∞ Chapter 58 ∞

239 14 1
                                    

Maisie Jei's POV

Nasa harap namin si Yvette, naka cross-arms at nakabusangot yung mukha. Halatang halata mong inis na inis siya sa nakikita niya which is kami. She's glaring intently at me, para bang tinatanong niya kung anong ginagawa ko kasama si Carlos, eh sinabi ko naman nung nakaraang araw ata na iiwasan ko si Carlos kapag katapos ng project namin. Well? I'm Maisie Jei Tan I don't follow rules. Charot lang!

Eh wala naman kaming project at tsaka sino ba siya para pag sabihan ako na lumayo or iwasan ko si Carlos? Ex lang naman siya. Past! Ganern. Wala siyang karapatan pero at the same time wala din akong karapatan kasi bystander lang ako dito. Ang perfect ng role ko diba? Tagakinig lang at taganuod lang ng mangyayari ngayon.

Napa-isip tuloy ako, kapag ba Ex ka may karapatan ka ng bumalik? Sinaktan mo man siya or sinaktan ka man niya? Ganun ba talaga ka-complicated yung love? I mean hindi ko kasi nage-gets yung point ni Yvette eh. Bakit siya pursigidong paalisin ako sa buhay ni Carlos? Eh in the first place siya naman yung nang-iwan kay Carlos. Although may alam ako na Ex siya ni Carlos at sinabi yun sa akin ng Black Note yun, pero wala pa din akong alam at nacu-curious akong malaman yung totoong kwento nung break-up nila.

Iniwas ko yung tingin ko kay Yvette at ibinaling yung tingin ko kay Carlos. I can't read his expression. His wearing his cold expression again. Hay nako Carlos! Kailangan mong matuto ng iba pang expressions, hayaan mo next time tuturuan kita nung 'gulat' expression. Ah! Baliw na ako. Dapat hindi ako nag-iisip ng kung ano ano. Ang awkward pala kapag third wheel ka kahit hindi naman. Alam nyo yun hindi ko alam yung lugar ko dito.

Alis na lang kaya ako? Tutal bystander lang naman ako dito eh, pero sayang baka malaman ko yung kwento pero nakakahiya eh!

Think Jei! Think Jei!

Alis na nga lang ako, sobrang awkward pala.

'hehehe" awkward na pagtawa ko sa isip ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Carlos.

Goosebumps! Tumaas lahat ng balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit nag-flinch at nag-goosebumps ako, eh narinig ko naman na yung tonong yan. Ang pagkakatanda ko, I heard this cold tone when we first met. Nung na-harass ako sa jeep, tsaka ginagamit lang niya yan kapag nagagalit siya o may kaaway o kaya naman mostly sa lalaking nang-harass sa akin. Especially nung binugbog niya si Danielle.

Tsaka narinig ko yan nung ni-reject niya ako. Damn you Carlos! I can't forget that scene. I think I was hearing a sad tone, hindi yung usual cold and harsh tone na ginagamit niya. May kakaiba sa mata ni Carlos nung sinabi niya yan kay Yvette para bang napilitan lang si Carlos na magsalita.

Uy ha! Observant lang ako kahit tanga-tanga ako. Somehow, I can't understand it at hindi ko alam kung paano ko ieexplain yung nakikita ko.

"Nakalimutan mo na bang taga-rito din ako?" Yvette said sarcastically. "Just a walking distance from your house," pag e-emphasize niya na magkalapit bahay lang sila.

I didn't know na taga-dito din pala si Yvette at malapit pa kila Carlos. Baka kaya naging sila kasi magkapitbahay lang sila ni Yvette.

"Pwede ba tayo mag-usap?" sabi ni Yvette while staring at me and making 'go away' expression.

Hello? Bakit naman ako aalis? Oo, ang awkward pero diba dapat siya yung mag-adjust diba? Ihahatid dapat ako ni Carlos, pero bigla siyang sumulpot ng parang kabute dyan. Ang dami-dami kayang araw na pwede siyang sumulpot, eto pa talagang mag-kasama kami ni Carlos. So, it's her fault. Wala siyang karapatang mag-tatataray sa akin kasi ako yung nauna.

PS. Hindi ko inaagaw si Carlos sa kanya. It's like first come, first serve. Deal with it. Pero? Nauna din naman siya dati diba? Aish! Stop it Maisie Jei! Mag kapitbahay lang yang dalawa kaya wala kang choice, ikaw mag-aadjust kasi ikaw yung bystander dito at ikaw yung epal sa scene na 'to.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon