Jho P.O.V.
Nakailang cancel na ako sa ginagawa kong design pero parang wala pa ring babagay dito.
Nakailang revisions na rin ako pero puro rejected naman.
Nasaan na ba ang focus ko nitong mga nakaraan araw?
"Hoy Jhoana!" agad na bungad sa akin ni Jia nung hapong ito.
Naka early out kasi ako ngayon dahil dito sa ginagawa ko, saka kailangan ko munang mapag isa.
Gulong gulo na yung isip ko tapos dadagdag pa sila.
"Hi Bes." Matamlay na bati ko sa kanya.
"Ikaw ha... tatlong araw mo na tong ginagawa. Kung hindi ka late, early out ka naman.. mahal mo pa ba ang trabaho mo?" paglilitanya niya sa akin.
"Oo naman. Eto nga oh, tinatrabaho ko pa din." Saka pinakita ko sa kanya yung mga ginawa ko sa laptop.
"Hanggang ngayon ba hindi pa din yan naaprove kay Bosing? Eh last week mo pa yan ginawa ah, nag photoshoot na nga kayo ni Kaye."
Natigilan ako nung marinig ko ang pangalan ni Kaye. Lagi yun nagtetext saka tumatawag pero hindi ko sinasagot, yung text niya na puro nagyayaya ng lunch, dinner or breakfast, lagi ko nalang tinatanggihan.
"Ginamit ko na rin yun mga bagong shots ni Kaye."
"Teka Bes, may tanong ako sayo..."
Tiningnan ko si Jia na naka upo na ngayon sa single sofa na nasa harapan ko.
"Iniiwasan mo ba sila Kaye at Bea?"
At agad din akong nag iwas ng tingin.
"N-No... h-hindi naman... bakit mo natanong? Busy lang talaga ako." Palusot ko sa bestfriend ko na siyang nakakunot ang noo.
"Wag ako, Jhoana!" sagot niya na parang may warning tone pa.
Hayy... bestfriend ko nga pala tong kausap ko.
Mataman ko siyang tiningnan yung parang humihingi ng tulong sa kanya.
"Anong problema mo? Napapansin ko yan nung kadarating mo galing Batangas eh. Ano bang nangyari?"
Malalim na hininga ang pinakawalan ko saka tinabi nalang muna ang laptop. Lumapit naman sa akin si Jia saka niya ako niyakap. Alam na din siguro niya kung ano ang nangyayari sa akin ngayon.
Gulong-gulo na talaga ang isip ko. Parang gusto ko munang magpakalayo-layo, isipin ang mga kung anong mas nakabubuti sa akin.
"Andito lang ako Bes." alo naman niya sa akin.
Gusto kong umiiyak pero wala namang tumutulong luha sa mga mata ko. Ang bigat-bigat lang kasi nitong damdamin ko at kailangan ko lang siguro ng taong dadamay sa akin.
"Hindi na din naman kasi bumubisita si Bea ngayon sa office mo, eh yung last week halos hindi na mauwi sa bahay nila dahil lang sa kakasunod sayo."
Napasapo ako sa noo nung marinig ko yun.
Pagdating namin galing Batangas, nagkanya-kanya na din kami ng uwi. Gusto kong kausapin si Bea pero parang may pumipigil sa akin kaya naman nagkaroon ako ng chance nung medyo sumakit daw yung tiyan niya pero hanggang dun lang.
Simula nun, wala na akong balita sa kanya, di ko nga alam kung iniwan niya ba ulit ako or sadyang umiiwas din ba siya sa akin. Pagod na din akong alamin yun.
Sa totoo lang, namimiss ko yung dalawa. Namimiss kong kasama si Kaye, na-mimiss ko yung boses niyang nagpapakalma sa akin, na mimiss ko yung tingin niyang nagpapangiti sa akin. Nami-miss ko din si Bea, yung kakulitan at kaartehan niya na kahit wala sa lugar nagbibigay saya din sa akin, yung isang simpleng hawak lang niya parang nagbibigay kulay sa buong pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven