Chapter 10

2.7K 41 10
                                    

JHO P.O.V.

Paglabas ko ng comfort room nakita ko si Kaye na nakahiga na. Nakatulog siguro to sa pagod sa pagmamaneho. Inayos ko nalang yung mga bags namin, sabi kasi ni Jia kanina na 2nights and 3days kami dito sa resort. Okay na yun para naman ma relax talaga si Kaye at yung mga utak din namin.

Tiningnan ko si Kaye na himbing na himbing na natutulog, di pa niya natatanggal ang jacket niya pati yung cap niya. Pati nga gitara niya nasa tabi lang niya.

Kinuha ko nalang yung gitara ni Kaye at nilagay sa gilid na nakatayo.

Teka, panu ba to?

Gusto ko sanang tanggalin yung jacket nya pero baka magising siya.

Hmm.. yung sapatos nalang siguro.

Dahan-dahan kung tinanggal yun. Tas binaba ko pa ang temperatura ng aircon, napapansin ko kasing may namumuo ng pawis sa noo ni Kaye. Tinanggal ko din yung cap niya.

Di ko mapigilang pagmasdan siya.
Ang gwapo niya kahit sa malayuan, lalo na pag malapitan. Ang linis linis ng mukha niya, mapula ang mga labi niya, yung mata niyang laging nangungusap at laging nagpapakalma sa akin.

Napangiti tuloy ako ng maalala ko kanina sa counter. Ini-insist talaga niya na magpalagay ng bed. Kahit na ilagay pa sa labas ng kwarto.

Di naman sa awkward akong kasama siya sa kwarto, nagulat lang talaga ako na siya pala kasama ko. Akala ko kasi si Jia, tas sila ni Kamille.

Yung dalawang yun talaga, nag combine forces na sa kakulitan.

Napansin kong umuungol si Kaye. Yung ungol niya nasa ilalim. Kaya naman niyogyog ko siya pero ganun pa rin. Hinila ko siya pataas para naman makahiga siya ng maayos. Ilang saglit pa, nawala na yung ungol niya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Maaliwalas eto, gusto ko yung kulay saka makikita mo yung dagat na kulay asul pa kahit nasa bed ka lang naka upo.

Nagbihis nalang muna ako bago ko napag desisyonang i text si Jia. 3pm na pala at di pa kami naka pag lunch.

*JujuBear

"Jia, late lunch tayo. Tulog pa si Kaye, ayoko munang gisingin, sure akong pagod to."

Ilang saglit pa nag reply na si Jia.

"On my way na sa kwarto niyo. Si Kamille din, burlogs pa."

Di na ako nagreply, total parating na siya. Hinintay ko nalang na kumatok.

Kumuha ako ng ballpen at stick note para mag iwan ng note kay Kaye.

Kaye,
Paggising ka na at wala pa ako, nasa restaurant lang kami ni Jia. Punta ka nalang ha."
Jho

Dinikit ko eto sa table malapit sa side niya.
Ilang saglit pa, may narinig na akong mahinang katok. Kaya naman lumabas na ako at sabay na kami ni Jia.

"May atraso ka sakin ha." Sabi ko sa kanya ng makaupo na kami. Sakto namang padating na yung magbibigay ng menu.

Hindi muna ako sinagot ni Jia at nagsimula ng mag order, nag order na rin ako ng akin.

Pagkatapos ay binigay na sa waiter.

"Not my idea, Bes. Mas malakas topak ni Kamille kaysa sakin."

Irap nalang ang sinagot ko sa kanya.

"Ngapala, kailan balik ni Miguel? Almost 3 months na nung last niyang visit sayo ah."

Grabe tong relasyon nila Jia. Pang relationship goals talaga. Kahit LDR, napanatili nila yung sweetness, saka napaka constant ng communication nila pero yung tipong hindi naman masasakal ang kanya kanya nilang social life. Bilib talaga ako.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon