Knowing

3.8K 67 1
                                    

Jho P.O.V.

Nakakinis talaga tong si Jia eh. Nalapag ko na lahat at andito na ako sa hallway papuntang conference room pero siya, ewan ko. Nagdrive pa ata pauwi para kuhanin yung headset o nakatulog sa kotse, ewan ko! Ang sarap lang batukan.

"Jia, asan ka na ba." Panay na ang check ko sa wrist watch. At bigla ko nalang naalala yung tagpo namin kanina ni Kaye. Gosh, di man lang ako nakapagpakilala sa kanya. Ewan ko, parang na starstruck sa ngiti niya.

Ilang saglit pa lang, narinig ko na rin ang pagbukas ng elevator, iniluwa dun si Jia pero hindi siya nag iisa, may kasama siya, isang babae, nakalagay yung shades sa buhok nito at yung bag naman nasa kaliwang kamay nasa 5'2 yung height niya. Nag uusap silang dalawa at ng makita ako ni Jia, kumaway siya.

"Hi Bes." Bati ni Jia sa akin saka bumaling sa katabi niyang babae. "Ngapala Ms. Ads, si Jho, siya yung senior graphic designer slash photographer namin dito. Jho, si Ms. Ads, siya yung manager ni Kaye." Pakilala ni Jia sa amin.

"Hello po." Lahad ko sa kamay sa kanya at nakipagkamay naman siya.

"Hi, sorry talaga na late ako ng konti, nasiraan kasi ako ng kotse, pero si Kaye for sure andito na yun."

Magsasalita pa sana si Jia pero inunahan ko na.

"Ay opo, nagkasabay kami sa elevator kanina." Ang sabi ko, at nakita ko pa sa peripheral view ko yung mapanuksong tingin ni Jia.

Hay naku, wag ka munang umandar ngayon Jia.

"O di sege, tayo na sa conference room." Feeling ko, OP ako sa kanilang dalawa. Ang daldal nila pareho, eto namang si Jia, di maubusan ng tanong.

Ilang saglit pa lang, naka rating na rin kami sa conference room. Andito na nga lahat, pwera nalang samin. Good thing kasama namin yung manager ni Kaye kaya lusot kami sa nakasimangot na muka ni Mr. Reyes, yung Director Head naming.

"Andito na pala sila."

"Im sorry, na late kami." Paumanhin ni Ms. Ads. Kami naman ni Jia, nag uunahan ng umupo sa designated seat namin. Nahagip pa ng mata ko yung pagtawa ng slight ni Kaye.

Nakakahiya na talaga.

Ba't ka ba affected?

Wala kang alam!

"No, you are just right on time." Ang rinig kong sabi ni Mr. Reyes. "So, let's start." Tumayo siya at nag simula na ring magsalita.

"I already announce this to our marketing head yesterday about this project and I am honoured to announce to all of you that we will be working with our soon-to-be the biggest star in this music industry, Kaye Cal."

Tumayo naman si Kaye at ngumiti siya.

"Also, her manager, Kristine."

Tumayo din si Ms. Ads at ngumiti sa amin. Pagkatapos ay sabay na rin silang umupo.

"I would like you to meet our team on this project. This is Jake, our Production Manager..."

Hindi na ako masyadong nakapakinig sa mga sinasabi ni bossing kasi parang na stuck ako kay Kaye. She's smiling at me pero panaka-naka naman siyang bumabaling kay Mr. Reyes kung pinakilala siya. Naramdaman ko yung pag upo ni Jia sa tabi.

"Ms. Maraguinot?"

Bakit ba siya ngumingiti sa akin. Bakit ba hindi naman ako naiinis sa mga ginagawa niya, yung bang may konting kilig na kasama pag tumutingin at ngumingiti siya. I find it amusing, I find it....hot?

Ano ba tong pinag iisip ko.

Jho, tumigil ka nga.

"Bes." Siko ni Jia sa akin at napatingin din naman ako sa kanya.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon