Jho P.O.V.
Buong araw ng Sabado kaming busy sa paghahanda para sa debut ni Jaja. Si Bea ang laging nakabuntot sa akin kasi ako ang nagdedesign sa hall pati na rin yung tarpaulins na gagamitin at saka yung mga video slide.
Nakakaloka. Buti nalang may dakila akong julalay Bea.
Si Kaye naman ang naghahanda para sa mga kakantahin at saka may practise din sila para sa Debutante Waltz. Isa sana ako sa list kaso lang tumanggi na ako dahil hindi ko na rin mahati ang katawan ko.
Pagdating ng Linggo, nasasabi ko rin na job well done sa amin ni Bea. Ang ganda ng hall. Para akong naglalakad papunta sa palasyo ko.
"Ateeeeee..." bungad sa akin ni Jaja pagkadating sa Main Hall. Madami na ding bisita ang nandito nasa may kanya-kanyang round table.
"Happy Birthday, Janel" bati ko naman sa kanya at niyakap siya.
"Ang ganda mo, Ate!" puri niya.
"Sus... san ka ba nagmana, eh sa akin lang naman." pagmamayabang ko.
"Sobrang salamat Ate ha... you make my dream come true talaga. Ang ganda ng designs mo."
"Your welcome!"
Dumating din si Mama at nagka family picture pa kaming tatlo. May mga bumabati din sa akin na classmate ko dati na inimbitahan din ni Jaja.
But I stopped when I saw Kaye sa stage. Busy siyang kinakausap yung banda. May gitara din siyang nakasukbit sa kanyang balikat. Siguro may mga songs siyang kakantahin ngayon.
Napalingon siya and then our eyes met. Medyo malayo yung stage pero nung nagkatitigan kami parang ang lapit-lapit lang niya. I saw happiness in her eyes.
"Hi Jho." napalingon ako nung may tumawag sa likuran ko..and I saw Bea. The ever beautiful Bea.
She's wearing a gorgeous dress na hapit sa kanyang katawan at sobrang bagay sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang tingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Done checking me?" natatawa niyang sabi. "Your so beautiful." puri naman niya.
"Ikaw din, Bea." sagot kong nakangiti sa kanya. "Job well done" saka nilibot ko yung kamay ko sa nakikita niya.
"Oo nga eh.. ang ganda. Sulit talaga ang pagod."
May malaking space kasi sa gitna na may malaki ding chandelier. Dun kasi ang dance ng Debutante Waltz mamaya.
"Ladies and Gentlemen..." panimula ng Master Ceremony. Iginiya naman ako ni Bea sa upuan ko saka umupo siya malapit sa akin.
May mga waiter din na naglalakad para bigyan ng champagne or wine yung mga bisita. Nabaling ang tingin ko kay Bea na tumitingkad ang ningning ng mga mata niya habang masaya siyang nanonood sa pagpapakilala kay Jaja sa gitna ng stage.
Hindi ko mapigilang mapangiti when she smiled at them.
"I found a love, for me..."
Nabaling naman ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Kaye. She's so cool on the stage at maning-mani niya ang pagtipa ng kanyang gitara kasabay ang nag byo-byolin sa likod niya.
"Darling just dive right in.. and follow my lead."
May mga lumalapapit din kay Jaja na nagbibigay ng roses tapos isasayaw siya. Napapangiti akong isiping dalaga na talaga yung bunso kong kapatid.
"Cause we we're just kids when we fell inlove...."
Napako ang tingin ko kay Kaye na ramdam na ramdam niya ang kanta.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Fanfiction"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven