∞ Chapter 32 ∞

414 23 2
                                    

Maisie Jei's POV

Hindi ako nakakain ng maayos nung lunch break dahil na din siguro sa nanuod kami nung Calvien vs Danielle fight. Idagdag mo pa yung sumasakit kong ulo.

Mabuti na lang at sinundo ako ni Mommy at Daddy. Nag pacheck up kami nung sugat ko sa likod at pati na din yung mata ko.

Feeling ko kasi kaya sumasakit yung ulo ko dahil siguro lumalabo na yung mata ko. Hindi na ako makakita sa malayo as in blurred na talaga.

Na-check-up na ng doctor yung likod ko mabuti na lang at pasa na lang daw ang meron dito, binigyan lang ako ng another pain reliever para itake ito kapag sumasakit.

Pumunta kami sa ophthalmologist, nalaman ko na retain yung grado ng mata ko idagdag mo pa yung pagkakaroon ko ng astigmatism.

Yun pala yung reason kung bakit sumasakit yung ulo ko, dahil sa astigmatism ko. Pinayuhan ako ng doctor na suotin yung salamin ko, pero ayoko talagang suotin yun.

Feeling ko kasi pag nag suot ako ng salamin lalong tataas yung grado ko. Ginagamit ko lang yung salamin ko pag nagbabasa at pag nasa malayo ako.

Pagtapos namin magpa check-up, nag pacleaning kami ni Keisie ng ipin.

Tapos umuwi na kaming buong pamilya sa bahay.

Agad akong umakyat sa kwarto ko para magbasa pero sobrang sakit talaga ng mata ko, kaya nagpasya na lang ako na matulog na lang.

Nagising ako kasi naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin. Pagmulat ko nakita ko si Keisie na ginigising ako.

"Oh bakit?" tanong ko at umupo ako.

"Unnie samahan mo ko sa tulay," sabi ni Keisie. Tinignan ko kung anong oras na.

"7:30 PM na may maabutan pa ba tayo dun?" Tanong ko.

"Checkin lang natin kung may makikita akong magandang damit dun," sabi ni Keisie.

"Sige, wait lang bihis lang ako," sabi ko at tumayo para kumuha ng damit.

Nagpalit ako ng short at t-shirt, nagdala din ako ng jacket kasi malamig yung simoy ng hangin.

Napatingin ako bigla sa calendar ng cellphone ko. Almost 2 weeks na pala kaming hindi nagkikita ni Carlos, simula nung umalis sila tita at tito papuntang america.

Naalala ko na may 3 and half months pa ako para sa bet namin ni Calvien. Pero hindi pa talaga kami nakakapag usap or nagkikita ni Carlos simula nun.

Kinuha ko yung pouch at pinuntahan si Keisie sa kwarto niya. Nag paalam kami ni Keisie na pupunta lang sa tulay.

Wala namang napili si Keisie pero naka salubong namin sa tulay si Hana at Cybelle. Sumama naman yung dalawa sa amin pauwi. Pinapunta na din ni Cybelle si Kaye, Feith at Ann.

"Lakad tayo sa serendra," pag yaya ni Cybelle.

"Bakit?" Tanong ni Ann na naka upo dun sa bean bag chair at kumakain ng chichirya.

"Makinig tayo dun sa kakanta sa serendra," sabi ni Cybelle.

"Kung gusto mong nakinig ikaw na lang, pwede ka namang makinig sa youtube eh," sabi ni Hana.

"Sino ba yung kakanta?" Tanong ni Feith na naka dapa sa carpet at kumakain din ng chichirya.

"Secret! Basta maa-amaze kayo pag narinig nyo boses nun," sabi ni Cybelle.

"Nakakatamad kayang tumayo," sabi ni Kaye.

"Tsaka gabi na," sabi ko.

"Sige na Jei! Sama natin dogs mo," sabi ni Cybelle.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon