∞ Chapter 41 ∞

366 15 1
                                    

Maisie Jei's POV

Nag stay kami sa bahay ni Carlos. Pinaligo ako ng mga ate niya at pinahiram ng damit. Pag labas ko sa banyo nakita ko nag hahanda ng hapag kainan si Ate Jellyn at Ate Jen.

"Jei, tawagin mo na si Janjan para makakain na kayo," sabi ni Ate Jellyn.

"Sige po ate akyatin ko lang po," sabi ko at pumunta sa kwarto ni Carlos para tawagin siya.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko na shirtless si Carlos kaya napa talikod ako agad,

"Anong tinatalikod talikod mo diyan?" Tanong ni Carlos.

"Naka hubad ka pa eh," sabi ko.

"Para naming hindi mo 'to nakita," pang aasar ni Carlos.

"Hindi naman talaga, tapos ka na ba?" Tanong ko at humarap sa kaniya.

"Wala pa nga akong sinasabi humarap ka na kaagad. Ang sabihin mo gusto mo talagang makita yung abs ko," sabi ni Carlos.

"Asa ka no! Kakain na daw sabi nila Ate," sabi ko bago pa ako maka labas ng kwarto, hinila ako pabalik ni Carlos.

Stupid Ice Prince! Palagi na lang akong pinag ti-tripan.

"Tumawag ako sa pulis, dinampot na si Danielle at yung papa niya," sabi ni Carlos.

"Pinapapunta tayo ng pulis for statement," sabi ni Carlos. Nagulat naman ako kasi hindi pa ako ready na makita si Danielle.

"Kung ayaw mo wag na lang," sabi ni Carlos.

"Mag written statement na lang tayo," dagdag ni Carlos at tumanggo naman ako.

Bumaba na kami ni Carlos.

"Oh, kumain na kayo," sabi ni Ate Jellyn at ianbutan kami ng kutsara at tinodor pag kaupo namin.

"Kain lang ng kain Jei, tignan mo oh. Payat payat mo," sabi ni Ate Jen.

Pag tapos naming kumain, umakyat kami ni Carlos sa kwarto niya.

Nakahiga ako sa kama niya at naka upo naman siya ng bigla akong mabahing.

"Achoo!" sabay takip ko ng ilong ko. Mga ilang beses at sunod sunod akong bahing ng bahing.

"Tignan mo nag kakasakit ka na, ang konti pa ng kinain mo kanina," sabi ni Carlos.

"Kelan ka pa bahing ng bahing?" Tanong ni Carlos.

"Ngayon ngayon lang," sabi ko at bumahing ulit.

"Ah.. Dapat pala hindi kita hinalikan," sabi ni Carlos.

Siraulo tong Ice Prince na to, akala mo yung kiss namin normal topic lang para iopen niya at pag usapan namin ng ganun ganun lang.

Binuksan naman niya yung TV niya at nanuod, sabay higa sa tabi ko.

Napa tingin lang ako sa kanya, syempre hindi naman ako sanay na may katabing lalaki, Kahit na sabihin mo pang nag katabi na kami dati.

"Ayan na naman yung staring problem mo," sabi ni Carlos at tinitigan yung mata ko.

"Palagi mo na lang pinapansin yung mata ko," sabi ko.

"Palagi ka na lang kasing natutulala sa mukha ko eh," sabi ni Carlos.

"Oo alam ko gwapo ako, pero hindi mo naman kailangan titigan ako ng intense," sabi ni Carlos.

"Ang kapal mo talaga!" sabi ko at hinampas ko siya ng unan.

"Totoo naman yung sinasabi ko ah, kaya ka nga tingin ng tingin sa akin eh," sabi ni Carlos.

"Ewan ko sayo! Conceited Jerk!" sigaw ko at tinalikuran siya.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon