∞ Chapter 25 ∞

434 27 3
                                    

Maisie Jei's POV

Ang sakit ng ulo ko ngayon, syempre sinong hindi sasakit yung ulo? Almost 2 AM na ata kami naka uwi ni Carlos kagabi nung sinundo ko siya sa Valkyrie.

First time ko din antukin sa loob ng klase, paano ba naman yung prof kong 3 hours mag lecture parang si jiggly puff yung boses.

Gusto ko na ding i-hung down yung ulo ko kaso ako lang ata yung estudyanteng nakikinig sa prof ko, half of the class were sleeping tapos half of it may sariling mundo.

Mabuti na lang at break na, hindi ako nakipagkita sa EI Princess dahil busy din sila sa mga things nila. Hana and Ann are the President at Vice President ng Student Council. I am the secretary, but I've done what I need to do. Kaye and Feith are busy also, as well as Cybelle na busy mag habol sa Paulo niyang palagi siyang nire-reject.

Papasok na ako sa cafeteria ng bigla akong salubungin ni Calvien sa labas pa lang ng pinto.

Nginitian ako ni Calvien at parang may good news siyang sasabihin sa akin dahil mukha siyang excited. Well, I don't really care! Masakit yung ulo ko. Wala akong time para sa kalokohan niya.

Hinarang naman agad ako ni Calvien.

"Balita ko tinulungan mo daw si Danielle kay Carlos kahapon ah," sabi ni Calvien.

"So what?" sabi ko hindi na talaga ako comfortable kasi masakit na talaga ulo ko.

"He's looking for you Jei," sabi ni Calvien.

"I don't have time to spare for him," sabi ko at akmang papasok na sana sa loob ng cafeteria ng hinila ako ni Calvien.

"Ano ba?! Pwede bang bukas ka na lang mang-asar?" inis na sabi ko at pinisil ko yung pagitan ng ilong ko.

"Well, gusto ko lang sabihin na that Danielle guy seems to know JC, gusto niyang i-share sayo yung mga nalalaman niya kay JC. So, I suggest you meet that guy up and step up your game," sabi ni Calvien.

"I don't care ok?" sabi ko, I looked at him in disbelief.

"Ayaw mong maniwala sa akin?" Calvien cockily smirked at me. Napabuntong hininga naman ako. Hindi ba 'to makaintindi ng masakit nga ulo ko?

"Oh well, kausapin mo na lang si Danielle. Mukhang maraming alam iyon kay JC," sabi ni Calvien at iniwan ako.

Hindi ko na inintindi yung sinabi ni Calvien. Pakialam ko kung maraming alam yung Danielle na yun kay Carlos. Basta ang alam ko gutom na ako at masakit na ulo ko.

Umorder ako ng beef stake at kanin at umupo sa pwesto ng EI Princess.

Mangangalahati na yung kinakain ko ng biglang may umupo sa harap ko.

I remember him! Siya yung binugbog ni Carlos kahapon, right? And based on his name plate, his name is Danielle Navarro. He must be the Danielle that Calvien's talking about.

He doesn't looked bad naman, may mga pasa lang sa mukha at putok lang yung labi dahil sa pag bugbog ni Carlos sa kanya.

"Thank you pala kahapon Jei," sabi ni Danielle at nginitian ako.

"Siguro hindi na ako sisikatan ng araw ngayon kung hindi dahil sayo," sabi nito at nag lean siya sa table.

Talagang hindi ka na sisikatan, grabe yung dugo mo kahapon. Mabuti nga bangas lang natamo mo kahapon eh. Bumalik naman ako sa pag kain ko.

"So, bakit mo ako sinagip kung nag de-date kayo ni JC?" Tanong ni Danielle. Natawa naman ako sa tanong ni Danielle.

Why do everyone think that I'm dating that Ice Prince? Sino bang nag pakalat at nag sabi sa mga uto-uto kong school mates na boyfriend ko si Carlos? Do I have to remind everyone na ni-reject ako ng Stupid Ice Prince na yan?

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon