Jho P.O.V.
"Anong ganap niyo kaninang umaga, Bes?" Bungad agad sa akin ni Jia.
Andito ako sa sala ngayon naglalaro ng candy crush sa laptop ko, wala lang trip ko lang while sitting at the couch, drinking juice. Gusto ko lang magpahinga saka favorite game ko tong candy crush no.
"Huh?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Maaga kasi akong umuwi dahil wala naman akong gagawin dun. Di na rin ako nakasali sa meeting, tinext nga ako ni Kaye kung bakit wala ako. Ang sabi ko nalang masama pakiramdam ko pero sa totoo lang umiiwas muna ako sa kanya.
Bakit nga ba ako umiiwas?
Nakikipag kaibigan lang naman yung tao.
Sinamahan ka pa nga niya kanina ng mga dalawang oras bago siya tinawagan ng Manager niya.
Eh sa umiiwas muna ako. Bakit ba?
"Hoy Jhoana! Na ngi-ngiti ka na naman diyan, ano ba problema mo?"
"Wala naman, masaya lang ako kasi after two months nalampasan ko din highest score ko. Ang saya!"
"Jia ano ba!" Binato ba naman ako ng throw-pillow.
"Tinatanong ka kung ano ganap niyo kanina ni Kaye sa office mo, tapos isasagot mo lang yang candy crush mo? Konti ka nalang sa akin, bibingo ka na."
"Ang sungit naman this girl. Wala yun, sinamahan lang ako ni Kaye." Sagot ko nalang sa kanya.
"Ows? Tapos kinantahan ka? Narinig ko kaya yun."
Nag e-eavesdrop na naman tong lokaret na to eh.
"Grabe naman yang pandinig mo, kahit naka sound proof pa office ko."
"Binuksan ko ng konti yung door, may ipapagawa sana ako sayo pero parang busying-busy kang titigan si Kaye."
Umirap nalang ako sa kanya. Grabe naman yung "busying-busy".
"Eto oh." Abot sa akin ni Jia ng flashdrive.
"Ano to?"
"Flashdrive, malamang."
"Alam ko. Ano gagawin ko dito?"
"Oh e di ayan.. lumayas ka pa sa meeting para nga-nga ka ngayon. Teka nga, anong drama mo wala ka sa meeting? Tinatawagan kita ayaw mong sumagot?"
"Masama lang pakiramdam ko Bes." Pagsisinungaling ko.
"Don't me, Jhoana."
I roll my eyes again to her. Kahit kailan talaga tong si Jia.
"Tinatanong nga ako ni Kaye bakit wala ka, sabi ko nalang na je-jebs ka kaya ka umuwi."
"Ulol!" Tapon kong balik sa kanya ng unan. "Kahit kailan ka talaga!"
"Ses. Napapansin ko ha, malapit na kayo ni Kaye, ano Bes, may sparks ba?"
"Wala, nang iintriga ka na naman eh."
Konting katahimikan nung naging busy na si Jia sa kusina. Baka siguro nagluto na yun. Tiningnan ko nalang yung laman ng flashdrive.
"Jia, anong gagawin ko dito sa flashdrive?" Tanong ko sa kanya while waiting matapos mag scan ng mga malwares.
"Sinave ko diyan itinerary this month with Kaye, dami nating gagawin saka may mga old photos at videos siya diyan, nanghingi ako kay Ms. Ads."
Napakunot noo ko sa sinabi ni Jia.
Pwede naman niyang i print, bakit pa niya i-sasave sa flashdrive.
"Pagod akong mag print, nasira na naman printer ko sa office." Para niyang nababasa yung nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven