∞ Chapter 69 ∞

407 22 7
                                    


Maisie Jei's POV

"Restroom muna ako," pag papaalam ko.

"Wait, dun ka na mag cr sa restaurant na pupuntahan natin," sabi ni Carlos sabay hatak sa akin papunta sa isang Japanese restaurant.

Agad naman akong nag paalam at iniwan ko syang umorder ng kakainin namin.

I was about to call Yvette when someone grabbed me on my back near sa rest room. Pag harap ko nakita ko si Yvette na nakataas ang kilay sa akin.

Oh my cookies ni Jei! Natakot ako kay Yvette. Akala ko nakidnap na ako. Oh my goody gracious!

Hindi ba pwedeng magtext siya sa akin or baka naman pwede siyang tumawag para iinform ako kung na saang lupalop siya, hindi yung papatayin niya ako sa gulat.

"Hey, ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"Gusto ko lang malaman yung sagot mo," sabi ni Yvette. "Gusto mo na ba si JC?" tanong niya/

"Bakit?" tanong ko at napa cross arms ako. "Bakit sobrang curious mo sa nararamdaman ko?" dagdag ko.

"Dahil kung gusto mo siya, magiging pabigat ka lang kay JC," Yvette sighed. "Hindi mo ba napansin yung ginawagawa mo sa kanya for the last 5 months?"

Napakunot ako ng noo. Bakit ba sinasabi nitong babaeng 'to na pabigat ako?

"Kalimutan mo na sya, bago ka pa iwanan ni JC once na makuha nya yang kinaiingat-ingatang mong V-Card," sabi ni Yvette.

"Kung ayaw mo masaktan, layuan mo na si JC!" inis na banggit niya/

"Ewan ko lang sa tangang yan. Hindi pa niya kasi narerealize na libog lang habol niya sayo at wala siya talagang gusto sayo." Napabuntong hininga si Yvette. "Ginagamit ka lang niya para makalimutan yung relasyon namin. I hope alam mo yung lugar mo. Hindi ka na dapat sumasama or nakikipag interact sa taong alam mong may girlfriend na," sabi ni Yvette.

Lalong kumunot yung noo ko. Alam ko dapat hindi ako nakikinig sa sinasabi niya, alam ko din dapat pumapasok lang sa left ear ko yan tapos lalabas sa right ear ko, pero maaring tama si Yvette.

Siguro tama nga yung sinasabi niya na ginagamit lang ako ni Carlos para makalimutan yung relasyon nila and the fact na hindi dineny ni Carlos kung may gusto pa siya kay Yvette hunts me.

"Jei, kailangan mong iwanan si JC para sa ikabubuti niya at namin. Isa ka lang pabigat at isang pang pagulo sa isipan niya!" inis na sigaw ni Yvette.

"Wag mong hintayin na isang araw may mangyaring hindi maganda kay JC dahil sa katangahang pagdikit-dikit mo sa kanya," Yvette said while mocking.

Napa roll ako ng eyes, naiinis ako kasi parang sinasabi niya na isa akong sagabal para kay Carlos, na wala akong kayang gawin kung hindi ang ipahamak ang sarili ko at magpasagip kay Carlos. Totoo bang nagiging pabigat na ako? If I remember correctly, I didn't ask for Carlos' help nung time na napapahamak ako. He chooses to save me, not me asking for his help.

"Tandaan mo Jei, isa kang pabigat," mataray na sabi ni Yvette.

"Alam mo lalo kang nagiging pabigat kasi hindi mo kayang protektahan yung sarili mo," sabi ni Yvette. "What do you expect? Sagipin ka niya sa mga troubles mo? Hindi super hero si JC na kaya kang sagipin anytime na gusto mong mapahamak. Isa lang siyang normal na tao, napapagod at nasasaktan din," sabi ni Yvette.

Napailing naman ako, naiinis ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Umalis ka na sa buhay ni JC hangga't my time ka pa. Ayaw mo din naman siyang mapahamak dahil sa katangahan na pwedeng mong gawin in the future diba?" she smiled mockingly at me sabay bangga sa shoulder ko at iniwan akong nagbubuffer yung utak sa conversation namin.

Napabuntong hininga ako, ayoko sanang paniwalaan yung pinagsasasabi niya dahil alam ko naman na ayaw niya sa akin at sagabal ako sa pagbabalikan nila ni Carlos. Hindi siya mabalikan ni Carlos dahil yung attention ni Carlos ay wala sa kanya.

I tried to shake my head and tried shrugging yung earlier na nangyari kanina. Bumalik ako sa Japanese restaurant kanina, I saw how Carlos' face lit up ng makita niya ako.

Agad naman siyang tumayo at hinilahan ako ng upuan.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Carlos habang nilalagyan ako ng maki sa plate.

"Mahaba kasi yung pila eh," pagsisinungaling ko.

"Uhmm- Carlos,"

"Hmm? Gusto mo subuan pa kita?" tanong ni Carlos, hindi pa ko nakakasagot sinubuan na niya ako ng maki sa bibig ko na agad ko namang nginuya para matuloy yung sasabihin ko.

"Pagkatapos natin kumain, may pupuntahan ako," sabi ko.

"Samahan kita gusto mo?" suggest ni Carlos.

"Hmm," hindi na ako nagsalita at patuloy na lang kumain.

Enjoyin ko naman muna 'tong pagkain at makapag bigay man lang ng thank you kay Carlos for treating me in a Japanese restaurant.

"Maisie, try mo 'tong salmon, masarap," sabi ni Carlos sabay lagay sa plate ko.

"Thanks," I smiled at him.

"Hmm." Sabi ni sabay smile ng pacool sa akin.

Hay Carlos, you are making it hard for me na iwanan ka. I would like to see those pacool smile kahit na alam ko na nagiging pabigat na ako sayo, but it would be a selfish thing to do kung alam ko namang maaring ikakapahamak mo yung pagsama sa akin.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon