∞ Chapter 49 ∞

401 16 2
                                    

A/N:

Anyway, credits to the photo (photo not mine, I grabbed it on Instagram. I really like her edits tho.) @eysinft. Hi, this chapter is dedicated for you ;) I hope you upload more MyungU pics.

Enjoy everyone! :D

Maisie Jei's POV

Mga ilang oras din kaming nag tampisaw ni Carlos sa swimming pool. Nung niyaya kong lipat kami sa hot tub, ayaw ng bruho. Sabi niya kanina ayaw niyang mag swimming pero eto ngayon langoy ng langoy.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Carlos.

"Aahon na, nilalamig na ako eh," sabi ko. "Hindi ka pa ba nilalamig?" Tanong ko.

"Hindi," sabi ni Carlos pero kitang kita mo sa bibig niya nanginginig ito.

"Tara na kasi umahon ka na," sabi ko at itinapat yung kamay ko sa kanya. Kinuha naman niya ito pero hinila ako pabalik sa pool.

"Nakakainis ka talaga," sabi ko habang nakakapit sa mag kabilang brason niya, nakakapit naman siya sa bewang ko.

"Nilalamig na nga ako eh, gusto ko ng mag hot spa," sabi ko habang nanginginig.

"I'm giving you a body heat," sabi ni Carlos habang inilapit ako sa katawan niya. Tinulak ko naman siya at napakapit din agad dahil malalim yung pwesto namin.

"Ano bibitaw ka pa?" Nakakalokong tanong ni Carlos.

"Hindi na nga po eh," sabi ko at yumakap sa leeg niya. I rested my head on his shoulder and closed my eyes while he was walking somewhere.

"Hey, wag mo akong tulugan," sabi ni Carlos.

"I'm not sleeping," sabi ko.

"Hmmmm," sabi ni Carlos, ramdam ko naman na inangat niya ako at inupo sa gilid ng pool.

"Aahon na tayo," sabi ni Carlos at humiwalay sa pagkakayakap ko. Inilapat nya yung mag kabilang kamay niya at tsaka umahon.

Wow! Ang hot naman ni Carlos. May pa-iling iling effect pa ng ulo.

"Alam kong gwapo ako, pero papasukan naman yang bibig mo ng lamok," sabi ni Carlos agad ko namang isinara yung bibig ko.

"Habit mo na talagang tumitig at ngumanga no?" sabi ni Carlos at inilahad yung kamay niya sa harap ko, kinuha ko naman ito at inaalalayan niya akong tumayo.

"Ang conceited mo talaga," sabi ko.

"Gwapo naman," sabi ni Carlos.

"Wow! Lumamig ata dito ah!" sabi ko habang inabot yung tiuwalya ko.

"Payat ka kasi kaya madali kang lamigin," pang aasar ni Carlos.

"Mayabang ka naman kaya ako nilalamig," sabi ko.

"Ano? Gusto mo ulit ng body heat?" asar na tanong ni Carlos.

"Manyak!" sigaw ko and I glared at him.

"Feel na feel mo nga yung pag yakap ko kanina," nang aasar na sabi ni Carlos.

"Wala namang malisya yun. Ang dumi talaga ng utak mo," sabi ko.

"Ikaw yung madumi ang utak. Ikaw yung naka nganga sa akin dyan eh," sabi ni Carlos.

Bigla namang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko kaagad.

"Hello Jei," bati ni Cybelle sa kabilang linya.

"Hmm?" sagot ko.

"Hindi kami natuloy sa hot air balloon, kaya bukas may chance kang umattend nun," masayang sabi ni Cybelle. Napa yes naman ako mentally.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon