∞ Chapter 50 ∞

343 16 0
                                    

Maisie Jei's POV

Nakakalungkot lang kasi natapos na yung mini vacation namin. Natupad na din yung isa sa bucket list ko na sumakay sa hot air balloon. Kahit 1 week ng tapos yung mini vacation at first week ng September na, nakatatak pa din sa isip ko yung mini vacation.

In fairness, success yung mga plano ng Student Council, lalo na yung pabanda ng Black Note, grabe nang harana sila. I'm sure laglag panty ng mga fangirls nila.

Si Cybelle naman tuwang-tuwa nung nilapitan at hinarana ni Paulo. Hanggang ngayon hindi pa din maka get over.

"Nakaka bitin yung mini vacation," sabi ni Feith.

"Ako din nabitin, tara cutting at gawa tayo ng sarili nating mini vacation," pag yaya ni Kaye.

"Ayan magaling ka sa cutting pero grades nyo hindi niyo magawan ng paraan," sabi ni Hana, tumawa naman kami.

"Nakaka tamad naman na kasing mag aral. Pangarap ko na nga lang sa buhay maging asawa eh," sabi ni Kaye.

"G*go ka talaga," sabi ni Hana.

"Joke lang eto naman," sabi ni Kaye.

"Oh, ikaw Cybelle anong pangarap mo sa buhay?" Tanong ni Feith.

"Syempre maging asawa si Pau. Saka na ako mag iisip ng ibang pangarap kapag naging asawa ko na si Pau," sabi ni Cybelle.

"Alam mo hanggang pangarap na lang yung Cy," sabi ni Feith.

"Kaya nga wala akong ibang pangarap kasi kay Pau pa lang ang hirap ng abutin eh," sabi ni Cybelle at sinabunutan naman siya ni Hana.

"Ang baba naman ng mga pangarap niyo. Dapat aim high like Mint University," sabi ni Hana.

Pumunta kami ng EI Princess sa cafeteria to waste time. Wala lang, wala na kasi kaming klase. Half day lang kasi kakauwi lang galing mini vacation.

I guess this Monday is mabait sa akin right? No drama's and such. Sana mag tuloy-tuloy hanggang mamaya.

Nag pabili ako ng chocolate drinks kay Cybelle at bumili naman siya ng juice niya at tinapay. Yung ibang EI Princess naman bumili lang ng biscuits at junk foods.

Habang nag kukulitan kami at inaasar si Cybelle na walang pag asa kay Pau, narinig namin na nag kakagulo sa may labas ng cafeteria.

"Uy mga bes, may new girl atang papunta dito."

"Maganda sya pero pang average yung ganda niya."

"Sexy at malaki yung dyoga bes!"

"Malaki lang yung hinaharap pero halatadong maarte."

"Bago pa eh, transferee ata."

"Oo nga first time ko syang nakita. Kaso iba yung suot nya the parang taga Spice University."

"Oh, wag kang mag isip na ikaw pakay niyan porket taga Spice University si Cyrus," sabi ni Hana kay Ann. Natawa naman kami kasi inunahan na nya si Ann.

"Hindi ka ba mananaway?" Tanong ko.

"Maya maya pag nakita na natin yung girl," sabi ni Hana.

"Ano kayang itsura nung girl?" curious na tanong ni Feith.

"Don't worry mahal you're the most beautiful girl next to Kaye and Cybelle," sabi ko.

"Are you saying na pang 3rd lang ako?" Tanong ni Feith.

"You said that," nang aasar na sabi ko.

"Whatever mahal," sabi ni Feith, tinawanan naman namin siya.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon