∞ Chapter 9 ∞

513 42 1
                                    

Maisie Jei's POV

I was planning on not taking bus or jeep papuntang school, I decided na mag pahatid na lang kay Daddy since day off naman niya.

"Unnie--- oh! You're up already huh," pang-aasar ni Keisie.

"Ang aga mo na namang mang asar," sabi ko habang nag susuklay ng buhok sa harap ng dresser ko.

"It's because you're too early," sabi ni Keisie at hinagisan ako ng saging.

"Your favorite," sabi niya sabay kindat at umalis.

Mabuti na lang nasalo ko yung saging, well banana is my favorite fruit! Kaya kinain ko na lang ito.

"Oh, ang aga mo sweety," sabi ni Mommy na nagpe-prepare ng breakfast.

"Yas mom, mag papahatid ako kay daddy," sabi ko.

"That's new ah," sabi ni Daddy na naka-upo at nag-Iipad sa lamesa.

"Gigisingin ko pa nga lang si unnie, naka ligo na pala siya," sabi ni Keisie na nag titimpla ng chocolate drink.

"Ako din Kei," sabi ko pertaining sa tinitimpla niya.

"Yeah I know, kaya nga 2 cups 'to oh," sabi ni Keisie.

Kumain na kaming apat at hinatid na kami ni Daddy papunta sa school namin.

"Bye dad, thanks," sabi ko kay daddy at nag kiss ako sa cheeks niya.

Agad naman akong pumunta sa locker ko at surprisingly napaka aga ko at naabutan ko ang EI Princess na nasa locker din nila.

"Aga mo Jei ah," sabi ni Cybelle.

"Natakot ako sa mga perv eh," natatawang sabi ko.

"Manyak magnet," pang aasar ni Hana.

"At least hindi siya Man Hater," sabi ni Cybelle.

"At least hindi ako nag mumukhang tangang nag hahabol kay Pau," sabi ni Hana kay Cybelle.

"Ang aga nyo naman mag bangayan," sabi ni Ann.

"Wala namang bago diyan sa dalawang yan eh," sabi ni Kaye.

"As if mag babago yang dalawang yan," sabi ni Feith.

Nag lalakad na kami ng EI Princess sa hallway when a bunch of people running around, squealing, and yelling about something.

A lot of students looked scared, a few girls were squealing like they were excited about something and some of us looked confused, then suddenly Cybelle squealed.

"Oh my Cybelle, sila Paulo yun oh," sigaw ni Cybelle. Nakarinig kami ng mga ingay sa locker as if the locker were banging.

"Shhh! Hindi ko marinig yung sinasabi ni Pau," reklamo ni Cybelle.

"Eh paano mo maririnig kung nasabay ka din sa ingay ng mga fan girls nila?" sabi ni Feith.

"Shhh! Dadagdag ka pala talaga Feith ano!" sigaw ni Cybelle.

"Kung tumatahimik kaya kayo para marinig niyo ano?" sabi ni Kaye. I tried peaking kasi sabi ni Cybelle sila Paulo daw, edi kasama ni Paulo yung Ice Prince na yun. Hindi sa hinahanap ko siya ha, ayoko kasi siyang makita lalo na yung nangyari sa amin kahapon. I know I should step up my game pero nahihiya kasi ako. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob.

"Nakita mo nyo ba si Rey?" sigaw ni JC sa mga estudyanteng nakaka salubong sila.

"Nakita nyo ba si Rey? Kung alam nyo sabihin niyo kung na saan siya!" sigaw ni Jan Marcus Gamido.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon