∞ Chapter 8 ∞

557 38 4
                                    

Maisie Jei's POV

Pagkatapos kong umiyak-iyak dun sa bus stop, malapit sa playground at tatawid lang ng school namin, hinatid ako ni Carlos sa room ko.

Hindi naman totally na hinatid, sabi kasi ni Carlos mauna ako tapos sa likod ko lang daw sya para lowkey lang kami at saktong nag kasabay lang daw yung datingan.

Hindi din ako nakipagkita sa EI Princess, nahihiya kasi akong ikwento yung nangyari but eventually naman ikukwento ko yun eh, pero not now. Siguro pagready na ako.

Nagring na yung bell, lunch time na. Binilisan ko yung pagliligpit ng gamit ko kasi kikitain ko pa si Rey at ayoko din mag-alala ang EI Princess kaya tinext ko sila na hindi ako makakasabay sa lunch dahil na din sa sched ko with Rey, the guy who stole Carlos' phone.

Nakatayo ako sa hallway ng fifth floor, hinihintay ko si Rey. Mabuti na lang wala ng gaanong students, malamang yung iba kumakain at yung iba naman may klase.

Halos mag te-ten minutes na nung dumating si Rey.

"Uy Jei, sorry late ako ah akala ko kasi kumain ka muna eh," sabi ni Rey tapos nag-abot siya ng box na may laman na cup cake, cookies and chocolates.

"Ano yan? Mag coconfess ka din?" Tanong ko sa kanya tapos dahan dahan kong inabot yung box na dala dala ko.

"Hindi, hindi man yan sapat para sa iPhone 7 pero sana magustuhan mo, ako mismo nag bake niyan," sabi niya habang tumatawa.

"Ano yan? Mag-coconfess ka din?" tanong niya habang kinuha yung box na inaabot ko.

"Ah, pinalitan ko na lang ng mismong phone. Hindi kasi ako makapag-withdraw ng ganung kalaking pera eh," sabi ko.

"Ah ok, salamat Jei, hindi pa sapat yan pero pa konti-konti babayaran kita," sabi niya habang naka ngiti.

Pasalamat ka mayaman ako at kung hindi ako naawa sayo, sigurado hindi ka na sinisikatan ng araw ngayon.

"Bigay mo na yan kay Carlos para hindi ka niya hunting-in ulit," sabi ko.

"Salamat talaga Jei! Hulog ka ng langit," sabi nito sa akin.

"I'll go ahead," pag papaalam ko.

"Wag mong kalimutang kainin yang binake ko ha!" sabi niya tapos feeling ko ang sama-sama ko.

Ang hirap kasing i-explain eh. Nagu-guilty ako sa maaring mangyare sa kanya.

Tinext ko yung EI Princess na susunod ako, sakto naman na nandun pa sila sa cafeteria.

As I was about to walk to our table, nang biglang sumulpot itong unggoy na 'to. Syempre walang iba kung hindi ang Playboy of the year na si Calvien Rosinante, Yey! Thursday why were you so good to me! I mentally rolled my eyes at my sarcastic rants.

Hindi ko siya pinansin at dumire-diretso ako sa pwesto namin ng EI Princess.

"Uy Jei, may headline ka na naman," sabi ni Cybelle. Tumango lang ako at nag paalam na bibili ng chocolate drinks.

Bago pa man ako gisahin ng EI Princess, pumunta si Calvien sa table namin.

"Hi Jei, bali-balita na ni-reject ka daw ni JC ah," sabi ni Calvien na naka tayo sa gilid ko.

Naiinis ako kasi gutom na ako, nag hintay ako dun kay Rey which is I'm not fond of waiting, tapos eto ngayon si Calvien aasarin na naman ako.

"Dibale may isang buong sem pa naman ako," sabi ko at inirapan si Calvien. "Kaya wag mong isipin na panalo ka na," dagdag ko.

"Talaga ba Jei? Una pa lang alam ko na hindi mai-inlove sayo si JC pero I will give you a benefit of a doubt for trying out," sabi ni Calvien habang tumatawa.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon