∞ Prologue ∞

1.4K 84 64
                                    


Maisie Jei's POV

"Sa tingin mo mas mahirap mag-aral kaysa mag pa-inlove ha? Jei, ni-hindi ka pa nga nai-inlove or miski man lang magkaroon ng ka M.U eh," sabi ni Calvien habang tumatawa sa harap ko.

MU? Mint University? Magulong Ugnayan? Malanding Unggoy? Bakit pa? Kung pwede naman akong mag-aral na lang diba?

Tumayo ako sa harap nya. Napansin ko na unting-unti na kaming pinapalibutan ng mga chismoso at chimosa na walang alam kung hindi mangialam sa buhay ng ibang tao .

Just great! Why do people mind other people's business when they have their own business to deal with diba?

"Tutal naisip mo na mas mahirap mag-aral. Gusto kitang hamunin tungkol sa love, kung talagang ikaw ang so called "Perfect Dream Girl" ng kalalakihan dapat may ma-fall sayo," sabi ni Calvien.

Ma-fall? Eh ang dami-dami ko kayang fanboys na head over heels sa akin eh. Ano pa bang di napo-fall doon?

"May tiwala ako sa mga fanboys ko," sabi ko at nag cross-arm.

"Alam ko, pero ito ang hamon ko. Kung mapa-fall sayo ang isa sa miyembro ng Black note--- mas maganda ata kung ang 'Ice Prince' ng Mint University na si JC Peroramas na lang. I would consider a hindi ka lang magaling pag dating sa academics,"

"Pero alam mo ba lahat ng tao kayang mag-aral, nasa kanila na lang yun kung gagalingan nila or hindi sila mag-aaral," Calvien cleared his throat "I mean lahat ng tao alam na mahirap mag-aral," sabi ni Calvien.

"Pero sa love? Ibang genre yun Jei. Kung baga sa libro isang malawak ang sakop nun, Ambiguous. Hindi lahat ng tao may abilidad na magpa-fall o kaya naman magpa-inlove ng tao sa kanila," dagdag na sabi ni Calvien.

Hamunin ako tungkol sa love? Sounds exciting yet challenging. I don't know kung maha-handle ko 'to. I've never been in this situation.

"Sige, pumapayag na ako pero, paano kung ma-fall sa akin si Mr. Ice Prince? Anong gagawin mo?" pang hahamon ko kay Calvien.

Actually, hinahamon ko lang sya. I'm just testing him kung kakagat sya talaga pero hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob para hamunin sya.

I mean, I'm not that weak naman kaya lang wala talaga akong experience sa love. Anong masamang espiritu ang sumapi sa akin para pumayag ako sa deal na to?

Isang Ice Prince ng Mint University na si Jan Carlos Peroramas? Mai-inlove sa akin? Baka nakakalimutan ko kung sino talaga yung Ice Prince na yun?

Pero pumayag na ko sa gusto na bet ni Calvien at hindi ko na mababawi yun. What's been said is there.

Alam kong ito ang pinaka-malaking kahibangan sa buong buhay ko. Bwisit na Calvien na yun! Hindi ako titigilan hanggat 'di ako pumapayag sa bet nya. Kainis! Curse him!

"Kung ako sayo Jei, simulan mo ng magbasa, mag-aral at matuto tungkol sa love bago ka mag-isip ng ipapataw mong parusa sa akin. Gusto mo magsama pa kayo ng mga best friend mong walang alam sa love," sabi nya sa akin tapos ngumiti sya ng nakakaloko.

"Talagang dinadamay mo pa mga kaibigan ko huh?" Inis na sabi ko.

"Syempre. Birds with the same feather, flocks together. Tignan mo yang mga Best friends mo, mukha ba silang may alam sa love?"

"Si Ann nga walang boyfriend dahil sa kahibangan nyang 'MR. RIGHT' daw," sabi niya referring to Clei Ann.

"Si Cybelle nga walang boyfriend dahil NAG HAHABOL KAY JP," referring to Cybelle.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon