Kaye P.O.V.
"...pero wag ka lang haharang harang sa lahat ng gusto kong gawin para mapasaya lang siya."
Ilang saglit lang lumabas na din si Jho galing kwarto niya. Tumayo na rin si Bea at magkasama silang dalawa ni Jia palabas at papunta na rin sa sasakyan niya.
Pinagbuksan ko si Jho bago siya sumakay sa kotse ko at dadali din akong pumunta sa driver seat.
Nakatingin lang siya sa daan at di ko maiwasang di kabahan. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita.
"Jho?" tawag kong pansin sa kanya. "Im sorry..."
"Para saan?"
"Nasira ko ata mood mo this morning."
Ngumiti lang siya saka hinawakan yung kamay ko na nasa gear ng kotse.
"Ako nga dapat ang mag sorry sayo eh. Sorry sa inasal ni Bea..." sakto ding nag stop light kaya nalingon ko siya. Ngumiti siya ng tipid saka yumuko.
"Alam ko naman eh... Kamille told me kagabi." saka tumingin ulit ako sa daan. "Meaning pala, you are open sa same-sex relationship." ngiti-ngiti kong sabi "Akala ko kasi straight ka."
"Ruler na lang siguro straight ngayon." at tumawa siya. Natawa rin ako sa joke niya.
"Umabot ba kayo ng taon ni Bea?" tanong ko.
"Mag to-two years."
"Galit ka ba sa kanya?"
"Sino bang hindi magagalit yung bigla-bigla nalang nawawala, hindi namin alam kung nasan. Yung.. biglang nag disappear! Tapos babalik at sasabihing umalis siya kasi may sakit tita niya, nakakagago yung reasons niya." nakatingin si Jho sa bintana.
"Hindi mo ba mapapatawad?"
Hindi siya umimik. Sakto ding paliko na kami sa parking area ng building.
"Lunch din tayo ha, saka isagad na rin natin sa dinner... may promise ka sa akin." at nilagay ko sa park mode ang sasakyan bago ko ini-off ang makina.
"Opo... samahan pa kita sa recording studio."
"Talaga?"masigla kong bati.
Ngayon kasi i-mimix yung song na nacompose ko para sa kanya.
"Sakto, yung song ko para sayo ang unang i-rerecord. Na send ko na kasi sa kanila yung raw recording nun saka yung mga chords." dali-dali akong lumabas saka pinagbuksan siya ng pinto ulit.
Nakita ko pa sa di kalayuan sila Jia na nakapark at kakalabas lang din nito pero yumuko pa.
"Song para sa akin?" taka niyang tanong saka naglakad na kami papuntang elevator.
"Oo... title niya, 'Rosas'" saka nag gegesture pa sa hangin na parang plakard. "Since yun ang flower na binigay ko sayo."
"Ikaw talaga. Sege nga, padinig ako mamaya." at hinayan ko nalang si Jho ang pumindot sa mga numbers.
Pumunta pa siya sa office niya at ako sunod lang ng sunod sa kanya.
Bakit ba? Trip kong maging buntot ni Jho.
"Kaye!" tawag sa akin ni Kuya Randy na may kasamang lalaki. "Hi Jho... yung revisions ha."
"Yes po Bosing, nasabi ko na rin kay Kaye."
"Ngapala, this is Joey, siya ang Music Editor mo, he already mixed all the musics para sa recording mamaya. Ready ka na?"
Nakipagshake hands ako kay Joey.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven