∞ Chapter 63 ∞

232 16 0
                                    

Maisie Jei's POV

Pauwi na ako, naglakad-lakad muna ako sa Serendra. Ayoko pang umuwi, hindi ko alam kung bakit pero I find it relaxing. Hindi mainit, hindi din makulimlim, sakto lang kaya maganda mag ikot-ikot or mag libot-libot.

Gusto ko rin kasing mag ikot-ikot kasi ang daming tumatakbong scenario sa utak ko. Iniisip ko kung gusto ba talagang makipag balikan ni Carlos kay Yvette, pero sa ngayon dine-deny nya kasi for sure naisip niya na pwede ulit mag cheat si Yvette kung gugustuhin nung bruhang yun.

Isa pa 'tong pagbalik ni Yvette. Hindi ko alam kung anong motibo niya. Considering the fact that she was the one who cheated plus she decided to break up with Carlos. So, kapag ikaw yung unang nakipag break, ikaw din yung gagawa ng way para magkabalikan kayo? Ganun ba yun?

I mean, natandaan ko yung time na binugbog ni Carlos si Danielle; I think that was a month ago? I can't remember the exact date pero parang last month lang ata.

Natandaan ko yung sinabi ni Danielle, yung kung pinahalagahan lang ni Carlos si Yvette hindi siya magche-cheat. Pero hindi ba choice din ni Yvette yun? I mean, she could choose whether to fixed and talked about their relationship, but rather she chose to cheat with Danielle and hurt Carlos.

Sumagi din tuloy sa utak ko yung tanong ni Danielle, kung nagagalit siya kasi nakipag hook up sa kanya si Yvette or nagagalit siya kasi muntik na nya akong maagaw kay Carlos. Ewan ko, pero feeling ko hindi naman galit si Carlos dahil sa akin. Malamang galit siya kasi, si Yvette pinili niya si Danielle at nagtaksil sila which resulted to Yvette's trying to risk her life back then.

Napatigil ako sa paglalakad at inisip kung gaano na ba katagal ng break si Carlos at Yvette, kaso hindi ko naman alam kung kelan sila nagbreak, ang alam ko lang na 10 months silang naging mag girlfriend and boyfriend. Pero for sure, it has been a year since they've broken up. It's just a wild guess.

Hypothetically speaking, If it has been a year since they've been broke up, ibig sabihin isang taon na ding umaasa pa si Carlos na babalikan siya ni Yvette?

Siguro nga dine-deny lang ni Carlos na gusto pa niya si Yvette. Siguro din may dahilan siya kung bakit niya dine-deny yun pero deep inside mahal pa din niya si Yvette. Hindi siguro ganun kadali mag-undo ng pagmamahal sa isang tao kaya siguro yung iba nagpapakamatay dahil sa love kasi mahirap silang kalimutan. Hindi naman yung tao, pero part din siguro. More on yung memories nila together.

Napailing naman ako sa mga pinag-iiisip ko. Bakit ko ba pino-problema yung problema ng iba? Hindi ko naman problema yun. Natawa ako inwardly.

"Maisie Jei Tan"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin. I mean I'm so busy kaya sa pag-iisip ng mga problemang hindi ko naman problema.

Lumingon ako kung saan nanggaling yung boses, paglingon ko nakita ko si Yvette. Simple lang yung damit niya pero ang ganda niyang tignan. Bakit ko ba iniisip yan? Shake my head.

Wait, ang awkward naman neto. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano niya ako nahanap. What's with her and Carlos? May mga secret radar ba sila na mabilis akong ma-track kung saan mang lupalop ako mapadpad?

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Yvette.

Gusto ko sanang sumagot ng 'hindi pa ba tayo nag-uusap?' o kaya naman ng 'hindi pa bap ag-uusap tong ginagawa natin?' kaso ang rude naman kung sasabihin ko yun kaya tinanguan ko na lang siya.

"Siguro naman alam mon a yung kwento namin ni JC diba?" "Gusto ko lang munang mag sorry. Sorry kung ang rude ko nung nakaraang araw. Uhmm... Nagseselos lang ako kasi may ibang babaeng nakakalapit sa kanya," sabi niya sabay bumuntong hininga.

"Sana maintindihan mo na mahal ko si JC kaya ako nakikipagbalikan sa kanya. Iniisip mo siguro yung dahilan kung bakit ako bumabalik sa buhay niya, pero alam kong hindi mo ako maiintindihan," sabi niya.

"Oo, nakipag break ako, pero eto ako babalik para itama yung pagkakamaling ginawa ko dati. Alam ko hindi mo ako naiintidihan, pero just please cooperate with me. As a girl, isipin mo na lang kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, ganito din gagawin mo," sabi ni Yvette.

I inwardly rolled my eyes, I think she's pertaining sa wala akong experience sa love kaya siya nagsasabi ng mga ganyan. Tama naman siya, kahit gusto ko syang tanungin hindi naman kami close tsaka na point out na niya yung mga gusto kong sabihin.

"Alam ko may choice ako dati kung pipiliin kong sagipin yung relasyon naming or iwanan siya at suamma kay Danielle. Kaya lang naman ako nakipag break sa kanya kasi ayoko na siyang masaktan pa ulit, hindi dahil ayaw ko na sa kanya." Yvette shakes her head.

"Sana naintindihan niya yun. Nung sinabi niyang handa siyang patawarin ako at handa siyang tanggapin ulit ako, hindi ko matanggap kasi alam kong mauulit at mauulit lang yung ganung pangyayari eh. Oo, I cheated on him but hindi ko yun sinasadya. Lasing ako nung araw na yun. I didn't know what was happening that day" sabi ni Yvette.

"Eh bakit ka nakikipagbalikan kay Carlos?" nagulat na lang ako ng biglang lumabas sa bibig ko yung tanong na yan.

"Totoo na may nangyari sa amin ni Danielle, pero ginawa ko lang siyang rebound nun at lasing ako nung araw na malaman ni Carlos na nagtaksil ako sa kanya," sabi ni Yvette.

"You cannot use that as an excuse. Hindi mo pwedeng idahilan na lasing ka, kasi hindi totoo yung pag lasing ka, hindi mo na alam yung mga ginagawa mo at yung nangyayari sa paligid mo. Aware ka sa mga ganung bagay, your mind is just creating this illusion na wala kang alam sa nangyari or you chose to believe what you want," sabi ko.

Kahit ako nung araw na lasing din ako at binitbit ako ni Carlos hindi ko maalala yung pinag gagagawa ko at yung mga nangyari nung araw na yun.

Sinabi ko lang yung line na yan kasi naalala ko yung sinabi ni Cybelle sa akin nung araw na nalasing siya. Alam daw niya ginagawa niya pero she chose to deny it and blame the alcohol.

"Alam ko kasalanan ko yung lahat ng yun, kung hindi ako umalis sa bahay at hindi ako pumunta sa bar hindi kami magbebreak ni JC. I even hurt myself to the point na muntikan ko pang ikamatay. I loathed myself dahil sa nagawa ko kay JC," sabi ni Yvette.

So, to wrapped up her story. Lahat ng nangyari sa kanila ni Danielle and Carlos was all misunderstanding? Thinking each other's wellbeing? Yung point na pipiliin mong tapusin na lang kaysa mag suffer sila ng mag suffer. Tinapos niya kasi alam niyang isang bagsak lang yung sakit then after nun makakapag move on na siya na parang walang nangyari? Ganun ba yun?

"Tama ka, I should not use that as an excuse," malungkot niyang tawa. Nakita ko naman na halos maiyak na siya.

"Alam ko mali ako pero eto na ako, ready na akong itama yung mga pagkakamaling nagawa ko. I tried changing myself to be a better person, to be a better half kay JC. Ngayong alam ko nang I achieved my better self, gusto kong ipakita sa kanya na eto na yung Yvette version 2," sabi ni Yvette.

"Yung Yvette na worth it sa lahat. Hindi nyo alam kung paano at gaano ko pinagsisihan yung nagawa ko kay JC noon," sabi ni Yvette habang umiiyak.

Hindi ko alam yung gagawin ko sa puntong ito. Wala ako sa position para magtanong, magsalita at kung ano man pwede pang gawin, Pinanuod ko lang kung paano umiyak sa harap ko si Yvette. It made me sad seeing her vurnerable.

Eton a siguro yung gusto niyang sabihin kay Carlos nung nakaraang araw. Carlos didn't want to listen to her kaya she explained it to me. Gusto niyang ipaalam at iexplain yung side niya but no one wants to listen to her. Everyone misunderstands her, kahit ang Black Note hindi siya pinakinggan.

Eh bakit ako lang nakakaintindi sa kanya? Anak ng tokwa naman! Hindi naman dapat ako involved dito eh. I am a nobody to this girl, but this girl poured her heart to me.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon