∞ Chapter 19 ∞

413 31 0
                                    


Maisie Jei's POV

June 15, Thursday.

One day before my birthday or should I say debut, pumunta ako ng mall to pick out my dress para sa debut ko.

Unfortunately, dahil sa sobrang choosy at picky ako. I haven't pick anything that suit my taste.

Bakit ba kasi sobrang mapili ko? Bakit din kasi ang engrande netong debut ko. Hay nako!

Lumabas na ako ng mall at nag punta ng mercato. Kahit na I'd had incidents dito you know yung nabaril ako pauwi, mas pinili ko pa ding pumunta dito.

Hindi dahil gusto ko ulit mabaril ah, kasi madaming food stalls dito at sobrang dami namang tao, so I think I'm safe.

Umupo ako dun sa nag titinda ng roasted beef. Ang bango-bango kasi at talagang tinatawag niya yung name ko para kainin ko siya.

Ok, weird but roasted beef is one of my favorites.

Lumingon naman ako sa adjacent table, may mga nag iinuman na lalaki kasi kitang-kita ko yung wine na nasa lamesa nito.

Yung ibang napapa daan sa table ko ay napapa tingin sa akin, siguro hindi sila sanay na may nakikitang dalagang mag-isa, usually teen at my ages are with their friends. I decide to open my facebook habang hinihintay maluto yung order ko.

Everyone is posting how excited they are sa debut ko and buti pa sila napopost na yung dress nila, samantalang ako wala pa din.

Mabuti na lang at dumating na yung order ko! Yummy! It's time to dig in!

Paubos na yung kinakain ko ng biglang may kumausap sa akin para maki-share ng table.

I don't mind anyway, as long as we don't care about each other's business.

"Miss, baka gusto mong uminom," sabi nito. Napansin ko na medyo nasa mid or late-20's na yung tropang umupo sa table ko and I also think na kaka-out lang nila sa work.

"Ay, hindi na po. Underage po ako," sabu ko.

"Okay lang miss, isang shot lang," pag anyaya ulit nito.

"Sorry po pero allergic ako," sabi ko. Naka inom nanaman na ako ng wine and alcohol but mababa yung alcohol tolerance ko. Isa or dalawang shot lang bagsak agad ako, kaya I don't drink with strangers baka they will take advantage of me if ever.

"Wala namang allergic sa alcohol miss!" sabi nito na natawa sa sinabi ko.

Pinipilit talaga ako netong mag totropang to kaya napagpasyahan ko na lang tumayo.

Hinila naman ako neto sa braso.

"Isa lang naman miss," sabi nito, sa sobrang inis ko marahas kong inagaw yung braso ko at nilayasan sila.

Binilisan ko yung pag lalakad at dumaan ako sa Lexus, nakarinig naman ako ng maraming yabag at yung kanunang nangungulit sa akin ay tinatawag pa din ako.

"Oh my cookies ni Jei," na realized ko na sinusundan nila ako kaya tumakbo ako ng mabilis.

"Oh sh*t naliligaw na ata ako," sabi ko pero takbo pa din ako ng takbo.

Wala akong sense of direction okay? Maliligaw talaga ako. I mean sa sobrang panic ko din hindi ko na malayan kung saan ako nag lululusot.

Sisigaw na sana ako ng tulong ng bigla akong hilahin nung humahabol sa akin.

"Bitawan mo ako!" sigaw ako at kinaladkad niya ako sa parang eskinita.

Tinulak naman niya ako sa pader dahilan para tumama yung not so magaling kong sugat.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon