∞ Chapter 46 ∞

331 15 2
                                    

Maisie Jei's POV

"Jei, Jei!" nagising ako kasi may yumuyugyog sa akin eh.

"Shet! Ang baho mo sis!" Sighal ni Hana.

"Uminom ka ba ng alak?" Tanong ni Ann.

"Huh? Hindi ko maalala," sabi ko, agad ko namang itinali yung buhok ko.

"Maligo ka kaya muna! Amoy alak ka talaga eh!" sabi ni Ann.

"Paano pala ako naka uwi dito?" Tanong ko.

"Hindi mo maalala?" Tanong ni Cybelle.

"Mag tatanong ba ako kung alam ko?" sabi ko at hinawakan ko ulo ko, grabe ang sakit ng ulo ko.

"Ayun, dala dala ka ni JC mo," sabi ni Ann. I rolled my eyes at pumasok sa banyo.

"Ang aga nyo mag joke," sigaw ko sa banyo.

"Hindi kami nag jojoke!" sigaw nila pabalik, sinarahan ko naman sila ng pintuan at naligo na. After kong maligo, agad akong tinanong ni Ann na mag isa na lang sa loob ng kwarto namin.

"Bakit ka nga pala nawawala kagabi?" Tanong ni Ann.

"Tumitingin lang ako ng stuffed toys tapos bigla kayong nawala," sabi ko.

"Nawala ka ba talaga? O humiwalay?" Tanong ni Ann. I annoyingly stared at her.

"Alam niyo naman wala akong sense of direction eh," sabi ko. "Mga bwisit kayo, ni-hindi niyo man lang ako hinanap," dagdag ko.

"Talaga ba Jei? Baka iniwan mo talaga cellphone mo sa akin," sabi ni Ann.

"Gaga! Nasa bag mo kaya yung cellphone ko, paano ko kayo mako-contact?" Tanong ko.

"Oo, iniwan mo phone mo. Abnormal ka eh! Pasalamat na lang kami alam namin password mo kaya nacontact agad namin si JC," sabi ni Ann.

"Bakit nyo naman kinontact yung ungas na yun?" Tanong ko. Agad naman iniba ni Ann yung usapan. Bwisit talaga tong mga to, pinag tutulakan ako kay Carlos.

"Alam mo bang nahuli kayo ng mga profs kagabi?" Tanong ni Ann, napag salubong naman yung kilay ko sa tanong niya.

"What do you mean?" Tanong ko. Pilit kong inaalala kung ano yung nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala eh.

"Lumagpas kayo ni JC sa curfew hours natin kaya hindi kayo makakasama sa activities mamaya" sabi ni Ann. "Sayang naman pepx! Hindi ka makakasama," dagdag niya.

"Ok lang yan. Hot air balloon lang yan at fireworks lang naman yun," malungkot na sabi ko, gustong gusto ko talagang sumakay sa hot air balloon, yung fireworks naman palagi naman akong nakakakita nun eh.

"Na saan pala sila?" Tanong ko.

"Naligo sa pool" sabi ni Ann.

"Ah. Tinatamad ako mag sleep muna ako ah" sabi ko at pumwesto sa kama ko. Iniwan naman ako ni Ann kasi gusto din niya mag swimming. Wala akong sa mood mag swimming at wala na rin akong pakialam kung hindi maka attend sa activities nila, pagod naman ako eh gusto kong mag pahinga. Tiningnan ko naman yung oras, maaga pa for lunch.

"Sis gising na mag la-lunch na" pag gising sa akin ni Hana. Agad naman akong tumayo, pumunta sa cr at nag toothbrush. Nag palit din ako ng damit, ginamit ko yung biniling jumper ng EI Princess sa akin at t-shirt na may cactus at sabay suot ng white sandals ko.

Pag katapos na pag katapos kong maligo, agad akong hinila ng EI Princess papuntang elevator.

"Oh? Anong ginawa niyo ni JC kagabi?" Pang aasar ni Kaye, habang hinihintay naming yung elevator.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon