∞ Chapter 4 ∞

470 63 15
                                    

Maisie Jei's POV

"Akalain mo yun, ang isang Maisie Jei Tan ni – reject ni JC ng Black note."

"Weh? Taena pre! Ang swerte na ni JC eh!"

"Kung ako kay JC gagawin kong buhay reyna si Jei."

"Pa- ibig na naging bato pa!"

"Yan kasi porket Academic Princess may karapatan ng mag confess sa isang Ice Prince buti nga sa kanya na reject sya HMP!"

"Malalandi talaga yang mga EI Princess na yan eh!"

"Ano ka ba dahil yan sa maimpluwensiyang magulang nila tsaka dun sa mga School's title nila kaya lumalaki yung ulo."

Urgh! Dapat talaga hindi na ako pumasok. Halos lahat ng estudyante pinag-uusapan yung Rejection ko kay JC kahapon. Nakakainis! Ayoko sa lahat yung pinag-uusapan ako na parang wala ako sa tabi-tabi. Mag-uusap na nga lang naririnig ko pa!

Baka mamaya hina-hunting na ako ni Calvien para asarin. Ang lakas-lakas pa naman nun mang-asar at sa totoo lang iniiwasan ko si Calvien, ayoko kasing mabadtrip eh. Na trauma na nga ako kahapon tapos lalo pa akog mato-trauma sa pang aasar na gagawin niya.

"Miss Tan, pwedeng pasuyo sa faculty?" tanong ni Ma'am Darren.

"Yes po Ma'am." Nakasalubong ko kasi si Ma'am Darren, tapos ayan inutusan nya akong kunin yung kanyang lapel sa faculty.

Agad naman akong umakyat papuntang faculty room. Sinigurado ko din na walang JC or Calvien akong makikita. Hindi na din ako gumamit ng elevator, baka mamaya pagbukas nung elevator ilabas yung pinaka nakaka-asar na lalaki sa balat ng lupa na si Calvien. Kaya naman nag lakad ako patungong faculty room para kunin yung lapel, at isa pa ayoko kasing makita silang dalawa, si JC at Calvien. Naiinis ako sa sarili ko, pumapasok na naman sa isipan ko yung katangahan na ginawa ko kahapon. Yung bet at yung confession. Bwisit talaga!

Bumaba ako at nagpasyang dumaan sa fifth floor wala kasing tambay na estudyante sa hallway eh. Lahat ata nag kaklase na kaya empty hallway.

Bigla namang may lalaking duguan ang ilong at bibig na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, takot kasi ako sa dugo. May phobia ako.

Gumilid ako para magtago sa kanto ng pader at hindi tinignan yung lalaki kahit na gusto ko syang tulungan, may phobia ako kaya hindi ko siya kayang lapitan.

Nakita ko naman na papunta ang Black Note dun sa lalaki na nakahandusay na sa sahig.

"Ibalik mo yung kinuha mo! Pinaki-usapan kita ng maayos pero ano? Tatakbuhan mo lang ako?" tanong ni JC na umupong bahagya para mapantayan yung lebel ng lalaki. Hinawakan din nito ang baba ng lalaki para tumingin ng diretso kay JC.

"I-ibabalik ko bukas yung phone," sabi nung duguang lalaki.

"Nung nakaraang linggo mo pa yan sinasabi. Nasan na yung phone ko?! T*ng In@! Pag yan hindi mo pa naibalik bukas. Hindi lang yan matatanggap mo sa akin!" sabi ni JC tapos sinipa nya sa tiyan yung lalaki.

Nakita ko namang umalis na yung Black Note. Agad naman akong nagtungo dun sa duguan na lalaki at inabutan ko sya ng tissue.

"Sorry, tissue lang meron ako eh," Inabot ko sa kanya yung tissue pero hindi ako naka tingin.

"Te-thank you pero hindi ko kailangan yan," sabi nung lalaki.

"Ano, pamunas lang dyan sa dugo mo," sabi ko naman hindi pa din nakatingin sa guy.

"Alam mo nakakahiya kasi eh. Umalis ka na lang baka may makakita pang iba sayo. Baka may mangyari sa akin na masama dahil kasama ko ang isang Maisie Jei Tan," sabi nung lalaki pero kinuha niya yung tissue na inabot ko sa kanya. Mabuti na lang din tinakpan nya yung dugo yung ba visible pero keri ko naman hindi ko kasi talaga kaya yung sobrang dami yung parang mauubusan ka ng dugo ganun.

Ah! Nahihiya sya kasi baka kuyugin sya ng iba kong fanboys. Scratch the fanboys, feeling ko kasi ang kapal ng mukha ko pag sinasabi ko yan. HAHAHA. Enough Jei! Seryoso yung sitwasyon oh.

"Pwede bang dumiretso ka na sa clinic? Yung itsura mo kasi nakaka –" Naputol ako ng biglang magsalita yung lalaki.

"Hindi ko kailangan ng awa mo," sabi niya.

"At isa pa bakit mo ako tinutulungan? Eh diba nagconfess ka kay JC kahapon? Gusto mo siya diba? Gusto mo syang maging boyfriend? Dapat sumama ka dun sa future boyfriend mong cold hearted na gangster!" Sabi pa nito.

"Anong connect nung confession ko sa pag tulong sayo?" Tanong ko. Hindi ko maintindihan kasi ako na nga itong tumutulong sa kanya parang ako pa yung may mali. Ano ba iyon? Ano bang problema niya?

"Jei, kung kakaawaan mo lang ako pwede bang umalis ka na lang sa harap ko?!" Sabi nito. Inirapan ko sya at triny kong makipag-usap kahit nakakainis siya.

"Ano bang ginawa mo kay JC?" Tanong ko.

"Hindi mo na kailangan alamin. Kung ayaw mong targetin ka din ni JC," sabi nito.

"Anong akala mo sa akin hindi involved sa kanya? Yung confession ko nga lang kahapon may involvement na ako dun eh. What do you expect?"

"Anong cellphone ba yung binabanggit ni JC?" Tanong ko.

Tinignan muna nya ako ng matagal bago sumagot sa akin.

"Kinuha ko yung iPhone nya. Ano kasi—ke-kailangan ko ng pera. Yu-yung papa ko may sakit. Uutang sana ako kay JC kaso wala talaga akong pambayad kaya kinuha ko na lang yung cellphone nya," sabi niya

"Hindi mo naman kailangan kumuha ng hindi sayo eh" sabi ko.

"Anong bang iPhone yung kinuha mo?" Tanong ko.

"Iphone 7 na space grey," sabi nito. Na – shocked ako ng malaman ko na yung iPhone 7 pa talaga yung tinangka nyang kunin ah. Isa kang alamat ah.

"Baka pwede mo naman akong pahiramin kahit kalahati lang nung pera para pambili ng pamalit na phone ni JC. Nabenta ko na kasi yung cellphone at naibayad ko na sa hospital yung pera nun," sabi nito.

"Uhmm. Sige ikakaltas ko na lang sa allowance ko. Ano pwede bang makipagkita ka sa akin bukas bago mo ibigay yung pera kay JC," sabi ko.

Hay nako ka talaga Maisie Jei! Napasubo ka na naman sa isa na namang katangahan! Wag ko lang sanang pagsisihan ang pagpapahiram ng pera. Oh my cookies ni Jei!

"Sure ka bang papahiramin mo ako?!" Tanong nya at tumango lang ako.

"Sige na pumunta ka ng clinic kasi I'm not comfortable sa dugo mo."

"Thank you!" Sabi nito sa akin at umalis na.

Walang hiya ka talagang Maisie Jei Tan ka! Tapos na yung klase ng dumating ako. Mabuti na lang hindi ako napagalitan ni Ma'am Darren kahit na cutting yung dating ko. Sinabi na lang nya na next time mag-ingat na lang daw ako.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon