∞ Chapter 64 ∞

236 15 1
                                    

Maisie Jei's POV

8 PM na nandito pa din kami ng EI Princess sa Starbucks. Buong araw kaming nasa Starbucks dahil na din siguro busy ang mga bruha sa mga upcoming exams naming.

Nakaupo ako at nagbabasa ng libro, pero it was my first time staring blankly at it. Nakalimutan ko na ata yung totoong purpose ko bukod sa magturo kung may tanong sila at magreview sa exams.

"Jei, kanina mo pa hindi ginagalaw yung drinks mo," sita ni Hana sa akin.

"H-ha?" hindi ko alam na sobrang tagal ko ng nastuck up sa pag-iisip. Sobrang dami talagang pumapasok sa utak ko at hindi ko din naman ma-absorb yung pinag-aaralan ko.

"Are you okay mahal?" tanong ni Feith.

"Ah y-yeah," sabi ko at tumikim ng konti sa inumin ko.

"Do you have any problem?" tanong ni Kaye.

"No, nothing. Nastress lang siguro ako," sabi ko at hinalo-halo yung inumin ko.

Ilang araw ko na din iniiwasan si Carlos. Hindi ko alam kung bakit, feeling ko hindi ko dapat siya makita. Bakit kasi nakinig pa ako sa kwento ni Yvette?

Lahat kasi ng kinukwento niya, kabisadong-kabisado ko pa rin. Kahit isang word dun sa kinukwento niya hinding-hindi ko makakalimutan, pati yung expressions at pag-iyak niya sariwang-sariwa pa din sa akin na para bang kahapon ko lang siya nakausap.

Hindi ko din alam kung bakit parang gusto kong magka-ayos si Carlos at Yvette. Gusto ko din malaman ni Carlos yung totoo, na hindi kasalanan ni Danielle kung bakit nahospital si Yvette at mahal na mahal pa din siya ni Yvette. Na kaya siya nakipagbreak kasi alam niyang pag nagstay pa siya sa piling ni Carlos ay lalo lang siyang masasaktan, kasi hindi kaya ni Yvette na makita pang masaktan ulit si Carlos kung sakaling mangyari ulit yung ganung sitwasyon. Na pinilit ni Yvette na magbreak sila kahit labag sa kalooban niya. Na hindi matanggap ni Yvette na nagloko siya kay Carlos at gusto nyang baguhin yung sarili niya bago niya balikan si Carlos.

Simula nung sinabi ni Yvette sa akin yung side niya, as much as possible iniiwasan ko lahat or at least tinatry ko yung best ko na umiwas sa lahat. Wala ako sa katinuan, hindi ko alam kung bakit tumatak sa ulo ko yung mga pinagsasasabi ni Yvette sa akin.

Mababaliw na talaga ako kakaisip.

I avoided Carlos this past few days. Kahit isang beses hindi ko siya nakita sa harap ko, pero nakikita ko siya na pumapasok sa school. Triny kong iwasan siya as casual as possible para hindi niya isipin na purposely ko siyang iniiwasan.

Sabi nila, "No matter what you do, or you say, your first love will always have a special place in your heart." and "First love is the sweetest but cuts the deepest."

Ok lang naman sigurong sabihin ko yan diba kasi naiitindihan ko yung sides nila parehas. Na-broken hearted si Carlos kasi iniwan siya at nagloko si Yvette at si Yvette nakipagbreak kasi ayaw niya pang mas masaktan si Carlos.

Bakit ko ba 'to iniisip? Eh hindi naman ako yung nasa sitwasyon nila ah? Bakit ba nakakaramdaman ako ng paninikip ng dibdib? Hindi naman ako involved sa problema nila bakit ko ba pinoproblema? Hay nako Jei, nag ooverthink ka na naman.

"Oh my Rei! Nasa baba si Pau my loves ko," sabi ni Cybelle.

Nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Cybelle. Napatingin ako sa counter at nakita ko si Carlos at Paulo na umoorder ng frappe sa baba.

Ano ba yan! Akala ko pa naman buong linggo ko ng maiiwasan si Carlos pero ayan sila ngayon, umoorder sa baba.

Pumasok na naman sa isip ko yung first time na kinausap ko si Carlos, yung nag confess ako. Gosh! Until now, may trauma pa din ako sa pangre-reject na ginawa niya sa akin.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon