∞ Chapter 15 ∞

425 38 2
                                    

∞ A/N: ∞

Recap lang sa number ng pagsagip ni Jan Carlos sa clumsy natin na bida na si Maisie Jei.

Number of save - 6 points

Maisie Jei's POV

Nakadapa ako sa clinic bed, umiiyak at sobrang higpit ang hawak ko sa bed sheets habang nililinis ng nurse yung sugat ko.

Gusto nila akong i-transfer sa St. Lukes para makita ng doctor ko yung nangyari sa sugat ko at mabigyan ako ng pain reliever, pero hindi na ako pumayag kasi tatawagan lang ng hospital na yun si Mommy at Daddy kung saka-sakali.

Naka upo si Carlos dun sa gilid ko at pinapanuod lang niya ako sa pag-iyak ko.

Wala na din yung EI Princess kasabay nilang pumasok yung Black Note sa sari-sarili nilang subjects.

Hindi porket gangster yang mga Black Note na yan ay hindi na sila pumapasok, although bihira lang nga talaga silang pumasok.

Wag kayong judgemental diyan, ako din nagulat nung nagpaalam sila na papasok daw sila. Psh! Parang tanga talaga ako, kinakausap ko na naman sarili ko.

"Yan okay na, nilagyan ko ng water proof na dressing para hindi pasukan ng tubig yang sugat mo," sabi ni Nurse Joy.

"Thank you," sabi ni Carlos kay Nurse Joy.

Nagulat lang ako kasi dapat ako yung nag te-thank you kay Nurse Joy pero nauna pa siyang nag thank you dun. Hindi ko alam kung na kalog ba yung utak ni Carlos kanina eh.

Inalalayan naman ako ni Carlos para maka-upo tapos inilagay niya yung unan sa likod ko, bali parang naka trapped ako sa mag kabilang braso niya.

Napatingin naman ako kay Carlos at bumuntong hininga siya.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Carlos, tumango lang ako pero naiyak pa din ako.

Sobrang sakit kasi ng likod ko tapos idagdag mo pa yung sakit ng ulo ko sa pag sabunot nung bwisit na Rey na yun.

"Shhh, wag ka ng umiyak," sabi ni Carlos tapos ginamit nya yung right hand niya para punasan yung tumutulong luha sa mga mata ko.

Napatigil ako sa pag-iyak kasi bwisit tong Stupid Ice Prince na 'to bakit kailangan pa niyang punasan yung luha ko eh! As I said, nawe-weirdan ako tuwing hinahawakan ni Carlos yung mukha ko.

"Hindi ko alam na may tinatago din palang ka-sweet-an itong si JC," sabi ni Nurse Joy na kilig na kilig dun sa table niya.

"Ang swerte mo dahil naging boyfriend mo yan si JC," sabi ni Nurse Joy.

"H-hindi ko po siya---" pinutol naman ni Carlos yung sinabi ko.

"Thanks Nurse, pero kailangan ko ng ihatid si Jei sa classroom niya," sabi no Carlos at inalalayan akong tumayo dun sa clinic bed.

"Kaya mo bang mag lakad? O gusto mo buhatin kita?" Seryosong tanong ni Carlos.
"Seryoso ka ba? I mean kaya ko naman, ok na sa akin yung inaalalayan mo ko," natatawang sabi ko, humigpit naman yung hawak niya sa kamay ko.

Muli na naman kaming natahimik habang naglalakad kami ni Carlos.

Ang awkward no? Alam din naman ni Carlos yun eh. I mean we are walking side by side tapos magka holding hands pa kami diba? Sinong hindi ma-awkward-an doon diba?

Isama mo pa yung the fact na he's an Ice Prince na super snobber tapos gangster pa siya.

Inaamin ko na naging judgemental din ako nung na-meet ko siya last monday pero it wasn't that bad and he saved me.. Again..

Pang ilan na ba ito? Pang 6 na no? Baka next time makalimutan ko na kung pang ilang beses na niya ako sasagipin.

"Wala ka bang boses para magsalita? Pipi ka ba? " Tanong niya sa akin. Napa tigil naman ako sa pag lalakad at pumuwesto siya sa harap ko, kumunot naman yung noo ko kasi out of the blue bigla siyang mag sasalita.

Pwede bang tigil tigilan nya yung out of the blue kung mag salita? Hello? Ang awkward kaya.

"Bakit hindi ka na naman humingi ng tulong? Ano sa tingin mo malakas ka na sa pag sagot-sagot mo kay Rey?" Frustrated na tanong niya.

Wait? Tinatananong niya ba ako kung pipi ako kasi hindi ako sumagot sa tanong niya? Or tinatanong niya ako kung bakit ako pipi kasi hindi ako humingi ng tulong? Wait ang gulo.

"Tanga mo talaga," sabi ni Carlos habang umiiling. Napansin niya siguro na naguguluhan ako sa tanong niya.

Ayan na naman siya! Kung maka pag sabi ng tanga sa akin, akala mo wala akong feelings no!

"T*ng *na Jei mag salita ka naman! Paano kung wala ako dun? Anong gagawin nyo? Dinamay mo pa talaga yung mga kaibigan mo! Pwedeng pwede kayong paluin nun dahil napatol yun sa babae! Lalo ka na, dahil galit na galit yung g*gong yun sayo!" sabi ni Carlos na para bang nag aalala sa akin.

Wait? Nag-aalala ba talaga siya sa akin? Hindi ko alam kung bakit ako napapa ngiti kahit na pinapa galitan ako netong Ice Prince na to.

"Wag ka ngang ngumiti diyan na parang nag-aalala ako sayo, sumusunod lang ako sa sinabi ni Papa," sabi ni Carlos, na umiwas sa tingin ko.

"Kung nakalimutan mo, sinabi ni Papa na alagaan daw kita," sabi ni Carlos at umiling kuno.

"Bakit mo naman gagawin yun? Wala naman sila dito para makita yun, style mo!" Pang aasar ko at ngumiti ako sa kanya. Napabuntong hininga si Carlos.

"Pag sinabi ni Papa, dapat sundin. Kung ayaw mo maniwala bahala ka sa buhay mo," sabi ni Carlos at tinalikuran ako at lumakad palayo

"Ouch, ouch!" arte kong kunware masakit yung likod ko. Napangiti naman ako nung binalikan ako ni Carlos.

"Don't smile like an idiot" sabi ni Carlos, hinawakan yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Lumapad naman lalo yung ngiti ko.

"Wag ka din mag-inarte, sabihin mo nalang kung gusto mong hawakan yung kamay ko" sabi ni Carlos at nag smirk sa akin. Nawala naman yung ngiti ko sa labi kasi sobrang hangin talaga netong Ice Prince na to.

"Bakit? Totoo naman nag-iinarte ka ah? Tsaka dapat maging ok ka baka bumisita ulit tayo kay Mama," sabi ni Carlos, sinimangutan ko naman siya.

Bibisita na naman kami kay Tita? Ok lang naman sa akin kaso parang giangamit niya lang kasi ako.

Hello? pakilala niya kaya sa akin girlfriend niya. Aish! Naiinis ako sayo Carlos!

"Pumasok ka na sa classroom mo, at please lang stay out of trouble," sabi ni Carlos at lumakad na papalayo.

Ako iiwas sa gulo? Bakit nag hahanap ba ako ng gulo? Gusto ko bang sumama dun? Baka ibig niyang sabihin yung gulo yung umiwas sa akin! Yung gulo mismo yung pumupunta sa akin, hindi ako! Stupid Ice Prince ka talaga! Wag nyo din kasi akong idamay sa gulo nyo! Hmp!

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon