∞ Chapter 77 ∞

81 8 6
                                    

Maisie Jei's POV

Bago pa ako makapag react, I felt Calvien grabbed my hands and pulled me out of the cafeteria. Dinala ako ni Calvien sa parking lot. Making sure na walang sumunod sa amin. Nung sure na sya na walang sumusunod sa amin, pinapasok nya ako sa loob ng passenger seat ng car nya at umikot sya para pumasok sa driver's seat.

Nakita ko na parang naiinis si Calvien na hindi ko maintindihan. Pinalo pa nga nya yung manibela nya eh. Hindi ko maintindihan si Calvien, he had his chance to kiss me pero hindi niya ako hinalikan. Siguro akala nung mga ibang students hinalikan ako ni Calvien. Maybe they are going crazy because of that thought.

Agad ko namang pinunasan yung luha ko gamit yung palad ko. Bigla namang nag abot ng panyo sa akin si Calvien. I was waiting for him to say something to me, pero hindi siya nag salita. Nanatili lang syang naka tungo sa manibela nya.

"Bakit, bakit hindi mo ako hinalikan?" I asked Calvien.

"Maisie Jei naman. Ikaw nga sabihin mo sa akin kung paano mo hahalikan yung umiiyak na babae?" inis na sabi ni Calvien at sinabunutan nya yung buhok niya.

"Hindi mo ba alam kung anong mararamdaman ko kapag ginawa ko yun?" Tanong ni Calvien.

"Huh? I don't understand you," sabi ko kay Calvien habang humihikbi at pinupunasan yung luhang tumutulo sa mata ko. "What's the reason you stopped kissing me?"

"You've done a lot of worse things sa ibang tao, pero bakit sa akin hindi?" I asked him.

"Tama ka, I have done a lot of worse things. Pwede mo ding sabihin na madami na akong mapaiyak na babae, maraming inagaw na jowa sa mga karelasyon nila, maraming sinira na relasyon dahil ginusto ko yun." I heard Calvien sigh heavily. "Pero iba ka Jei, hindi kita kayang mahalikan lalo na nung may nakita kong tumutulo yung luha sa mata mo," dagdag nya.

Nagulat ako sa sinabi ni Calvien.

"Please lang Jei. Wag kang tanga. Alam kong mahal ka ni JC, bakit ka pa nagsisinungaling sa harap ko at sa harap ng maraming tao?" Calvien asked me. "Tang*na kasama mo yung lalaking yun ng limang buwan, tapos wala syang nararamdaman sayo?" inis na sabi ni Calvien.

I'm trying to process everything in my head. Hindi ko talaga naiiitindihan yung sinasabi ni Calvien sa akin. I was just blinking at him. "Anong kinalaman ng 5 months?" Tanong ko.

"Taena naman Jei" Inis na sabi ni Calvien, "Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga or nagtatanga tangahan ka lang. Kahit nga ako may gusto ako sayo eh!" galit na sabi ni Calvien.

I felt dumbfounded sa sinabi ni Calvien. I just stared at him while trying to process his confession. Tama naman yung narinig ko diba? Sabi niya may gusto sya sa akin? Tama yung naririnig ko na nagco-confess si Calvien Rosinante sa akin diba?

Calvien Rosinante... Ako na si Maisie Jei? Magugustuhan nya? Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ni Calvien. Napailing naman ako.

"Wala bang sara yung ulo mo Calvien? Ikaw mai-inlove sa akin?" I laughed sarcastically. Joke yan no? Tell me it's a prank. May camera siguro dito sa loob ng car mo no?" sabi ko as I looked around pero dashcam lang nya nakita ko at nakatutok pa yun sa labas.

"Matagal na kitang gusto, Jei. Maniwala ka man o hindi, sobrang tagal na kitang gusto. Hindi ko alam bakit lagi kitang inaasar, dahil na din siguro na I always liked your annoyed expression at hindi ko kasi alam kung paano kita lalapitan. You wouldn't talk to me if you know I like you," sabi ni Calvien.

Nakita ko si Calvien na naka harap yung mukha sa akin at nakakumbaba sa manibela nya.

"Kaya nga sinabihan kita nung isang araw na tigilan na natin yung taenang bet na 'to eh. Actually, matagal ko ng gustong itigil 'to lalo na nung nalaman kong prino-protektahan ka ni JC... Seeing another guy protecting you feels like I am worthless," sabi ni Calvien.

I can see his sad expressions, "Lalo na nung nakikita kitang konti-konting naii-inlove kay JC, sobrang sakit dito Jei," sabi ni Calvien habang tinuturo yung dibdib nya.

I can't believe na naririnig ko lahat ng yan na sinasabi ni Calvien sa akin. Parang gusto ko ng gumising kung panaginip man ito. Hindi ko alam na may gusto pala sa akin si Calvien? Hindi ko rin alam paano nya ako nagustuhan, eh wala kaming ibang ginawa kung hindi magbangayan. Tsaka yung pang-aasar nya kasi sa akin parang hindi sya interisado sa akin, na para bang gusto lang nya akong inisin.

"Alam mo ba Jei, gusto kita kasi hindi ka katulad ng ibang babae na pinipilit yung sarili niya sa akin. Kahit na palagi kitang inaasar, iniinis, mabait ka pa din sa akin." Calvien patted my head. "Kung ako nga may gusto sa iyo, si JC pa kaya na nakasama ka sa loob ng limang buwan? Imposibleng hindi ka mahal ni JC," sabi ni Calvien as he smiled bitterly at me.

"Hindi nga ako mahal ni Carlos," inis na sabi ko. "Tsaka ikaw? Mai-inlove sa akin? Napaka impossible naman ata non," sabi ko.

"Gago ka talaga Jei. Naririnig mo ba sinasabi mo? Hindi mo pwedeng sabihin sa amin kung kanino kami dapat mainlove," galit na sabi ni Calvien sa akin.

"Hindi mo ba alam yung pakiramdam ng nagmamahal? Siguro naman alam mo yun. Tsaka bakit ba ako nakikipag talo sayo? Eh alam ko namang mahal mo na din si JC, hindi mo lang maamin sa sarili mo. Ewan ko ba sayo kung alam mo yung nararamdam mo o talagang napaka manhid mo eh. Mahal kita, Jei, At alam kong mahal ka din ni JC, hindi ako pwedeng magkamali," sabi ni Calvien.

"Wag mong sabihin na nalilubugan kami sayo kasi virgin ka o baka iniimagine lang namin na may gusto kami sayo. Alam namin yung nararamdaman namin Jei. Alam namin kung mahal ba namin yung isang tao," sabi ni Calvien.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Calvien sa akin. Ngayon pinapagalitan nya ako dahil hindi ko daw sya pwedeng diktahan kung sino pwedeng mahalin nya. Eh hindi kasi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Calvien eh. Parang joke time lahat sa kanya eh.

"Kung may chance man ako na halikan ka ulit Jei, gagawin ko. Pero sana hindi ka na umiiyak. Kung ano man yung nararamdaman mo dyan sa puso mo, linawin mo. Kung ano man yang iniiyak mo, tumigil ka muna saglit, mag pahinga ka, at sabihin mo kung ano yung totoong nararamdaman mo," sabi ni Calvien.

"Too bad, hindi ako yung first kiss mo," sabi ni Calvien. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Paano mo nalaman na nahalikan na ako ni Carlos?" Tanong ko kay Calvien. "Nakita mo siguro kami no?" dagdag ko.

"Tang*na Jei. Ang bobo mo talga," sabi ni Calvien habang umiiling at tumatawa. "Isa lang masasabi ko sayo, sobrang tanga mo pag-ibig," sabi ni Calvien agad ko naman syang pinalo sa braso.

"Sige na bumaba ka na Jei, baka hinahanap ka na ng prince charming mo," sabi ni Calvien.

Binuksan nya yung car nya at sabay kaming bumaba. Tinapik lang ako sa balikat ni Calvien at pinanuod ko syang maglakad papasok sa loob ng M.U.

Bigla naman akong napabuntong hininga. It was really weird, I didn't know that Calvien liked me. He even called me bobo and tanga just like Carlos was always telling me. Kahit sobrang tagal nyang naghintay na halikan ako, hindi pa din sya nakahalik sa akin.

Akala ko dati playboy na walang utak si Calvien and he likes to fool around with girls a lot. For the first time of my life, nag change yung pananaw ko nung malaman kong gusto ako ni Calvien. Kahit paano nagiging matino pala yung isang tao kapag gusto nila yung kausap nila no?

Calvien wasn't so bad after all, right? 

My Stupid Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon