Kaye POV
Na eexcite na akong lumapag na ang eroplano. Na eexcite na akong makita si Jho.
Its been a week na hindi ko siya nakasama. Gabi gabi naman kaming nagkakausap sa facetime pero iba pa din pag nahahawakan at nakaka usap mo siya ng personal.
Dumadaan ang bawat araw, mas lalo ko siyang minahal.
Masaya nga ako kasi nagkakagaanan na rin kami ng loob. She shares to me kung ano ginagawa niya maghapon, at sinishare ko din sa kanya ang mgaa lugar na pinapasyalan namin dito.
Mas ginanahan nga akong mag perform sa Singapore kasi nakikita ko siyaa sa facetime. Pinapakita din kasi ni Jia sa akin.
Supposedly bukas pa ang flight namin pero nangungulit na talaga ako na ngayon na. Excited akong maka dinner siya.
Pagkalabas ko ng checking area, agad kong nilibot yung paningin ko. Bahala na sila Ms Ads at Jia na nasa loob pa.
May nakita akong babaeng kumakaway at may kasamang nakashades na nakasandal sa pader.
Si Kamille at Jho.
She smiles at me at parang nag slow motion siya habang lakad-takbo ang ginawa niya para salabungin ako.
Di ko din mapigilan ang ngiti ng makita ko siya.
Agad ko siyang niyakap ng makalapit na siya sa akin.
"I miss you." Bulalas ko at inamoy pa ang buhok niya. Mahigpit na yakap ang ginawad ko sa kanya at ninanamnam ang bawat patak ng segundong kayakap ko siya.
"Miss mo na agad? Nagkausap lang tayo last 5hours ah." Nakangiti niyang sabi.
"Iba pa din kasi yung kaharap ka na."
"Umm..ate? May nakalimutan ka atang kapatid? Di mo ba ako na miss?
"At saka Bes? Andito bestfriend mo oh. Anuna? Kayo lang ba naka miss sa isa't isa?"
Singit naman ni Jia at Kamille sa amin. Nagkatawanan nalang kami habang niyakap din namin tong dalawa na nagtatampo.
Namiss ko din si Kamille pero parang hindi rin, kakulitan ni Jia at ang maalalahaning si Ms Ads. Isang Kamuy na to.
"Umi-iskor ka na kay Ate Jho ha." Bulong sa akin ni Kamille.
"Shh.. wag ka ngang maingay. Baka marinig ka, saka di ako ganun noh."
"Weh? Mukha mo pa lang ate, alam na. Ano? Nanliligaw ka na?"
Napakamot nalang ako sa ulo. Yun din problema ko, di ko masabi sabi kay Jho na gusto ko siyang ligawan.
Oo nga, magaan na din loob niya sa akin pero hanggang kaibigan lang yung turing niya.
Ayoko ding mag assume sa bawat galaw ni Jho, gusto ko kasi yung sigurado.
"Hello po Kaye Cal?" singit ng babae sa may kaliwa ko.
"Yes?" Ngiti kong sagot naman.
"Pwede po ba magpapicture?"
"Sure." Magiliw kong sabi.
So since, magkakatabi lang naman kami. Si Kamille, Ako, Jho, Jia at Ms Ads, pinagitnaan namin ni Kamille yung babae na nagpapicture.
Na concious nga ako nung hinawakan ni Jho yung beywang ko.
"Isa pa." Sabi ni Jia.
Umakbay ako kay Jho saka ngumiti. Siya una humawak, im just returning the favor. *wink.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven