Kaye P.O.V.
"Eto may tanong naman sayo Kaye, from twitter din... ang tanong. Good am po sa inyo at kay Kaye Cal, itatanong ko lang sana kung may girlfriend ka na po ba?"
Naghiyawan naman ang mga tao na nasa loob ng radio station pati na rin ang mga host tungkol sa tanong.
May guesting kasi ako ngayon at nag live na rin akong kumanta kani-kanina lang. Kasama ko si Ms. Ads at si Jho.
Yes, with Jho.
Sobrang saya ko kanina nung makita ko siyang kakapasok lang ng opisina. Gusto ko sanang sundan pero agad din naman akong tinawagan ni Ms. Ads about this guestings.
"Umm... im..." pagbibiting ko. "single." sagot ko naman na nakangiti. Mas lalo pang lumakas ang hiwayan ng mga tao sa loob.
Napatawa nalang ako sa mga reaction ng mga tao dito. Di ko alam kung nang aasar o natutuwa kasi single ako.
"Pero Kaye.. teka lang guys, relax muna.. pero Kaye.. may nagpapatibok na ba ng puso mo ngayon? O ano ba? um.. may nililigawan ka na ba?" dugtong namang tanong nung DJ.
Medyo nag isip pa ako sa sasagutin ko. Hindi ako na orient ni Ms. Ads about dito. Kailangan ko kasing mag dahan-dahan sa mga sagot para naman hindi ma offend yung iba at para na rin hindi makakasira sa carreer ko.
I glance at Jho at nakatingin lang din siya sa akin.
May naka harang kasing glass sa amin pero rinig din naman nila ako sa labas.
Katabi niya si Ms. Ads. Tumango naman sa akin yung manager ko, hudyat na sabihin ko yung totoo.
"Ahh... o-oo!" sagot ko naman.
At narinig ko nalang na parang may dismayado pero yung iilan parang curious at kinikilig pa din katulad nalang nitong DJ na to.
"Ay... so sino? Pwede ba naming malaman?"
"Um.. she's a private person, so... hindi ko pwedeng sabihin kung sino." explain ko nalang sa kanila. Tumingin ulit ako kay Ms. Ads and nag thumbs up naman siya ng secreto sa akin.
"Pero so far naman Kaye, sa panliligaw mo? Malapit mo na rin bang makuha yung oo niya?"
Natigilan ako sa tanong ulit nila. Feeling ko para akong nasa interrogation room at dapat sagutin ko ng maayos ang mga tinatanong nila.
I glance ulit kay Jho and this time natatabunan yung mukha niya ng kanyang camera.
"Umm.. hindi ko pa masasabi eh, pero tingnan nalang natin. It's her decission naman na sagutin ako o hindi."
"Eto Kaye, may nag tatanong naman dito malapit sa akin na pano ka ba daw mag rereact pag na friendzone ka?"
I laugh at their questions pero sa loob-loob ko ang sarap sarap na nilang bigwasan. Pero sege lang.. public figure at its finest kaya dapat nakangiti lang.
"Ummm.." nilagay ko pa sa baba ko ang kamay ko na parang nag iisip. "Ano nalang...accept nalang natin yung desisyon niya. Hindi naman kasi natin hawak kung ano ang nararamdaman niya eh. Kaya kahit masakit... tanggapin nalang tapos mag move-on o di kaya maging mabuting kaibigan nalang sa kanya." dagdag kong sagot.
Awwww
Rinig kong sabi ulit ng mga tao dito sa loob.
Mga ilang oras din akong ginigisa dito. They're asking me kung ano ang pinagkaka-abalahan ko ngayon and I told them that on-going yung album ko at may mga plano na magkaka concert. Tapos tinatanong pa nial kung ano ang mga hobbies ko, ano favorite kung pagkain..kulang nalang talaga mag fill-up ako ng slum book.
BINABASA MO ANG
The Music Of My Heart
Hayran Kurgu"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else." ― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven