi ng lilinisin namin. Actually, hindi naman big deal sa akin ang maglinis, sanay na ako diyan. Gusto ko kasi na malinis at nasa tamang ayos ang mga gamit. Ang di ko lang gusto sa nangyayari ngayon is yung makasama tong kapre na to.

Yung mgaa gamit pa nga niya hindi pa nalalagay sa cabinet, saka yung mga ilang books nasa kama pa niya, eto pa kayang buong dorm, lilinisin niya. Sobrang parusa na siguro yun kaya siya nagkakaganyan ngayon.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon