∞ Chapter 80 ∞

202 13 25
                                    

Maisie Jei's POV

Nagulat na lang ako ng biglang hindi na gumalaw yung kotse sa labas. Kaya lumabas din ako para tingnan kung ano yung nangyari kay Calvien. I can see him na parang may tinitignan siya sa harap niya. Tinignan ko kung ano yung tinitignan niya. As I made my way in front of my car.

To my surprise, Calvien was staring at Carlos.

I felt like I was caught red handed. That Stupid Ice Prince showing his face when I was trying to forget all the pain na nararamdaman ko.

Ano namang ginagawa ni Carlos dito? Diba dapat nasa hospital lang sya? Bigla ko namang napansin yung tinginan ni Carlos, he looks scary. Natatandaan ko yung mga ganitong titig eh, yung ready syang makipag-away. Narinig kong bumaba si Calvien sa car at lumapit sa tabi ko. Lalong sumimangot si Carlos ng makarating na si Calvien sa tabi ko.

Sa sobrang taranta ko, hiniwakan ko yung kamay ni Calvien. Pare-parehas naman kaming nagulat nila Calvien at Carlos. Ewan ko ba bakit hinawakan ko yung kamay ni Calvien.

"Jei, a-anong ginagawa mo?" bulong ni Calvien habang naka nguso sa kamay namin. Tinignan ko lang sya.

"Pumasok na tayo sa loob Calvien," sabi ko habang pinipilit ko siyang hilahin, pero ayaw magpahila ni Calvien.

"Jei, pota naman. Hindi mo dapat ginagawa 'to sa harap ni JC," bulong ni Calvien.

"Halika na kasi pumasok na tayo," sabi ko at pinilit ko ulit hilahin si Calvien pero para syang naka glue lang sa daanan. Ayaw nya ring magpahila.

"Ganito na lang ba tayo, Maisie Jei?" Rinig kong sabi ni Carlos.

As I heard him talking to me, my eyes started to water again. Ilang araw ko na bang hindi narinig yung boses ni Carlos? Para akong tanga, hindi ko alam bakit ganito yung nararamdaman ko kay Carlos. Para akong paaulit-ulit sinasaksak sa puso at para bang ginagawa nila akong tanga ng sarili ko mismo. Hindi ko na alam kung ano ba dapat kong maramdaman.

Hinigpitan ko yung pagkakahawak kko sa kamay ni Calvien, and he was just looking at me. Iniisip kung ano na namang katangahan yung gagawin ko at kung bakit ko hinahawakan yung kamay niya.

"Jei, please lang," sabi ni Calvien at napilitan akong humarap kay Carlos.

My heart sank as I looked at him longer, para syang stress na stress at ang putla-putla ni Carlos. Yung buhok niya magulo, yung labi niya sobrang putla din. He looked so wreck.

"Maisie Jei," Carlos softly called my name, and it made my heart skip a beat. "Pwede ba tayong mag-usap please?" pagmamakaawa ni Carlos.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan," matigas na sabi ko.

"Okay, sige makinig ka na lang sa akin," sabi ni Carlos.

"Okay. Sige. Bilisan mo kasi gusto ko ng magpahinga," sabi ko.

"Hindi. Paalisin mo yan si Calvien," sabi ni Carlos habang tinitignan ng masama si Calvien.

"Kung ano yung gusto mong sabihin sa akin, malalaman din naman ni Calvien yon," sabi ko at hinigpitan ko yung pagkakahawak sa kamay ni Calvien.

Nakita ko naman na biglang tumigin sa kamay namin si Carlos, I heard him scoffed and said "Nag-uusap na pala kayong dalawa. Hindi ako na-inform."

"Hi-" magsasalita na sana si Calvien, pero agad ko itong pinutol.

"Oo. Nagdadate na kami," sabi ko.

"Hindi ko alam na marunong ka ng magbiro ng ganyan, Maisie," sai ni Carlos at sarkastikong tumawa. "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo?" dagdag ni Carlos.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon