Chapter 20

2.1K 41 1
                                    


Jho POV

Napapansin ko ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Bea.

Yung dating lagi niya akong inaaway at sinisimangotan, kalmado at palangiti na siya sa akin ngayon.

Simula nung binaha niya ang sala ng dorm hindi na niya ako sinusungitan pwera nalang pag crucial game na kami tapos sinisigawan niya ako.

Nakakaimbyerna naman kasi yung nag fofocus ka na nga tapos kung makautos namang kapre na to kala mo naman kung sino. Hmpf.

Lagi tuloy kaming napapagsabihan pagkatapos ng game.

Nagulat ako nung ki-norner niya ako sa dug out. Hinintay niya pala talaga ako that time para sabay na kaming pumunta ng coaster pero nakakaloka yung mga pinag sasabi niya, lalo na nung lumapit siya sa akin.

"...one more thing, im attracted to girls lalo na pag mataray at maarte."

Nag rerewind tuloy sa isip ko yun gabi gabi. Tapos nakikitaan ko na siya ng concern sa akin. Nung time na naging masama ang pag landing ng paa ko tapos biglang sumakit yung tuhod ko.

Akala ko nga lalapitan niya talaga ako habang kausap ako nila coach kasi ilang beses siyang hinawakan nila Jia at Ate Ly. Nakikita ko talaga sa face niya yung pag aalala.

Ang araw-araw at gabi-gabi niyang pag goodnight sa akin. Di nga ako makasagot kasi parang di ako makapaniwala na si Beatriz, yung kapreng mayabang na hindi magpapatalo at nuknukan talaga ng yabang sa katawan, bumait sa akin?

Dun ko lang na realize yung sinsiridad niyang makipag kaibigan the time na tinulungan niya ako nung mahimatay ako.

Pagkagising ko kasi, ramdam ko yung init ng palad niya saka nagulat talaga ako na siya pala ang humahawak ng kamay ko at binabantayan ako.

Magaan na ang loob niyang makipagkwentuhan sa akin saka mag pa surprise breakfast in bed pa si mayora.

Di ko kinaya! Nakakataban ng puso.

Minsan nga tinutukso na kami ng team-mates namin na "the more you hate, the more you love" daw kami kasi nga dati para kaming aso't pusa kung mag away pero ngayon ang sweet daw.

Eh, si Bea lang naman tong sobrang sweet sa akin, napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung gusto ba niya ako?

Asa ka naman Jho? Daming naghahabol na magagandang babae diyan kay Bea.

Asa din naman silang bibigyan sila ng breakfast in bed. *insert roll eyes.

Lagi nga niyang hawak-hawak yung kamay ko pagkatapos ng game at pupunta na kami ng dug out tapos pag pupunta na kami ng coaster.

Di na po kami mapaghiwalay.

Natapos yung season ng volleyball na nag 1st place lang kami. Malungkot kasi binigay namin yung best namin pero kulang pa din. Di bale, babawi nalang sa next season.

At dun ko nakita ang soft side ni Bea. Iyak siya ng iyak na parang bata. Akala ko nga strong to kasi parang okay lang sa kanya kanina, pero nung kami nalang sa room, niyakap lang ako bigla tapos umiiyak na.

Ang cute lang. Di ko tuloy mapigilang ngumiti.

Para akong nagpapatahan ng bata.

Tapos,bigla lang rin niya akong yayakapin pag maaalala niya yung game.

Nawiwili yata sa yakap ah! Pero bakit gusto ko naman. Parang ayoko na ngang humiwalay pa siya. Chos.

Ilang araw at buwan ang lumipas, naka move on na din si Bea at lumalabas na yung pagka bibo niya at yung pagkamayabang niya.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon