Chapter 12

2K 40 5
                                    

Jho P.O.V

Marunong din palang mag laro si Kaye ng volleyball pero panay reklamo si Kamille kasi di makaka set ng sakto sa kanya si Kaye.

Kaya nung natalo sila, naka simangot nalang si Kamille at nakita kong pumunta si Kaye sa may palm trees.

Napagod siguro yun, hinihingal na rin kasi siya kanina kaya hinayaan nalang namin.

Nag one on one nalang kami ni Kamille since nagpa-alam muna si Jia na mag c-cr lang daw muna.

Pansin ko din ang tingin ni Kaye sa akin. Na co conscious tuloy ako.

"Ate Jho?" tawag pansin sa akin ni Kamille.

"Hmm?"

"Salamat nga pala kahapon ha. Di ko po pala na inform sayo na may sakit si Ate."

Sakit? Ay.. oo, sabi nga niya sa akin.

"Na may asthma siya?" sagot ko naman.

Natigilan pa ng ilang sandali si Kamille. Saka tumango tapos nag one-on-one ulit kami.

Nang mapagod na kami sa aming activity ay nag yaya si Jia na mag banana boating. May water park din kasi dito kaya hindi nakakabagot.

"Kaye, lika, sama tayo sa kanila." Aya ko kay Kaye. Talagang gitara lang ang gusto hawakan nito eh.

"Kayo nalang, dito lang ako." Tanggi niya.

Di pwede, andito tayo para mag enjoy, kaya dapat sulitin.

"Lika na, bitawan mo muna kasi yang gitara." At kinuha ko ang kamay niya.

Sumunod naman si Kaye. Sinuot ko ulit ang cover up ko saka kami pumunta doon sa lugar na magbabayad pag sasakay sa banana boat.

Sobrang enjoy na enjoy kami. At yung kanina na naka upo lang sa gilid na Kaye, ayan na.. lumalabas na ang kalulitan.

"Ahhhhhhh..." rinig kong sigaw ni Kaye sa likuran ko. Si Kamille ang nasa unahan, si Jia, ako at si Kaye.

Nakita kong higpit na higpit yung hawak niya sa gilid ng banana boat saka naka pikit pa siya.

Kaya naman para makabawi ako sa panahong kinakalma niya ako, kinuha ko ang kamay niya at niyakap ko ito sa baywang ko.

"It's okay, enjoy mo lang ang ride."

Natawa ako kasi humigpit talaga yung yakap niya sa akin saka tinago pa niya yung mukha niya sa batok ko.

Nakikiliti ako.

Behave Jhoana. Takot yung tao.

Ang bilis naman magpatakbo ni manong driver.

Tas bigla nalang lumiko yung jetski kaya naman buong lakas akong kumapit sa lubid at pumikit nalang. Bahala na kung mahulog, eh may life jacket naman kami.

Ngunit pagdilat ko, wala na si Jia sa harap ko, si manong driver lang ang nakita ko. Paglingon ko, nakayakap pa din si Kaye pero wala na yung nasa likuran. Palinga-linga kami pareho at dun namin na realize, nahulog pala sila lahat.

"Talo ka Kamuy!" rinig kong panunukso ni Kaye sa kapatid niya at tinuro pa ito.

Nag taas pa siya ng dalawang kamay

"We won.. woooooooo."

Bigla nalang din umandar ang jetski kaya naman nahulog na kami pareho.

"Ang landi kasi kaya na fall! Bleee." Ganting sabi ni Kamille kay Kaye.

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon