∞ Chapter 74 ∞

105 6 6
                                    

Maisie Jei's POV

Pinilit kong magpa-iwan sa Student Council Room. Naisip ko na mas makakapag ease yung mind ko kapag malayo ako sa mga maiingay, gustuhin ko mang tumambay sa Starbucks, ayoko naman may makakita sa akin na schoolmate ko na parang nagda-drama ako dun.

Tinignan ko yung phone ko, 6:30 PM na pala at nauna na sila Hana kanina pa mga one hour ago. Hindi rin nila inopen yung topic kanina, Hindi nga ako sanay kasi sobrang tahimik nila, para bang hinihintay nila ulit akong mag breakdown sa harap nila.

Lumabas na ako sa Student Council Room at agad naman ako binati ni manong guard. Gusto ko sanang mag commute kaso traffic na palabas ng BGC. Naisipan ko namang maglakad na lang ulit. Wala namang sigurong mangyayaring masama sa akin no? I mean, today is like a normal day but in a weird way. Everyone is acting weird, including ako. I can't deny it.

As usual, umikot ikot muna ako sa BGC bago ako umuwi. Kumain lang din saglit tapos nag check ng mga stores na baka meron akong mabilhan na gusto ko. Chineck ko ulit yung phone ko, nakita ko 8 PM. Umikot lang naman ako ng vey light bakit parang ang tagal nung inikot ko?

Naalala ko simula non, hindi na ako naglakad mag-isa pauwi kasi lagi kong kasama si Carlos non. Pero ngayon, ako lang mag-isa ang uuwi sa bahay namin. Tumingin naman ako sa paligid ko, nakita ko naman na may mga mangilang-ngilang bata pa ang naglalaro sa daanan, nag skate board sila at nagti-tricks gamit yun. Napaisip tuloy ako, hindi ba nasasaktan 'tong mga 'to? Nakita kung paano sila madapa, pero pinilit pa din nilang bumangon at gawin yung tricks ng paulit ulit.

Nilagpasan ko na sila, at balak ko sanang dumaan na lang sa shortcut papuntang Philplans kaso bigla akong nakarinig ng foot steps sa likuran ko. Akala ko nung una guni-guni ko lang yun kasi naka headset ako, kaya napilitan akong patayin yung music ko at pakinggan yung foot steps behind me.

Na-realized ko na I'm being followed. I can see his shadow behind me, medyo may distance pero noticeable yung shadow behind. Sinimulan ko namang bilisan yung paglalakad ko, hindi ko na ring pinlit dumaan sa shortcut-an baka kasi mapahamak na naman ako dun at madilim pa naman yung daanan ngayon.

Pinilit kong hindi lumingon sa likuran ko, para akong nasa horror movie na baka pag nilingon ko, humandusay na lang ako dito sa kalsada. Natatakot din ako kasi sa naiisip ko, paano kung isa na namang manyakis yung sumusunod sa akin? Kung si Carlos ko, masyado naman niya akong tinatakot dahil lang ba sa sinabi ko kahapon at yung pag-ignore ko sa kanya kanina? Pero hindi eh, pakiramdam ko hindi 'to si Carlos. Kung si Carlos man 'to kanina pa ako hinawakan sa kamay non.

Sobrang natakot na ko nung marinig kong lalong bumibilis yung yabag nung nasa likuran ko. Kaya lalong binilisan. Konti na lang makakatawid na ko dun sa tawiran ng lugasan sa South Cembo.

Tinakbo ko na yung daanan, kasi sobrang natatakot na ko. Narinig ko din naman na biglang tumakbo rin yung sumusunod sa akin. Masama na talaga 'to. Wala man lang naglalakad na tao sa kinaroroonan ko, nagulat naman ako ng biglang bumuhos yung ulan, making it worse kasi ang hirap makakita habang tumatakbo ka tapos all you can see is dark sky, medyo foggy due to rain and yugn droplets napupunta na sa mukha ko.

I'm almost there, tatawid na lang. Kapag nakapasok ako sa shortcut-an sa South Cembo, pwede na akong mag tricycle pauwi sa amin.

"Konti na lang, Jei. Kaya ko 'to," sabi ko sabay tawid. Patawid na ako ng biglang may busina sa gilid ko at napatulala na lang ako ng may makita akong ilaw sa pag lingon ko. Napapikit na lang ako at hinintay mabangga ng kotse.

Ilang minuto nakalipas narinig ko yung driver na bumubusina ulit sa akin, hindi ko namalayan na napa-upo na ako sa kalsada. Huminga ako ng malalim sabay lumingon sa pinagtawiran ko, nakita kong may nakatayong lalaki don sa pagtawid, pero hindi sya tumawid. Akala niya siguro masasagasaan ako.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon