Her

3.2K 63 0
                                    

Kaye P.O.V.

Natutuwa ako kay Jho kasi para siyang bata na hindi na inform sa larong sinalihan niya. She's so innocent, fragile and vulnerable for me. 

Nung sa meeting pa lang, lagi ko na siyang sinusulyapan at ramdam ko din ang tingin niya sa akin, para kaming nag ma-mind communication. Natatawa nalang ako sa tuwing matatanong siya ni Kuya Randykasi lagi siyang nagugulat.

So I grabbed the chance to know her more. Inaya ko siya na mag lunch and she said yes kasama si Jia. I offered pa na dalhin yung laptop niya at hinatid siya sa office. Magkatapat lang pala sila ni Jia so hindi na rin ako nahirapan.

Masaya siyang kakwentuhan pati na rin si Jia. Sobrang kwela nila pareho. Dun ko nalaman na they both studied at Ateneo. Info. Design yung course na kinuha ni Jho and Business Marketing naman kay Jia. Pareho din silang athlete dati pero nung nagka work na sila pareho, nag focus na rin sila sa trabaho. 

Engage na rin pala si Jia sa isang Pilot. Ang swerte ng taong yun, Jia is a catch talaga. Mabait, matalino, may sense of humor at higit sa lahat maasikaso. 

Nalaman ko rin na may sarili na pala silang condo unit. Di naman daw ganun kalaki pero masaya sila sa naipundar nila. 

Masaya talaga ako na nakasama ko si Jho na mag lunch. Pareho kami ng trip sa pagkain, yung na order ko na pagkain ganun din ang order niya, tinutukso tuloy kami ni Jia na baka daw destiny kami. Napapansin ko nalang na laging uma-aray si Jia kasi kinukurot siya lagi ni Jho. 

But to sum it all, sobrang saya ko, atleast nakilala ko sila pati na rin si Jho na siya ang magiging Personal Designer ko. Mas madadag-dagan yung paghanga ko sa kanya pag nakita ko na mga designs niya.

Pasado 7pm na rin ako naka uwi kasi may dinaanan pa akong guesting sa isang radio station. Pagkatapos nun nag dinner na rin ako. Niyaya ko ulit si Jho pero sabi niya maaga siyang uuwi kasi nga babawi daw siya ng tulog. Obvious naman sa eyebags niya na di gaano siyang nakakatulog, i also shared to her nung nagka insomia din ako kaya ayon, inapply agad niya yung advise ko. Ang lakas ko na sa kanya. 

Pagkarating ko sa condo, nadatnan ko si Kamille na nanonood ng movie sa sala. 

"Maayong gabie." Bati sa akin ni Kamille in bisaya dialect. Yan ang lagi niyang bungad sa akin kahit umaga, tanghali. Para akong teacher na nadaanan niya. "Gusto mo?" Alok niya nung flavored beer na kanyang iniinom. Lumapit ako sa at umupo katabi niya at dinantay ang dalawang paa ko sa center table.

"Yes please."

Tumayo siya at kumuha ng isang flavored beer sa ref at binuksan at binigay sa akin.

"Kumusta training at schooling mo, Kamuy?" That's what I call her, di naman nag rereklamo kasi para sa kanya cute daw. 

"Okay naman, Ate. Nakakapagod pagsabayin pero worth it naman maging student-athlete. Alam mo na, malaki din allowance. "sabay upo din sa tabi ko.

"Ay oo, may nakilala akong pareho ng sayo, student-athlete din dati."

"Talaga? Ano sports nila?"

"Volleyball din." Ano ba tong pinapanood ni Kamille? Parang gusto ko to ah. "Anong title ng movie?"

"The Best of Me.. volleyball din sila? Naglalaro ba ngayon? Baka kalaban namin yun this opening ng UAAP, rookie year ko na." 

"Nope, they are now working. Kasama ko sa star music, GD saka marketing."

"Ah, akala ko pa naman." 

What? 20 years silang hindi nagkita? Parang napako yung attention ko sa movie ngayon, it looks like interesting. Eto kasi gusto kong genre saka gusto ko yung  writer na si N. Sparks.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon