∞ Chapter 10 ∞

540 41 1
                                    

Maisie Jei's POV

Mabilis kumalat yung pag balita kung anong ginawa ko kay Rey. Even EI Princess hindi mag tigil sa kaka topic niyang Rey Issue na yan.

I'm a bit proud but syempre na-guilty pa din ako sa ginawa ko kay Rey, I mean he could really take that phone kung hindi ko pinalagyan ng track kay Daddy no.

I guess I was a bit mean, but if I didn't changed my mind, bye bye to my savings. 50,000 din yun no!

"Galing talaga ng baby Jei natin," sabi ni Kaye.

"Don't call me baby, hindi na ako baby no," sabi ko.

"You will always be our baby Jei," sabi ni Feith at kinurot ako sa pisngi, I pouted.

"Headline ka na naman Jei," sabi ni Cybelle.

"Siguro fan girl or fan boy mo yung writer ng articles mo," dagdag ni Cybelle.

" Pwede wag na natin pag-usapan yun? Rinding-rindi na ako eh. Feeling ko sasakit na tenga ko sa mga naririnig ko," sabi ko.

"Isa pa yang writer na yan eh, sasakalin ko na yan ang bilis magsulat at professional paparazzi pa ata," sabi ko.

"Sis, paano mo nalaman na nag sisinungaling si Rey?" tanong ni Hana.

"Hindi siya maka tingin sa mata ko, tapos yung mata na punta ng punta sa left. Kung talagang totoo na may sakit daw papa niya, dapat straight siyang naka tingin sa akin, " sabi ko.

"Paano yun ituro mo nga sa akin," sabi ni Hana.

"Bakit gagamitin mo kay Harris?" Natatawang sabi ko.

"Syempre, buntot ng buntot sa akin eh," sabi ni Hana.

"I will teach you a bit but you will learn a lot sa general psychology na subject," sabi ko.

"May psych ka na pala," sabi ni Hana.

"IT has it. Even feith knows it," kindat ko at inapiran naman ako ni Feith.

"Bakit ako wala niyan?" tanong ni Hana.

"Depende yan sis sa course kung anong curriculum mo. Malay mo next sem pa yung gen psych mo," sabi ko.

"Sige check-in ko yung check list ko," sabi ni Hana.

Pumasok na kami ng EI Princess sa cafeteria at dumiretso sa counter to pick our food. After namin kumuha ng food ay umupo na din kami sa table namin. Many people were staring but It's not new. Sanayan lang yan.

I was about to finish my rice with bacon, nang biglang mahagip ng mata ko si Calvien. He was making his way dito sa table namin.

I silently groan, don't tell me andito na naman siya para asarin ko? Makita ko lang pag mumukha niya inis na inis na ako.

Humatak naman ng upuan si Calvien at tumabi sa akin, napa kunot naman yung noo ko dahil he looked like a bit scared na hindi ko maintindihan.

"Sinabi mo ba kay JC yung bet natin?" Tanong niya at tumingin-tingin sa palaigid animoy parang may hinahanap. Napatawa ako sa sinabi niya, yung EI Princess naman tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Seryoso ako Jei," sabi ni Calvien, napataas naman ako ng kilay dahil seryoso talaga siya sa tanong niya.

"Ano naman kung sabihin ko kay Carlos?" tanong ko.

"T*ng*na ha-huntingin ako nun Jei, baka paglabas ko bigla na lang akong suntukin ni JC diyan," sabi ni Calvien.

"Tatapusin ko tong bet na to Jei kapag may nangyaring masama sa akin. Hahalikan kita at magiging girlfriend kita sa ayaw at gusto mo," banta ni Calvien.

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon