∞ Chapter 62 ∞

276 15 1
                                    

Maisie Jei's POV

Uwian na, Mabuti naman at sinundo ako ng EI Princess.

"I'm so glad you all decided to pick me up," sarcastic kong sabi.

"Sarcastic ba yan?" tanong ni Ann.

"Ay hindi ah," sarcastic kong sabi.

"100% legit, sarcastic yan," sabi ni Ann.

"Uy grabe ka naman," sabi ni Cybelle.

"So? What brings you here?"

"Anong what brings you here, brings you here ka pang nalalaman diyan. Malamang sinusundo ka naming," sabi ni Hana.

"I know."

"Wag ka ng mag-inarte mahal. Alam mo naman may kanya kanya tayong 'businesses' kaya hindi ka namin nasamahan," sabi ni Kaye.

"I know."

"Sorry na kasi Jei. Babawi naman kami ngayon eh," sabi ni Cybelle.

"Alam mo ba we bought your favorite cookies and drinks," sabi ni Feith.

"Sayang naman kung hindi ka sasama sa amin," sabi ni Cybelle.

"Ako na lang kakain," sabi ni Hana.

"Hati naman tayong lahat," sabi ni Ann.

"Well, kung ayaw ni mahal paghati-hatian na nga lang natin," sabi ni Kaye.

"I hate you guys." I pouted.

"Bibigay din pala 'to sa pagkain eh," sabi ni Hana habang binubuksan yung lock ng Student Council Office

"Andyan yung drinks at food mo sa ref," sabi ni Kaye at umupo sa pwesto nya.

"Pag nakikita ko yung table ni Jei, palagi kong naiisip na ang utak niya talaga no," sabi ni Cybelle. She's pertaining sa pwesto nung table ko. Yung table kasi nila naka harap sa pinto. Eh ako inayos ko yung akin napapa-gitnaan ako nung table at pader para maraming spaces.

"Alam mo naman yan si Jei, masyadong mautak," sabi ni Feith.

"Oo nga eh. Baby palang siya pero magulang na," sabi ni Cybelle.

"Ano daw? Baby pero magulang?" sabi ni Ann.

"Wag mo na alamin Ann," sabi ni Cybelle.

"Nagets ko yun tanga," sabi ni Ann.

"Nako mamaya na yang bangayan nyo. Dami dami nating tambak na papers oh," sabi ni Kaye.

"Oo nga, Vice president ka pa naman," sabi ni Feith kay Ann.

"Mamaya na nga yung kwentuhan na yan, makakapaghintay pa naman yan eh," sabi ni Hana.

Nag-start na kaming gumawa ng sarili naming mga papers at reports. Siguro mga isa't kalahating oras balik na naman kami sa kulitan.

"Wala na naman tayong matatapos nito," sabi ni Hana.

"Eh ayan oh si Cybelle ang daldal," sabi ni Feith.

"Nagtanong lang ako kung sinong gusto kumain, lahat kayo um-oo," sabi ni Cybelle.

"Alam mo namang mga patay gutom yang mga yan eh," sabi ko.

"Ikaw nga yung pinaka patay gutom dito eh. Hindi ko alam kung saan mo tinatago at nilalagay lahat ng kinakain mo. Eh wala ka ngang tiyan eh," sabi ni Kaye.

"Anong date na ba ngayon?" tanong ni Cybelle sabay napatingin sa kalendaryo.

"Uy, Jei. May dalawa't kalahati ka pang linggo bago matapos yung bet nyo ni Calvien," sabi ni Cybelle habang nilalatag yung mat.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon