FLASHBACK:
More or Less than 8 years ago...
Bea P.O.V.
"Ang yabang mo!"
Rinig kong na sigaw ng babae.
Eh pano naman kasi, haharang harang siya diyan sa white board tapos excited akong makita pangalan ko kung nakuha ba ako sa line ups ng Lady Eagles.
"Anong mayabang? Ikaw tong nakaharang diyan." sagot ko naman sa kanya.
Pasalamat siya maganda mood ko kasi nakuha akong middle.
"Eh sa may tinitingnan ako. Kung di ka lang talaga mayabang sana nag excuse ka."
"Nag excuse ako! sadyang bingi ka lang."
"Bei, tama na yan..." awat sa akin ni Maddie.
"Jho, halika na." awat din ng isang babae sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin.
Ha! Kala naman niya natatakot ako.
"Sa lahat ng mga nakasama sa line ups, we have a call time tomorrow at exactly 5:30AM at the field. Congratulations to all who made it." rinig naming sigaw ni Ms. Alyssa Valdez.
Nag try out ako last day dito sa Blue Eagle Gym. Dito ko din nakilala si Maddie, isa siya sa nag try-out bilang middle at good thing, nakasama siya sa line ups ng ALE.
"Tayo na Bei." hila-hila pa din ako ni Maddie. Nakakainis naman kasi ang tingin ng babaeng to eh.
Nang makalayo na kami saka lang niya ako binitawan.
"Nakakainis talaga yung babaeng yun. Akala mo naman kung sino maganda!" pagdadabog ko.
"Kilala mo ba yung umawat sa kanya kanina? Si Jia Morado yun, isa sa magaling na setter natin."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Maddie. Siguro alam niya or kilala niya yung ibang players ng ALE kasi sa Ateneo naman to nag High School.
"Bakit di ko sila nakita nung nag try out tayo?" tanong ko.
"Bei, one week ang nilaan ng mga ALE sa tryouts, ang nakatuka sa atin si Ate Aly saka si Ate Ella. Kaya siguro di mo sila nakita."
"Pero nakaka inis pa din siya..akala mo kung sino."
"Ano ka ba, team-mates natin yun, siguro nga kasama natin siyang rookie."
Papunta kami ngayon sa parking lot kung san naka park yung kotse ko. Wala na kasi kaming mga klase kaya mag pe-prepare muna ako ng gamit kasi bukas din lilipat kami sa dorm kasama yung mga ibang team-mates namin.
"Malas talaga siya kung magkaka-ganun." tanging sabi ko nalang tapos nag drive na ako, hatid ko muna si Maddie saka ako umuwi.
Kung hindi naman traffic, nasa 15minutes drive lang papunta sa subdivision namin pero pag traffic in which hindi na ata masusulosyunan ito nasa halos dalawang oras ang byahe kaya ako nalang mag-aadjust.
Mas okay na rin mag dorm, ang aga din kasi ng call-time namin. Baka kung sa bahay pa ako uuwi, for sure ako ang laging ma-lalate tapos ako naman ang aasarin ng babaeng yun.
Speaking of her! Ba't ba ako naiinis sa kanya.
Kasi nagawa kang sagutin? Natabig ego mo Bea?
Hindi ah! Kung siya lang din naman, di naman ako papatalo no.
Pagka uwi ko ng bahay, nag impake na agad ako. Wala naman akong gagawin, ako lang mag isa, nasa out of the country sila Mom and Dad, tapos si Kuya naka intern na kaya laging busy yun.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven