∞ Chapter 72 ∞

116 11 7
                                    


Maisie Jei's POV

I continued crying in my room. Narinig ko namang may kumakatok sa door ng kwarto ko. I wiped tears left in my face at dumiretso sa pintuan.

Pagka bukas ko, I saw someone na dapat hindi ko makita. Isasarado ko sana yung pinto ng bigla niyang iharang yung paa niya.

"W-what are you doing here?" Gulat na tanong ko.

"Why are you crying?" Tanong ni Carlos at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

"It's nothing," sabi ko.

Dumiretso siya dun sa kama at umupo, hindi ako lumapit sa kanya.

"Tita and Tito called me. They're worried kasi hindi mo sinasasagot yung tawag nila. I asked your friends if they know where you are. Mabuti na lang at sinabi ni Cybelle na nandito ka sa hotel na pinagstay-an natin nung mini-vacation. I told your parents na magkasama tayo," sabi ni Carlos.

'Damn you, Cybelle. Why are you doing this to me? Alam mo namang gulong-gulo na yung utak ko tapos papapuntahin mo pa dito si Carlos?' sabi ko sa isip ko. Pagbalik ko sasabunutan ko talaga yung Cybelle na yun. Bumi-bingo na talaga yung bruhang yun sa akin eh.

"Is there something bothering you?" Nag-aalalang tanong ni Carlos, lumapit siya sa akin. Yung mga luha kong tumigil kanina, lalong bumuhos. Why does this Stupid Ice Prince keeps making me this way? Lalo akong umiyak nung niyakap niya ako ng mahigpit at nung inaalalo niya ako.

"Kanina ka pa ba umiiyak?" Tanong ni Carlos at inabutan ako ng tissue.

"Pagang-paga na yung mata mo, tsaka yung face mo pulang-pula na," sabi ni Carlos habang pinupunasan yung luha ko gamit yung palad niya.

Naka-upo lang kami parehas sa kama, naka-harap siya sa akin at tinitignan lang niya ako habang patuloy na bummubuhos yung luha ko.

"Do you wanna go home na?" Tanong ni Carlos. Umiling naman ako.

"I'm just tired," sabi ko, pertaining sa tanong niya.

"Why won't you answer my calls?" Tanong niya.

"Patay yung phone ko, sorry," sabi ko. Buti nalang natigil na kahit paano yung pag-iyak ko. Kahit paano gumaang yung dibdib ko kasi nakita ko si Carlos, pero hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Can you hug me?" Tanong ko.

"Kanina pa kita niyakap no," sabi ni Carlos at inismiran ako.

"Ewan ko sayo," natawa ako ng konti.

"Iiyak iyak ka tapos ngayon tatawa ka," sabi ni Carlos sabay pinitk yung noo ko.

"Aray!" reklamo ko, siya namang itong hinawakan yung pinitik niya sabay niyakap ako ng mahigpit.

"Kung ano man yang iniiyak mo, tandaan mo lagi lang akong nandito para sayo," sabi ni Carlos at naramdaman ko naman bumigat na naman pakiramdam ko. Paano? Paano ko siya kakalimutan kung palagi na lang kaming ganito? Nahihirapan na ko eh.

"Magpahinga ka muna, you look like a child na hindi binilhan ng toys ng parent nya," pang-aasar ni Carlos. Sinipa ko naman siya.

"Go sleep na," sabi ni Carlos, hinila yung paa ko para umayos ako ng higa. Sabay lagay ng kumot at unan para may yakapin ako. Naka-upo lang siya sa tabi ko habang nilalaro yung buhok ko.

"Paano ka pumunta dito?" Tanong ko habang naka pikit and while savoring his hands on my hair.

"Syempre I drove my car papunta dito," sabi ni Carlos. "You brought your car with you diba?" Tanong ni Carlos. Tumango naman ako sa kanya habang nakapikit.

"Would you like to go home with your car or mine?" Tanong niya.

"Kahit ano," sagot ko. Naramdaman ko naman bumaba yung side ng kama. Dinilat ko yung mata ko, nakita ko nakahiga na siya sa harap ko, may pagitan kaming unan which is yung yakap-yakap ko. Nakita ko naman siya nakatingin din sa akin at nginitian ako.

"Tulog ka na, papasundo ko na lang car mo sa driver nyo. Sabihan ko na lang yung parents mo," sabi ni Carlos sabay inilagay niya yung braso niya sa mukha niya. Hindi ko namalayan na parehas na kaming nakatulog.

Nagising na lang ako nung ginigising ako ni Carlos. Tinignan ko yung orasan, nakita ko 11 PM na.

"Maisie, tumayo ka na dyan para makauwi na tayo," sabi ni Carlos. "Hmmmm," nag-unat lang ako sagalit sabay nagpunta na ako sa banyo para magmumog at maghilamos.

"Kumain muna tayo sa baba, at umuwi na," sabi ni Carlos habang hinihintay ako lumabas sa banyo. Paglabas ko sa banyo, nakita ko siya nagtetext sa phone niya. Tumingin naman siya sa akin at nag tanong kung ready na ako. Tumango lang ako sabay lumabas na kami sa hotel room ko at dumiretso ng elevator.

" Are you feeling okay na?" Tanong ni Carlos at hinapit yung bewang ko, automatic naman akong napakapit sa bewang niya sabay patong ng ulo ko sa dibdib niya. Tumango lang naman ako habang nasa dibdib niya.

Just a bit, gusto ko lang maramdaman na importante ako kahit ngayong araw lang. Pumikit ako sabay hinigpitan ko yung hawak sa bewang niya.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako sa passenger seat.

"Safety first," sabi ni Carlos at binuckle yung seat belt ko. Palagi ko na lang nakakalimutan yung seat belt ko pag kasama ko siya.

"Tignan mo pagang-paga yung mukha mo oh," sabi ni Carlos at inabutan ako ng tubig. Galing ata yun sa binili niya kanina. Ininom ko naman yung binigay niya sabay inilagay sa cup holder niya na nasa pagitan namin. Nakita ko naman na kinuha niya yung tubig na ininoman ko sabay uminom din siya.

"Akin yan eh," sabi ko.

"Ano naman? Parang hindi tayo nagkiss ah," sabi ni Carlos habang iniinuman yung tubigan ko. Inirapan ko naman siya.

"So, tell me. Why are you crying?" Seryosong tanong ni Carlos. Nabalot naman kami ng katahimikan. Hindi naman niya ini-start yung kotse niya. We're just looking at each other.

"Do you think, I wouldn't know na you're crying because of me?" Tanong ni Carlos.

"I'm not," pagde-deny ko.

"Then why are you crying and why are you here?" Tanong ni Carlos.

"I just want to ease my mind," sabi ko. "Okay na ba? Pwede na ba tayong bumiyahe?" tanong ko. Nakita ko naman siyang inilagay yung mukha niya sa manibela sabay kinuha yung left hand ko at hinawakan ng mahigpit yun.

"Aalis tayo kapag sinabi mo na kung bakit sobrang lungkot mo," sabi ni Carlos, umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Gusto ko munang mapag-isa Carlos, Pwede bang wag muna tayong magkita? Kahit isa o dalawang araw pagtapos nito?" tanong ko habang pinipigilan tumulo yung luha ko, kaso huli na yung lahat ng maramdaman kong pinupusan na naman ni Carlos yung mga pisngi ko.

"I'll give you what you want," sabi ni Carlos. Pinunasan niya ulit yung tumutulong luha sa mukha ko sabay inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

I found myself kissing back the Stupid Ice Prince.

"Just for today, Maisie," sabi ni Carlos habang hinahalikan ako. I nodded at hinalikan siya pabalik.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon