∞ Chapter 75 ∞

164 10 8
                                    

Maisie Jei's POV

Wala akong ginawa kung hindi umiyak nung pauwi na kami ni Carlos. Kitang-kita ko kung paano dumugo yung tiyan niya, ni hindi man lang niya ito pinapansin. Hindi ko alam kung alam nya bang nasaksak siya kanina, o talagang hindi niya maramdaman yung sakit nung pagkakasaksak sa kanya kanina. It hurt my heart, seeing him walking me home, instead of being treated at the hospital.

Malapit na kami sa bahay nung naisipan kong tumigil sa paglalakad. Carlos stopped walking nung narealized niya na hindi na ako naglalakad sa tabi niya. He turned around and looked at me worried.

Lalo akong naiyak kasi hindi naman dapat siya mag-alala sa akin, galos lang naman meron ako. Dapat sarili niya yung iniitindi niya. Paano niya nagagawang mag-alala sa akin, eh dapat mas mag-alala siya sa sarili niyang kaligtasan.

Tama si Yvette. Masasaktan lang si Carlos ng dahil sa akin. Kasi pabigat lang ako at wala akong ibang kayang gawin kung hindi magpasagip kay Carlos.

Carlos hugged me and patted the back of my head, "Bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Carlos habang yung isang kamay niya nasa likod ko.

I can feel his blood seeping through my uniform, when he hugged me tighter. Itong Stupid Ice Prince na ito namumulat na at feeling ko any minute pwede siyang bumagsak.

"Maisie,"

"Ano ba Carlos!" I broke our hug. "Kailangan na nating pumunta sa hospital please lang,' naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Bakit? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nung isang lalaki kanina?" Tanong ni Carlos habang hawak hawak yung pisngi ko at pilit na pinupunsan yung mga luhang tumutulo sa mata ko.

"No, Carlos," I cried harder when he's thinking that I am the one who got hurt pero ang totoo sya itong mas nasasaktan sa aming dalawa.

"Carlos ano ka ba naman! May tama ka sa tiyan. You're bleeding!" sabi ko sa kanya at tinuro ko yung tiyan niya. "We need to go to the hospital, okay?" Carlos hugged me tighter. "Carlos please," I tried to remove his arms around my waist.

"Maisie, okay lang ako. Hindi natin kailangan pumunta sa hospital," Carlos said as he remove his hands around my waist and he started cupping my face using his both hands. "Wag ka ng umiyak, Maisie," he said kissing both of my eyes.

"Carlos, nasaksak ka ng dahil sa akin! Huwag mong sabihin na okay ka lang!" Sigaw ko sa kanya. "Please lang Carlos, pumunta na tayo sa hospital, I'll drive you there, okay?" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"You don't need to drive me, Maisie. Okay lang ako oh," sabi ni Carlos habang pinipilit niya ngumiti sa akin. "Tara na, malapit na tayo sa bahay niyo. Magpapahinga lang ako ng konti tapos uuwi na rin ako, hmmm," sabi ni Carlos as he kissed my forehead.

"No!" I yanked his hands away to my face at dumistansya ng konti. "Yung sugat mo mai-infect lang yan kapag hindi pa tayo pumunta sa hospital," sabi ko.

"Maisie, konting pahinga lang ito, okay?" sabi ni Carlos as he tried pulling me to a hug. I can see his blood dripping down on his pants.

"Hindi ko na kaya, Carlos," sabi ko at pinilit kong alisin yung kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"What?" Carlos looked at me confused. "Are you hurt? Saan?" tanong niya at mas lalong niya hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko.

"I can't do this anymore, Carlos," sabi ko. "We need to stop all of this," sabi ko habang pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa kamay ko.

"What are you talking about?" tanong ni Carlos.

"Mag break na tayo kahit wala namang tayo," I said to Carlos.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon