Chapter 27

2.1K 48 4
                                    

Bea P.O.V.

Sa kagustuhan kong makasama si Jho maaga akong pumunta sa condo unit nila. Baka kung sakali kahit sa breakfast hindi na siguro siya maka tanggi.

Operation get Jho back ang goal ko ngayon.

Kahit mag mukhang tanga, okay lang. Nasaktan ko naman kasi si Jho, at deserve ko din ito ngayon.

Ang di ko lang talaga inaasahan na dito din pala mag b breakfast si Kaye.

I really tried my best to be civilized to her.

I didnt even recognize her nung pumasok siya. Magkasing tangkad lang kami ni Kaye at masasabi kong may porma talaga siya.

Pero hindi naman ako papatalo kung ganun lang din naman.

Patingin tingin lang ako kay Jho habang kumakain kaming tahimik. Ayokong mag open up ng conversation. Makasama ko lang si Jho ay okay na sa akin.

"So!" basag katahimikang sabi ni Jia.

"Wala bang magsasalita sa inyong dalawa—aray Bes."

Nakita ko pang parang pinandilitan ni Jho si Jia.

Natatawa man pero pinipigilan ko sarili ko. Hindi pa din talaga nagbabago si Jhoana. She likes kicking.

Dati, puro sipa nakukuha ko sa kanya pag naiinis na siya sa kakulitan ko. At pag minsan late akong makakauwi sa dorm kasi nga daw miss na niya ako.

Ang sarap balikan yung mga panahong okay na okay pa relasyon namin.

I look up seeing Jho na nilalagyan ng kanin si Kaye.

Masakit sa mata kasi dati ako yan.

"Aherm.. so Kaye." Panimula ko nalang. Hindi ko kayang makitang may ibang ginaganyan si Jho.

Hay, Bea... dapat inisip mo na yan dati pa nung tinalikuran mo siya.

"Ano pinagkaka-abalahan mo ngayon?" tanong ko sa kanya bago ako sumubo ng hotdog.

"Um, may album kaming ginagawa ngayon, well.actually, ngayon talaga uumpisahan kasi last week na invite kami sa Expo Singapore, so na postpone siya."

"I see... ive heard some of your covers. You got a good voice, dude."

Nakikita ko pa sa peripheral view na nagkakatinginan sila Jia at Jho.

"Thank you..."

"May concert ka ba this season?"

"Hmm.. wala pa naman, pero baka pagkatapos ng album launching."

"Ay ngapala Kaye." Singit ni Jho. "May photo shoot ka this week, gusto kasi palitan ni Bossing yung designs, wala naman kasing mga magagandang shots na binigay nila sa akin."

"Okay... as you wish personal photographer." At nagkakatitigan pa sila.

Upakan ko na kaya to?

Relax Bea.

O kaya, dukutin ko mata nito?

Bahala sila kung napapansin na nilang ang sama na ng tingin ko. I just dont like na may ganyang titingin kay Jho.

Wag kang kainin ng selos,Bea. Remember, umpisa pa lang to sa operation mo. May marami ka pang pagdadaanan, you must learn to control your jealousy. And also remember, wala kang karapatan kay Jho.

Napapabuntong-hininga nalang ako sa isipan ko. Ang hirap pala pero dapat kong kayanin para kay Jho.

"Ikaw Bea?" nabaling ang tingin ko kay Jia. "Ano pinagkaka-abalahan mo ngayon."

The Music Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon